16

779 36 0
                                    

Chapter16 : everything has changed.

Rutta's POV*

Pumunta ako nang kwarto ni Kyrie para tingnan sya. Nakauwi na kami galing sa hospital, medyo gabi na kami nakauwi. Pagbukas ko napangiti nalang ako. Yakap-yakap nya yung unan na bigay sa kanya nang Ate nya. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha nyang natutulog. Ang ganda ganda nya. Proud na proud ako sayo anak. Sana lang kayanin mo ang mga sakit na daraan sayo. Hindi pa naman maubha ang kalagayan mo maaagapan pa natin yan sweetie. I just need your trust.

Lumabas na ako nang kwarto nya at bumaba sa hagdan. Narinig ko yung pagtunog nang bell kaya pumunta ako nang pinto at pinagbuksan kung sino man yun.

"Nice to see you again madam." sabi niya sakin nang may malapad na ngiti. Ngumiti ako sa kanya at pinapasok sya.

"Matilda, thank you. I can't do things alone."malungot na sabi ko sa kanya.

Niyakap nya ako nang mahigpit. " I'm here now. You can do this. How is she?" kumalas kami sa pagkakayakap at umiwas ako nang tingin.

"Hindi pa ganon kalala pero she's at sake. Kailangan maagapan. Pag nastress sya lalong lalala yun. At pag nalaman nya, she will be in a traumatic state. Posibleng bumalik lahat nang trauma nya. I wont let that happen Matilda." naglakad ako papunta nang kusina. Nakasunod naman si Matilda sakin.

Ilang taon syang naging Nanny ni Kyrie. Naging busy kami ni Ken dati. Hindi namin natutukan si Kyrie. Kaya nagkasakit sya. Sya yung tumayong nanay ni Kyrie nung wala ako sa tabi niya. Marami nang napagdaanan si Kyrie. Kinailangan ko ang tulong nang Nanny nya. Kailangan syang maalagaan nang mabuti. Ilang araw na lang, sasabihin ko na Kyrie. Bigyan mo lang ako nang oras.

"Kailan mo balak sabihin?" hindi ko sya nilingon. Hinanda ko na yung sandwich ni Kyrie. Naghanda narin ako para sa breakfast namin.

"Mom." tawag sakin ni Kyrie. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Kinukusot nya pa yung mga mata nya.

"Next saturday will be going in the park." sabi ko sa kanya habang naghahain nang mga pagkain sa lamesa. "Eat now." inurong ko yung upuan at sinenyasan syang umupo at kumain.

Umiling ito at nagsalita "Ma, I'm not feeling well. Aabsent nalang po ako bukas." nagaalalang tiningnan ko sya. Naaawa ako sa anak ko.

"Ganon ba? Sige umakyat ka na at magpahinga. Dadalhan kita nang gamot. Ano bang masakit?" mahinahong sabi ko sa kanya. Ayokong ipakita na nagaalala ako masyado. Bagka pagduduhan nya ako.

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon