33

586 40 2
                                    

Chapter33 : Pool Fall

Kyrie's POV*

Nakatayo lang ako at titig sa kawalan na nakaharap sa pool. May tumapik sa likod ko kaya nilingon ko. Nakita ko ang mataray na mukha ni Liex sa harap ko. Umiling ako ng kaunti. Gulo na naman! Wag po sana!

"Sorry pero may task ako." Mapang-asar syang ngumiti sakin.

Nagulat ako ng tulakin nya ako. Patalikod akong bumagsak sa pool. Masakit ang pagka-impact nito sa likod ko. Hindi ko din inasahan na medyo malalim ang pool nila dito kaya naman na alarma ako at pinilit na lumangoy pataas ng lumulubog na ako. Sa kamalasan pa nanikip ang dibdib ko dahilan para mahirapan akong huminga. Para na akong nalulunod dahil pumapadyak at humahagip ng may mahila. Nalulunod na pala talaga ako!!

Hinawakan ko ang dibdib ko at kinuyom ang kamay ko dito. Nasisikipan na ako! T-Tulong! Lukot na ang dress ko sa parteng dibdib dahil sa paglukot ko ng bahaging iyon. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ko neto. Nag-crumps ang mga paa ko na dumagdag pa sa sakit na iindahin ko. Malas!

Ilang segundo na ako dito. Wala bang tutulong! Shete!

"T-Tu *Blub!* long!" Bulalas ko kahit na sa pagitan ng tubig.

Pinikit ko ang mata ko at sumuko na sa pag galaw. Nagpadala nalang ako sa paghila ng tubig sakin.

Diba gusto ka nya? Diba dati lagi syang susulpot pag kailangan mo sya? San na sya....

Iiwan mo rin naman sya Kyrie kaya ano pang halaga kung sasalon sya at sasagipin ka?

"Whatever happens just fight." Eto ba ang ibig sabihin ni Quenie kanina? Kung ganon, lalaban pa ba ako? Tell me.. Quenie...

Jen's POV*

"Oh My Gahd!" Napatakip si Mika ng bunganga nya dahil sa pagkagulat.

Lumingo ako sa kung saang dereksyon ang pinag gugulatan ng mga tao sa paligid. Miski ako nagulat ng makitang may nalulunod. Bumuo ang kaba sa dibdib ko kaya agad kong hinanap si Syndy sunod si Quenie at pagkatapos ay si KYRIE?

"KYRIE!" Sigaw ko ng makilala ang bracelet na nasa lapag tabi sa pool. Yun ang suot ni Kyrie kanina. Palapit na ako sa pool pero di ako marunong lumangoy kaya humingi ako ng tulong.

Nakakainis dahil walang gustong tumulong. Sinamaan ko ng tingin si Liex na malapad ang ngiti. Mukha syang witch! Lagi talagang epal at bruha yan e!

Nabigla ako ng makita si Ander na tumakbo daredaretsyo sa pool at tumalon. Umahon sya na buhat buhat si Kyrie. Ang amo ng mukha ni Kyrie'ng walang malay. Naawa ako sa kanya dahil halatang nahirapan sya. Hindi ko nga alam kung anong oras sya dun nagtagal.

Halata ang galit sa mukha ni Ander. Sinundan namin nila Mika sila at patungo sa Room namin ang punta nila. May room kasi ang bawat estudyante na gustong mag-stay. Si Mika, Syndy at ako ay magbabonding kaya nagpareserve kami. Magpapaiwan kami dito para magsaya at bahala na ang iba. Marami din namang nagpareserve.

Pinahiga nya si Kyrie sa kama ko. Lumabas sya at may tinawagan. Lumapit si Syndy kay Kyrie at pinuwesto ang kamay sa dibdib nito. Ginawa nya yung ginagawa ng doktor para mabalik ag consciousness. Mahina ako sa mga ganon kaya hindi ko alam ang mga bagay nayon.

Umubo ng tubig si Kyrie na ikinahinga ko ng maluwag. Hinanap ko si Quenie pero mukhang di sya sumunod.

Quenie's POV*

"Diba sabi ko pagod na ako sayo!" Singhal ko sa kanya. "Ang pumatay Cramy? Yun ba?! Bwesit!"

"I told you! HINDI. AKO!" Singhal nya pabalik na ikinairap ko.

"C'mon Cramy. Are you kidding me?" Sarkastiko kong wika.

Hindi ko papalagpasin ang gulong ginawa nya ngayon. Iba na ang ginawa nya. Nanakit na sya ng sobra at yung nangyare pa kay Kyrie ngayon na muntikan nya ng ikamatay. Alam kong may sakit si Kyrie at paano kung lumala yun? Ano ng gagawin ko . nasa gitna ako ng dalawang kaibigan ko. May alam ako sa dahilan ni Cramy pero alam ko rin ang lagay ni kyrie.

Iniwan ko sila dun matapos kong sampalin si Liex para matauhan naman sya. Tumakbo ako at hinanap ang kwarto kung nasan si Kyrie. Nakita ko si Ander sa labas na may katawag.

"Paparating na ang Ate nya para kunin sya. They are totally disappointed." Wika nito at yumuko. "I didn't watch after her kanina. Ang tanga ko! Alam ko namang" sinuntok nya na ang pader na ikina atras ko. Hindi na sya nagsalita, alam kong kinakalma nya ang sarili nya.

Sinabi sakin ni Jen ang nalaman nila tungkol sa pag-alis ni Kyrie. Hindi na daw kasi sya makakabyahe mamaya dahil sa lagay nya ngayon. Mauuna nalang daw ang mama nya at ang Nanny nya. Si Kyrie naman maiiwan kasama ang Ate nya.

"They're on the trip right now. Mas pinaaga ang Flight." Sabi ng Ate ni Kyrie. Naririnig ko lang silang naguusap ni Ander.

Nagtuloy ang iba sa sayahan at ako naman nagmukmok sa tapat ng dagat. Nilanghap ko ang simoy ng hangin at dinama ang lamig nito. Maya mayay may lumapat na jacket sa balikat ko na ikinainit ng katawan ko kaunti. Tiningala ko ang naglagay ng jacket. Si Marc.

"Mushroom!" Asar ko na ikinatawa nya. E kasi lagi syang sumusulpot sa kung saan man ako at pagdown na down na ako. Ang rami kong iniisip lagi.

"Emo!" Asar ni Marc pabalik.

"Hindi ako nag e-Emote! Psh." -ako

Tumawa nalang sya saka inakbayan ako. I felt his warmth.

"Basta ako wag mo akong iwan gaya ng gagawin ni Kyrie samin." Nangunot ang noo ko sa sinabi nya kaya tinitigan ko sya. "Si Third kasi.." Natigilan ako ng sumeryoso sya.

"Bat nga ba wala sya kanina?" Tanong ko.

Lagi naman kasing susulpot si Third pagdating kay Kyrie. Alam ko narin ang feelings ng kaibigan kong yun. Kilala ko na si Third dati pa.

"Ewan nga e, hinanap namin sya pero wala eh! Cannot be reached ang mokong!" Natawa ako sa sinabi ni Marc. Nagawa nya pang magbiro! Hindi na ako nagsalita at sumandal nalang sa kanya.

Sana ok lang si Kyrie...



~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•|

THE END! Haha jk lang!

Baka mae-end nadin ako pag ginawa ko yun. Kaya habaan pa natin kasi marami pang naudlot.

Pls vote and comment!

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon