Chapter12 : PlanKyrie's POV*
Naglalakad na kami bitbit-bitbit ang mga tsinelas. Mabuhangin kasi. Lumulubog yung tsinelas namin sa buhangin pag suot namin to. Andito kami sa tabing dagat. Nakasalubong ko lang si Third tapos humantong kami sa mahabang kwentuhan.
Nakatingin lang ako sa malayo nang makita ang pagkagulat na expression ni Liex na nasa harap namin. Ano na namang meron? Sa likod ang mga tanaw nila kaya sabay kaming lumingon ni third sa may likod. OH GOSH!! nakita ko si Cramy na nasa tuktuk nang sea wall. Aakmang tatalon.
Nagulat ako sa biglang pagmura ni Third sa tabi ko at dali-daling tumakbo papunta dun. Napalingon ako kay liex na nagsalita...
"Third! Dalian mo! Hindi sya marunong lumangoy, shet!!" sigaw nya.
Tiningnan ko si Third na malayo na sakin. Bakas ang pagaalala nya kay Cramy. Di kaya--?! Hindi, mali ang iniisip mo Kyrie. Nakaramdam ako ng pitik sa puso ko. Aandar na naman ba ang sakit ko? Pls not now... May mas priority sya ngayon. Sana maligtas nya si Cramy... Sana...
Di ko na pinanood ang mga mangyayare. Umalis na ako dun. Maya-maya ay narealize kong tumatakbo na pala ako.
Nakasalubong ko si Quenie. Nagaalala din sya. Hindi na ako nagsalita at tinuro ko sa kanya ang seawall. Naintindihan nya naman ako kaya tumakbo na ito dun.
Nakita kong nakatayo lang si Ander sa di kalayuan. Lumapit ako sa kanya. Mabagal at wala akong ganang naglakad papunta dun.
"Are you ok?" malamig na tanong nito sakin ng di inaalis ang tingin sa malayo.
For sure nakatingin sya dun sa mala teleseryeng nangyayare. Tiningnan ko rin yun at may isang luhang pumatak sa mata ko nang makitang buhat-buhat ni Third si Cramy sa kanyang bisig. Nakatayo lang ako nang nasa likod ko si Ander. Nilagpasan lang kami ni Third. Di lang man sya nagtapon ng tingin. Bat nga ba magaabala pa syang lumingon? Haish!
Nagulat ako ng wala na akong makita. Nakatakip na ang mga kamay ni Ander sa mga mata ko. Hinigit nya ako at yinakap. Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha ko. Humagolgol na ako at kumapit sa braso nya. Nakuyom na yung mga kamay ko sa pagkakahawak ng jacket nya. Bat parang nasasaktan ako nang sobra? Dahil ba sa nakita ko na nagaalala sya kay Cramy? Ba't naman ako masasaktan. Tinaas ni Ander ang kamay nya sa likod ng ulo ko at hinimas himas ang buhok ko. I can feel his comforting me.
"Crying baby. Why so affected?" tanong nya habang nasa ganung position parin kami.
"Thanks." pagkasabi ko nang salamat ay kusa na akong kumalas sa kanya.
Sabay kaming naglakad ng tahimik hanggang sa makarating na kami sa harap ng pinto ko. All the way from there to here sinamahan nya ako at kinuwentuhan ng kung ano-ano. Gusto ko nang matawa sa mga pagme-make face nya pero parang may pumipigil sakin.
"Again. Thanks." sabi ko sa kanya bago pa tuluyang pumasok.
Binagsak ko na yung katawan ko sa kama. Niyakap ko nang mahigpit ang mga unan. Mga tatlong unang patong-patong ang niyayakap ko ngayun. I feel warm.
Ano na kayang nangyare? Bahala na nga! From the start goal ko naman talaga na wag mapalapit sa ibang tao. Mahirap na...
Ander's POV
Naglalakad ako sa hallway nitong building. Nakapamulsa at nagiisip ng malalim.
