1

4.2K 159 3
                                        

Chapter1 : the sign

Kyrie's POV*

Pinagmasdan kong lumipad ang mga papel at thesis paper ko sa himpapawid ng itapon ito ng isa sa kanila ng marahas.

Sinubukan kong abutin ang bag ko pero ano pa bang maaasahan ko? Matatangkad ang tatlong lalaking to e. Umiling ako at hinawakan ang ulo ko ng sumakit ito. Binalewala ko agad ang naramdaman ng huminto ang bag ko sa isang lalaki.

Inabot ko ulit ang bag ko pero tuwing lalapit ako ay tinutulak nito ang balikat ko. "Akin na kasi yan!" Angil ko ng naiinis!

"Pano kung ayaw ko?!" Tanong ng lalaking may hawak ng bag ko. Matalim ko syang tiningnan pero hindi man lang sya natinag.

"Bigay mo na Zash! Nakakabagot na eh!" Sabi naman ng sa tingin ko ay pinakabata sa kanila.

Nilingon ko ulit yung nagngangalang Zash at tiningala ang bag kong angat-angat nya. Masamang tingin ang pinukol nito sa kasama na sinasabing tumahimik ito.

"Asan na ba si Third?" Tanong pa ni Zash pero natigilan na ako ng makitang may papalapit.

Lalaking kulay pula ang buhok na bumagay naman sa kanya. Mukhang natigilan din ang dalawang nasa likod ko at walang nagtangkang magsalita pa. Nangunot ang noo ni Zash na nakatingin sakin pero nagulat din sya ng may kumuha ng bag ko sa kamay nya. pagtingin nya ay nagulat din sya.

Sino kaya ang lalaking may pulang buhok nato? Napangiti ako ng inakalang tutulungan nya ako pero nagkamali ako. Dahan-dahan nyang binaliktad ang bag ko at dahan-dahan ding nahulog ang mga gamit ko.

Umigting ang panga ko sa galit sa kanila lalo na sa lalaking pula ang buhok! Pinagmasdan kong kumalat pa ng husto ang gamit ko at mga notebook ko.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya pero nakangisi lang ito sakin. Marahas nyang binigay ang walang lamang bag ko saka dinikit ang kung ano sa noo ko. Inis na hinablot ko yun at nakita ang isang warning sign na may number 3.

3rd warning

Kinuyom ko ito at marahas na tinapon sa lalaking pula ang buhok. Inis itong lumingon pero kalaunan ay lumambot din ang ekspresyon ng mukha nya. Nangunot naman ang noo ko pero nabaling naman ang atensyon ko sa gamit na nagkalat.

Tuluyan nadin silang nawala sa paningin ko at heto, nagsisimulang pulutin ang mga gamit ko. Hindi ko na nasiayos sa bag ko ang paglagay.

Late narin ako ng makarating ako sa klase. As usual pinagalitan ako at kung ano pang sermon at lait sa mga kaklase pero tahimik lang akong umupo sa upuan.

Occupied naman ang isip ko sa nangyare kanina. Ang gwapo pa naman nung pula ang buhok na lalaki pero ganun na lang ang ugali nya. Bakita kaya sya ganun? Mukhang sya pa nga ang pasimuno sa kanila.

Nabalik ako sa realidad ng makitang may kokopyahin. Kinuha ko ang ballpen ko sa bag at nahirapan pa akong maghanap dahil sa kalat ng gamit ko. Magsisimula na sana akong magsulat ng makitang putol-putol ang tinta ng ballpen ko. Napakuyom ako ng kamao ng maalalang nabagsak ito kanina.

At usual nanamang nangyare na napagalitan ako dahil nerd daw ako at matalino tapos pagdating sa ballpen bagsak ako! Kasalanan ko bang may bully sila dito? Hindi naman nakalagay sa info ng school na beware of bullies nung magenroll ako e!

Psh! Nakakainis lahat ng tao dito! Akala mo kung sinong mayaman at pwedeng mambully nalang! Haish! Nakakainis talaga!

Nakasimangot naman akong umalis ng klase. Hindi ko na pinansin ang teacher naming sumigaw sa pangalan ko at pinapabalik ako sa loob.

Naiwan ko pa tuloy yung notebook ko! Psh! Atleast hindi yung bag diba?

Dumaretso naman ako sa likod ng school namin at dun na ako umiyak. Kakadaan lang ng problema sakin tapos dadagdag pa sila! Sobra-sobra naman to!

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga site. Umigting nanaman ang panga ko ng makitang may nagvideo pala samin kanina. Kitang-kita kung paano nila ako binully sa video at halatang tuwang-tuwa naman ang iba sa comments! Psh! Mga immature students na walang magawa sa buhay!

Naisipan ko na ring umuwi at magpahinga. Nakakapagod naman ang araw nato kahit maaga palang...

—————————————

Always Lame😂😅 vote and comment po!

To inform my past readers! Naiba na po ang chapter nato at hindi na po sya mukhang ewan kaya enjoy po!

Pareho lang naman po ang nangyare pero inalis ko lang ang Pov ni Third. Mukha kaaing bakla >—<

Yun lang po thankie!!

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon