Chapter22 : teaching them
Cramy's POV*
I hate it!!
"I hate it!" I cursed.
Nakabenda parin ang kamay ko. Umiiyak ako sa kotse ko habang hinahampas ang manobela. I'm weak! Gosh Cramy! Napaka hina mo! Alam mo ba yun? Ang hina-hina mo. Hinampas ko ulit ang manebela ng ma wrong move ako. Sh*+! Yung may bendang kamay ang nagamit ko sa pag hampas. Pumulupot ako sa sakit. Hindi pa nga magaling to eh!
Nasabi ko na din ba sa sarili ko na.... Ang tanga tanga ko!
Bumukas ang pinto ng kotse ko at bumungad ang nagaalalang tingin sakin ni Third.
"You okay?" Tumango ako kahit naman hindi ako Okay. "Stupid! Move to the other seat. I'll drive." Galit nyang wika. Sinunod ko sya. Lumipat ako sa kabilang seat. Umupo sya sa driver's seat at pinaandar ang Kotse. Isinandal ko ang likod ko at ulo ko sa upuan. Pumikit ako at pilit hinding isipin ang kirot ng kamay ko. Sobrang lakas ng paghampas ko sa bola. Ngayon ko lang narealize.
Kyrie's POV*
Naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos kong mag-ayos pumunta na ako sa kusina. Nag-shopping si mama kaya wala sya ngayon.
Saturday ngayon. May group project kami kahapon kaya di ako natuloy turuan ang kamikaze.
"Cookies?" tanong ni Nanny. Liningon ko sya saby ngiti. "Wag kang magpagod. Ako na dyan." patapos na nga ako Nanny eh! Umalis ako sa lamesa. Sya na ang nagpatuloy sa paghalo ng harina.
"Nanny, bibili lang po ako ng Chips." tumango si Nanny at nagfocus na sa ginagawa nya.
Lumabas ako ng bahay. Itinali ko muna ang buhok ko at pumunta na sa garage para kunin ang bike ko bago umalis papuntang mini-store. May mga store naman kasi sa loob ng Village namin.
Bumili ako ng maraming chips at kung ano-ano pang pagkain. Bumili na rin ako ng chocolate bars. Palabas na ako ng store ng makita ko si Rile.
"Oh kyrie." Yay! Tinawag nya ako sa pangalan ko. Ngumiti ako sa kanya.
Sabay kaming lumabas ng store. Bumili sya ng 3 chips. Ang unti naman ata?
"Ah eto bang chips? Hehe sensya na ayoko ng sobrang marami eh" napakamot sya sa ulo nya. nahiya naman ako sa binili ko. Pero nabasa nya ba yung iniisip ko? Haha ang weird.
"Ah hehe marami akong binili." Sabi ko.
"Obvious naman. Mukha ngang binili mo na yung store eh." Sabi niya. Nahihiya na talaga ako.
Ayun so naglakad kami papunta ng bahay. Nilakad ko nalang yung bike ko. Nakakahiya kay Rile.
"Yan ba yung sinira namin. Hehe s-sorry." Nawiwirduhan na talaga ako sa sudden change of attitudinally nila.