2

2.4K 79 0
                                    

Chapter2 : kamukha

Kyrie's POV*

Naguguluhan ako kung anong susuotin ko Kaya eto ako ngayon pumasok sa loob ng Dressing Room ko. Andito na lahat. Sa may left side ang mga sapatos at sa kabilang side naman ang mga damit. Habang nagiisip ng kung anong isusuot, nakita ko ang pulang hoodie ko at naisipang magshoshort nalang din ako. Mainit kasi ngayon at magP.PE naman kami mamaya kaya makakapagbihis ako ng maayos.

Bumaba ako at nakasalubong si mama sa kusina. I smiled seeing her blooming today. Ano kayang meron. Well, lagi naman syang ganyan.

"Are you going to take the bike again sweetie?" Tanong ni mama.

"Yes mom, don't worry. I'll be fine." sagot ko. Nagaalala kasi sya at baka kung mapano ako. Lapitin kasi ako ng badluck minsan.

"Pls remind manager to have my shoot today." dagdag ko pa habang papa angkas sa bike.

"Sure sweetie."

Sa Thailand ako lumaki at full blooded Thai ako. At hindi marunong si mama magtagalog, nakakaintindi lang sya nito. Kunti palang ang nalalaman nyang tagalog at nahihiyang mabulol.

Ako naman since lumipat kami dito, pinagsikapan ko ang mag-aral ng lenguahe dito. At luckily ang dali ko lang maka adopt ng filipino doings ^_^

Time pass... Babalik kami sa Thailand at unang pumasok sa isip ko na wag masyadong maging close sa iba. Darating kasi yung araw na aalis na kami pero di ko na gugustuhin.

In fact di ako masyadong nakikihalubilo sa mga tao sa paligid ko. Hindi ako yung tipong nangunguna nang pansin. Pag pinansin ako saka ko lang kakausapin😁 Not friendly.

Nakarating na ako sa School. Hindi naman kasi to kalayuan sa Bahay.

Pinarada ko yung bike ko sa likod ng campus. maraming simpleng estudyante dito at ang rami kong nakakasabay na mga students na nagbabike through the same School of mine.

I hurriedly walk through the hallways. My gosh! Tumatakbo yung oras! Tumakbo na din kaya ako?😂 ' stupid thoughts'

Naalala ko namang itetwxt ko pala yung driver namin na susunduin ako mamaya kaya kinuha ko ang phone ko at nagtext kay Kuya Rodd. Pero biglaan nalang akong napatid at muntikan ng matumba kung wala lang nakasalo sakin. Napa hawak ako sa makabilang balikat nya and i can feel his soft sweater. Binuksan ko ang nakapikit kong mata at...

Nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita kung sino ang nakasalo sakin. Ang lalaking may pula ang buhok na nanbully sakin kahapon!

Natitigan ko sya nang ilang segundo at nang mabalik ako sa balanse ko, tinulak ko sya ng malakas at tumakbo papalayo. Hinawakan ko yung ulo ko at napa kagat labi sa inis. Umiling-iling ako para makalimutan yun.

Psh! Ang aga-aga nambubulabog yung mukha nya!

"Nakakahiya!" Sabi ko sa sarili ko.

Nawala ang pagiisip ko sa nangyari ilang segundo lang ang linipas ng marinig ang mga babaeng nagbubulungan. Kinuha ko agad yung phone ko at tiningnan.

Si Morganly lang pala...

Pumunta ako ng locker para kunin ang uniform ko at magpapalit na. Galing kami sa P.E class at naka P.E uniform. Uwian narin.

Nang naglalakad ako napansin kong may pinagkakaguluhang poster sa bulletin board. Nakisiksik ako dahil sa kyuryosidad ko at nakitang picture ko na may warning sign ang nandoon.

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon