Chapter23 : Trainer plus harsh = Cramy.
Kyrie's POV*
Normal lang ang first subject ko at yung second class pero nasira ang umaga ko ng bumungad ang papre-test ni Teacher Kath samin. Naku naman! Napapansin ko na ha! Napapansin ko na talagang nagiging blanko na ang utak ko. Oh my Goshh!!! Hindi pwedeng ma-zero ako.
"Past your papers!" wala na akong magawa kundi ipasa yung paper ko. Kahit na mali mali ata yung mga sagot ko. Hay😥 kung san san ka kasi nakafocus Kyrie!
Pumunta na ako sa library instead of going to the cafeteria. Binuksan ko yung bag ko para hanapin yung librong hiniram ko last week. Napangiti ako ng makitang magulo yung bag ko. Hindi dahil sa magulo ito ha. Hindi ako matutuwang magulo bag ko noh! Na alala ko lang si Ander. After kasi nung hinatid ako ni Third sa bahay at after nung malaman ko ang sakit ko na itinago ni mama for Damn many years!
Balik kay Ander, so ayun hindi ko na sya nakita. Although I have his number to text pero nakakahiya. Napalitan ng lungkot ang ngiti ko. Ng makita ko na yung libro, kinuha ko na ito at isinara ang magulo kong bag. Humarap ako sa Librarian at iniabot ang libro. Ngumiti ito at muling nagtype sa computer sa harap nya.
---
Lumabas na ako ng library. Pumunta na ako sa next class ko. Ang english. Kung saan kaklase ko ang kamikaze. Kinakabahan ako sa last round bully-kuno nila. Huhu worse nga sabi ni Zash eh. Ano yun, unforgettable?
Wala pang pa namang prof at wala pa sila. Kinuha ko yung phone ko. Nikata ko ying text ni Manager Nam. Tsk! About na naman sa guesting. Hindi daw kasi ako umaattend at ang rami kong excuses. Pag dineretsyo ko naman sya eh magagalit din naman sya. Hay naku! Gusto kong sabihin na Ayaw!
Ang kulit kasi nila eh! Paano ko naman haharapin ang kamikaze? And worse... Gusto nilang matapos na yun agad. Huminga ako ng malalim. Sige, gagawin ko na yun pero let me think about an excuse. Eh kasi magkamukha kami ni Morganly. Eh syempre iisa lang kami! Alam ko na sasabihin ko nalang na magpi-----
"Good morning!" sabay na bati ni Rile at Zash. Nakakapanibago talaga sila.
"Morning." bati ko pabalik.
And as usual sabay na naman ang magpinsan. Pinsan... Na alala ko yung iniisip ko kanina. Hay dapat na akong masanay sa mga toh. Maikling music video lang naman yun diba?
Tahimik lang silang nakikinig. Ni tabigin ang upuan ko hindi nila ginawa. Hindi ako sanay ng ganto. I mean oo ayokong mapagtripan nila pero alam mo yun? Yung tipong nakastay sa isipan ko yung 'last round thingy nila'
Nakinig nalang ako at pilit na inaalis ang nasa isip ko. Nagexplain lang ang prof namin ng napaka haba. Lang?
---
"Anong club ka miss?" tanong sakin ng di ko kilalang babae. Last clas na namin ang clubs. Pero ngayon ako magpapalit ng club eh kasi ayoko dun sa Science Club. Puro experiment at kung ano ano pang ginagawa.
"Wala pa akong napili. Lilipat kasi ako eh." naglighten up yung mukha nya sa sinabi ko. Nangunot tuloy ang noo ko.
"Kyahh! Dito ka nalang samin! Dreamyu. I heard you sing in the music hall last time." nagulat ako sa sinabi nya. Narinig nya akong kumakanta. Nahiya ako at nagshrugged ng balikat sa kanya.
