14

753 38 2
                                        

Chapter14 : Bestfriends

Kyrie's POV*

Ang sakit ng ulo ko. Napaupo ako sa kama habang hinihimas-himas ang ulo ko. Ouch naman. Ano to hangover? Geez. Ano nang iniisip ko.

Teka?!

Wala akong matandaan sa nangyare? Ano nga bang nangyare? Pano ako nakabalik dito?

Naputol ako sa pagiisip nang marinig ang tonog nang pag ikot ng knob. Sino kaya yun? Hala! Bat nya nabuksan yun. Nanginginig ako sa takot habang papalapit na yung tunog ng yapak ng mga paang papalapit.

Hay!! Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang nakangiting mukha ni Minny sakin. Tinakot nya ako. Pero pano sya nakapasok. Ngumiti ako sa kanya.

"Kung iniisip mo kung pano ako nakapasok. Nanghingi lang naman kasi kami ni teacher Kath sa involve dito sa mga door keys. Pinagalala mo si Ma'am." Naglakad sya palapit at umupo sa kama ko. "Ok ka na ba? Grabe hinang hina ka kagabi. Tapos iyak ka nang iyak. Handy many? Yun yung sinisigaw mo." Sabi niya sakin at nilagay nya yung kamay nya sa chin nya na parang nagiisip.

Ano kayang meron sa handy many na yun at sinisigaw ko? Nasobrahan lang ata ako sa cartoons.

Hinayaan ko lang syang magpatuloy. "So ayun. Pinunasan kita ng panyo na may mainit na tubig. Binantayan kita hanggang sa makatulog ka."  ngumiti ako sa kanya. Ang bait nya talaga. Sya lang yung nerd na Famous. Hindi dahil sa binubully din sya kundi dahil sa isa din sya sa mga malalaking investor ng school. You heard me right. Sya mismo ang nagiinvest hindi yung parents nya. Medyo naguluhan din nga ako dun sa matter na yun..

"Salamat pala ha. Sino nga palang naglabas sakin sa gubat?" nagtatakang tanong ko. Wala kasi akong matandaan.

"Wala ka bang matandaan? Uhmm.. Sa pagkakaalam ko si Third ang nakahanap sayo. Ang swerte mo teh." sabi niya sakin habang kinikilig pa.

Biglang nagflashback sakin yung mga nangyare. Tama, sya nga yung kasama ko. Lagi nalang syang nandyan, to the rescue.

Napangiti ako. "Uy! Anong nginingiti mo? Haha! Magayos ka na nga. Mayang alas kwatro uuwi na tayo... Mahaba pa ang byahe." sabi niya sabay tayo tapos umalis na sya.

Napakamot nalang ako nang ulo. Sinubukan kong tumayo kaso hilong hilo pa ako. Nang aakmang ilalapag ko na yung isang paa ko. Biglang may kumirot dito na napakasakit kaya napapikit ako nang wala sa oras. Tiningnan ko yung paa ko at nakita ang napakalaking sugat. OH MY GALLI!! shacks! Anong gagawin ko pag nakita ni mama toh? Sesermonan na naman ako nun. Ang OA nun pag dating dito.

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon