Chapter11 : Trip
Kyrie's POV*
Tapos na akong naghanda ng mga gamit ko paalis. Ngayon na yung trip, 4 palang ng umaga ay nakapagayos na ako. Ready to go Kyrie!
Sinuot ko na yung backpack ko tsaka pumunta sa kusina. Nagpack ako ng sandwitches at kumuha ng mga snacks. Nakalimutan ko yung phone ko na nakacharge kaya naman bumalik ako sa kwarto ko at kinuha yung phone kasabay narin yung earphone. Nakita ko sa higaan ko yung maliit na unan na may design ng wink emoji. Namiss ko to. Napagisipan kong dalhin na lang to.
Nagiwan nalang ako ng sulat kay mama. For sure tulog pa yun ngayon. Late na kasi sya nakakatulog. Halatang pagod na pagod kaya di ko na iistorbuhin...
Nakarating na ako ng school naglakad lang ako papunta para morning exercise. This is going to be a long trip. 2days and 1 night kami dun. BTW sa Baguio pala ang place na napili ng school for the trip. May nakareserve dun na resort para lang saming mga students ng Sathorn.
Bukod sa event nato malapit narin ang foundation day. Magiging busy ang mga incharge officer sa school pagkatapos ng trip nato. Gayun din naman ang mga students. Kailangan ng mga booths atsaka games na paghahandaan.
Umupo na ako sa may bandang gitna ng bus. Marami nang estudyante ang nauna sakin. Edi sila na yung early birds. Nilagay ko yung bag ko sa harap ko at komportableng isinandal ang likod ko. Nilagay ko narin ang earphones ko. Chill muna ako ngayon.
"Handy many! Haha..." Rinig kong sabi ng isang batang babae sa kalarong lalake. Wagas syang makatawa na akala mo kinikiliti ng isang bilyong engkanto.. Haha
"Why do you call me that?" Sabi ng batang lalake habang nakapout. Ang cute nilang tingnan. Medyo di ko makilala yung babae pero pamilyar yung bracelet nya.
"Dont pout like that. I always call you that because you are my handy many." Sabi ng batang babae habang umiwas ng tingin sa batang lalake. "- you're always there to fix things up. You're there when i needed you..." Bakas ang pagkalungkot ng babae kaya naman niyakap sya nung lalake. Mga nasa 8 yrs old palang ata sila.