27

617 34 2
                                    

Chapter27 : 2nd warning

Kyrie's POV*

Alam na ni Quenie ang sikreto ko. At ang laging inaasahan na mangyare pag may nakaalam. Humingi sya ng poster with signature.

Gumagawa ako ng draft para sa poster na pinapagawa ng Art teacher namin. Nakatuon lang dun ang atensyon ko.

"Turuan mo ako pls.." naagaw ni Ander ang atensyon ko.

Tahimik kong kinuha ang bond paper nya at gusto ko ng matawa sa stick figure nya. Really Ander? Pfft!

"Wag mong pagtawanan." and to that, hindi ko na napigilan. Tumawa na ako. I don't care kung maraming akong naagaw na atensyon.

"Hella Stick Ander?" ekspresyon lang yung 'Hella'. Nagpout sya sakin. Oh no not that.

"Turuan mo nalang kasi ako!" pagrereklamo nya. Tsk! Patience Ander, Patience!

Kinuha ko ang papel nya at binura ang mga nakadrawing na stick figures dun. Gumawa ako ng guide lines para sa figure ng Virtual na tao. Kita ko ang amusement sa mukha ni Ander. Napangiti ako dahil dun. Oh fluttered Kyrie..

Nilagay ko yun sa table nya. Bumalik na ako sa draft ko. Hinayaan ko na syang gawin yun tutal tinuro na yun samin dati ng Art teacher.

-

P.E class-

Nagbihis na ako into P.E uniform. Race lang naman ang gagawin sa feild. Free activity lang naman.

Take note: wag mong pagudin sarili mo Kyrie.

Yeah, I know my limits already. Ng makadating ako sa field, Umupo ako sa isang sulok. I don't have friends in this class. Wala akong makausap kaya tahimik lang akong nanonood sa mga tumatakbo.

"Kyrie Medner?" -teacher

"Yes ma'am?" itinaas ko ang kamay ko para makita nya ako.

Binaba nya ng kaunti ang salamin na suot nya tsaka tiningnan ako. Sinenyasan nya akong lumapit using her finger.

"Ikaw na ang susunod. Better be Ready si Jaydon ang kalaban mo."

Si J-Jaydon? Yung sporty guy. Mukhang wala na akong laban.

Tumango ako at tumungo sa likod ng mga nakapila.

---

Nagsimula ang laban namin. Kumaripas agad sya ng takbo napalingon ako sa aming guro. Diba't pangdadaya iyon?

Wala naman akong pake kung matalo ako pero ang matalo dahil nandaya ang kalaban ay di patas!

Tinaasan lang ako ng kilay ni ma'am. Tumakbo narin ako. Nakakalayo na si Jaydon. Bwesit yun!

Nasa pangalawang ikot na ako at malapit na sa pangatlo ng huminto ako. Hinahabol ko ang paghinga ko. Biglang sumikip ang dibdib ko kaya agad akong napahawak dito. Hinawakan ko ang tuhod ko sa freehand ko. Palala ng palala na ang sakit ko.

Nakuha ko naman ang atensyon ng lahat. Lumapit sila sakin at ganun din si Jaydon. Isang hakbang nalang nasa finish line na dapat sya ngunit binalikan nya ako.

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon