15

822 37 0
                                        

Chapter15 : is it time?

Kyrie's POV*

Sabado ngayon. Ang aga kong pumunta sa Shooting at may guesting ako mamayang hapon. Grabe isang linggo na pala ang lumipas matapos yung Trip namin. Namiss ko yung Baguio feels.

Ilang araw nadin kaming nagkukulitan ni Ander. Lagi nya akong sinusundan kaya naman ang sama na nang tingin sakin ng mga kaklase ko At yung ibang babae sa campus na halatang may gusto kay Ander. Natatawa nalang ako sa mga nangyayare.

Naalala ko yung unang araw ko lang sa Sathorn University. Wala pa akong kaibigan, eh sino ba kasing nagkaideya na maging Nerd ako as a disguise personality? Gusto ko lang kasi nang tahimik na buhay sa study life ko. Pero wala eh kailangan ko nang ipagpatuloy ang pagiging ganon. Nerd muna ako hanggat hindi pa kami bumabalik sa Thailand. Hanggang kailan pa? /pout/

"Lalim nang iniisip." nagulat ako sa nagsalita. Ba't ang hilig mang gulat nang mga tao ngayon.

"Brettina wala ka bang ginagawa dun at nanggugulat ka nanaman?" mahina syang natawa. Ang hilig nya talagang mang-asar. Pero sya yung tipong mangaasar nang tahimik. Weird idescribe.

"Tawag ka na ni Manager Nam." maikling wika nya.

Tumayo na ako at lumabas sa dressing room. Nakita ko Manager Nam na naka upo sa swivel chair nya. Stress na naman ang mukha nya. Haha ang epic at ang laki na nang eyebags nya.

"What?" sabi niya nang nakakunot ang noo. Nakangiti kasi ako sa kanya nang nakakaloko. Pano ba naman ang sarap nyang kunan nang litrato sa mukha nyang haggard na haggard.

"Nothing. Just see yourself unto the mirror." sabi ko habang natatawa nang kaunti. Inaasar ko na naman sya.

"Argh! I know. I look too haggard. Pano ba naman may ni rerequest yung kalaban kong manager sa kabilang corp." naiirita nyang sambit.

"What corp? What kind of request? Si ano ba-?" sunod na sunod kong tanong.

"Yahh!! Oo sya nga! Nakakainis." umuusok na yung tenga nya.

"Edi wag mong tanggapin. Simple as that." sabi ko sa kanya sabay upo sa side chair na malapit sa desk nya.

"Pero kasi yun din yung suggestions nang iba. Naguguluhan na ako." halata naman Manager Nam sa mukha mo.

"Ano nga kasi yung request ni Ano---?" ang hirap magsalita nang isang sentence na kailangang kulangin. Ayaw nyang banggitin yung pangalan nang manager sa kabilang Corp kasi may past sila.

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon