17

794 38 4
                                    


Chapter17 : Just one word.

Cramy's POV*

Gagabihin ata kami ngayon sa school. Busy ang lahat sa pagaayos nang mga booth at kanya-kanyang bazar. Nakakaengganyo tingnan.

"Uy! Cream ko! Wag ka nang magtampo." Aish!! Ayan na naman sya!

"Hindi ako nagtatampo kaya pwede ba? Get lost! Ano namang ikaka tampo ko sayo ha?" tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya. Naghihintay ako nang sagot nya. Nasa corridor kami ngayon. Busy ang mga estudyante sa field at court.

Sa field yung mga food bazars at arcades. Sa court naman yung mga sport na gaganapin. Kaya siguro walang estudyante sa corridor ngayon. Pumunta lang naman ako dito para kunin yung bag ko sa room. At mukhang nasundan ako ni Unggoy. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan sila papa kung bakit sya pa yung pinili nilang maging Fiance ko. Napaka unfair nila sakin.

"Kase hindi ka namamansin. Ano ba kasing problema mo? Iniiwasan mo ako kahapon pa! Simula nung nagdate kami ni Quenie ganyan ka na." huh? Ako pa ngayon? Pake ko ba sa kanila?

"Huh, lagi naman akong masungit at hindi namamansin sayo. At hindi ba  obvious na lagi kitang iniiwasan? Unggoy ka talaga eh!" nakangisi lang sya sakin. UGH! Naaasar ako sa ngisi nyang yan. "Magsama kayo! Pake ko ba kung magdate kayo at magtawanan kayo. Wala din akong pake kung kagatin kayo nang langgam sa kasweetan nyo. Wala akong problema. Wala!"  tumalikod ako sa kanya at naglakad ulit.

"Asus. Yan namiss ko yan." naguguluhang nilingon ko sya. Nakakunot noong tinaasan ko sya nang isang kilay. "Haha, namiss ko yung pagtawag mo sakin nang unggoy, Bakulaw at kung ano-ano pang hayop na maisipan mo." humakbang sya papalapit sakin. Napaatras ako kahit na malayo pa sya. "Namiss ko yung kasungitan mo. Alam mo bang masakit na pinagtatabuyan mo ako? Pero mas okay na yun atleast napapansin at nasusungitan mo ako." kahit anong pagtataray ang gawin ko lagi nya parin akong nginingitian at sinusundan. Ano bang kailangan kong gawin para matinag sya at layuan nya na ako? Bakit ba sya ganyan? Kung nasasaktan sya, ba't hindi nalang nya ako layuan? Humakbang ulit sya papalapit. Hindi na ako makaatras kasi parang naglue yung mga paa ko sa sahig. Bumilis ang tibok nang puso ko. Kinakabahan siguro ako at baka anong gawin nang unggoy nato. Kami lang dalawa ang tao dito.

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon