Chapter34 : Years ago...
Kyrie's POV*
Nagising ako sa pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang aking paningin at doon ko lang nalaman na kwarto ko pala ito.
Bumukas ang pinto an iniluwal si Ate. Nangunot ang noo ko sa palaisipang flight na dapat namin ngayon. Liningon ko si Ate Ally.
"Wag kang mag alala, bukas ng umaga aalis na tayo. Nauna na sila mama kasama ang mga babae." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya.
Tumango ako at bumalik sa pagkakahiga.
Ang tanga mo! Inasahan mo bang darating sya?
Tama, hindi dapat ako umasa. Napapikit ako ng mariin ng maalala ang nangyare. Si Ander... Mukha nya ang bumungad sakin. Kung hindi dahil sa kanya siguro... Siguro nalunod na ako.
Mahigpit kong hinawakan ang kumot ko. Tumulo ang mga luha sa mata kong bagong mulat pa lamang. Umiling ako at naghilamos ng mukha gamit ang kamay. Inayos ko ang mga gamit ko.
—
"Kyrie! Aalis na tayo!"
Nilingon ko ang paligid ng kwarto ko bago lumisan at isara ang pinto. Tumunghay ako sa hagdan bago maglakad patungo dito. I'm so out of it! Lutang ang isip ko ngayon!
Nakita ko si Ate Ally sa may likod ng kotse at mukhang inaayos ang mga gamit. Sumakay na ako sa loob ng kotse saka sinalpak ang earphones ko sa tenga.
Habang nasa byahe kami ni Ate umulan ng malakas. Papunta kami ng airport at medyo malayo pa ang byahe papunta r'on. Nakatunghay lang ako sa bintana at tahimik na nakikinig sa mga kantang nagpleplay.
Third's POV*
"Ngayon na ang alis nya."
"Bakit mo sinasabi?"
"Wala, baka kasi magbago ang isip mo at humabol."
"Baliw ba ako? Kahit pumunta ako dun hindi parin yun mapipigilan." Sarkastiko kong sabi kay Zash. Nawiwirduhan na ako sa tatlong kaharap ko.
Pinapakonsensya ata ako nila. Pero alam ko naman ang mangyayare kahit na pumunta pa ako dun. Wala na eh...
Umiling iling si Rile na parang ganoon na lang ang pagkadismaya nya sakin. Iniwasan ko sila ng tingin. Si Marc naman tahimik lang nakatitig sakin. Alam ko parin ang nasa isip nila kahit na hindi sila nagsasalita. Atsaka nasa shoot kamo ngayon kaya hayaan ko na.
Rile's POV*
Pagkatapos kong marinig ang usapan ni Zash at Third umiling ako para makita ni Third ang pagkadismaya ko. Si Kyrie kasi paalis na! Wahhh mamimiss kong ibully yun! Nakakainis!
Ewan ko ba kay Third at biglang nagbago.. Wala pa ngang closure sa kanila tapos part ways agad ang ganapan.
Tapos na ba ang SamKy? Wala ng SamKy love team? 〒△〒 SAMKY!