18

880 32 4
                                        

Chapter18 : preperation

Kyrie's POV*

Pagod na akong maginstruct sakanila 😩 nakakapagod ang bawat sections dito. Pumunta ako sa hallway para sabihan yung katabing section na magsimula na silang I-decorate ang mga bulletin board and etc...

"Ready na ba kayo? Magsimula na kayo bukas na kasi yan eh." sabi ko sa kanila.

"Ahh, Oo. Sige." ngumiti yung lalaki sakin na president nang second section class. Tumalikod sya at sinabi sa harapan nang mga kaklase nya yung sinabi ko.

Humarap sya sakin. "Sisimulan na namin." ngumiti sya.

"Ah sige, mauna na ako." tumango sya at pumasok sa loob ng silid. Nagsimula na ulit akong maglakad papunta nang Field para makita kung may progress ba sa ginagawa nang mga First section students.

Naglakad lakad ako pero feel ko ang tagal ko nang naglalakad kasi pawis na pawis na ako at hinihingal. Nahihirapan akong huminga, kailangan ko itong habulin. Kinalimutan ko ang sudden feels at nang makarating na ako sa harap nang field pinagmasdan ko ito. Ang ganda na nang paligid at puno nang makulay na dekorasyon. Creativity, yan ang makikita mo sa kanila. Sa bawat estudyanteng kumakabit nang mga kung anong pangdesign.

Lumapit ako sa Special Section Booth. Nakaagaw nang atensyon ko yung maliit na Baymax. Wahh ang kyut nito!! Nakahalera yung mga Baymax keychain sa may harap nang booth. Naaantig yung mata ko dito. Makakalimutan ko talagang maglilibot pa ako. Gusto kong bumili kaso maglilibot pa ako at hindi pa bubuksan yung mga bazar ngayon. Nagpout ako tsaka sinundot sundot yung baymax na keychain.

"Pasalamat sya nakabalik sya. Sayang goodbye Nerdy na sana." sabi nang isang babaeng nasa likod ko na pamilyar ang boses. Nilingon ko sya at di ako nagkamali. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nya. Tiningnan ko si Tinna sa tabi nya na hindi makatingin sakin. Guilty ba?

"I , should'nt waste my time." sabi ko at patay malisyang umalis sa harap nila. Hindi ko kayang makipagaway ngayon. Hindi na ba sila nahiya sa ginawa nila? Grabe naman!

Pumunta ako sa cafeteria at tumambay lang dun. May nagpiring sakin gamit ang kamay kaya kinabahan ako baka kung sinong multo toh. Haha ang OA ko. Multo agad? Aba malay ko.

"S-sino ka?" hindi sya sumagot at mahina syang tumawa. Sa tawa nyang yun nakilala ko na sya. "Tanggalin mo yan! Baliw ka talagang lalake ka!" sabi ko sakanya at tinanggal nya naman ang kamay nya sa mga mata ko.

"Check up?" nakakunot noong tiningnan ko sya. Anong check up pinagsasabi nya? May sakit ba ako? Oh siya? "Hahaha! Hindi na niya checheck up-in yung bag ko. Yes! Kinalimutan na niya!" hinawakan nya yung tyan nya na parang masakit ito sa kakatawa. Nagpout ako at tiningnan sya nang masama. Yun pala yung tinutukoy nya. Mokong talaga toh!

"Hoy! Hindi ko kaya kinalimutan yun." sabi ko habang nakapout padin. Ginulo nya yung buhok ko at tumawa nang saglit. Ang cute nang mata nya pagtumatawa sya. Sumisingkit kasi.

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon