Chapter29 : Prince and Princess Sathorn.
Kyrie's POV*
Nagbihis na ako sa first attire. Ito ang Fashion attire. Lahat sila naghahanda. Kita ang pagkataranta ng mga estudyante. May kanya kayang room na naka assigned samin. Kasama ko sa kwarto si Cramy, Quenie, Mika, Jen at Sindy.
Dadagdag pa si Ander dito mamaya kasi may inaasikaso pa sya as Mr. President.
"Okay na ba ang lahat?" sabi nung make up artist ko. Tumango ako sakanya saka tumingin sa iba.
Nakaprepare na rin sila. Nahagip ng mata ko si Quenie. Nginitian nya lang ako at ganun din si Jen. Kinakabahan talaga ako pero ayokong ipakita sa kanila. Tinago ko ang mga kamay kong nanginginig sa likod ko. Ako na ang naglagay ng lipstick since sanay na ako. Model stuff.
"Basta, wag ka lang kabahan." Tumango ako kay Jen.
Nasa likod si Cramy na kita ko sa malaking salamin sa harap ko. As usual mataray parin ang awra nya sakin. I highly doubt what Jen told me. Ngayon palang kinakabahan na ako.
"So, mauuna ang Fashion attire. Sunod ang sports attire. Then the gown. Do your best." Tinapik ni teacher Kath ang balikat ko matapos sabihin yun. Nginitian ko lang sya.
Inayos na naman ni Syndy ang mga attire ko. Kampante muna... Tumayo ako at sumilip sa labas. Kitang kita ang pagsayaw at pagengganyo ng grupo ng mananayaw sa stage. Marami pang entertain numbers mamaya.
Naalarma ako ng marinig ko ang pag announce ng Emcee sa paglabas ng representatives. Malapit na. Nakaramdam ako ng palad sa kamay ko. Only to see his face.
"Kayang kaya mo sila."
After ng isang linggo maraming nangyare. Mom once told and explain that I have a selective amnesia dahil nadin sa traumatic experiences ko. Nalulungkot akong isipin na kabilang si Ander sa mga taong nakalimutan ko and still, hindi ko parin maalala. Wala pa rin akong maalala tungkol sa kanila.
"Makikita mo na naman siguro ang Bestfriend mo dun. " nangunot ang noo ko sa kanya. Ginulo nya ang buhok ko kaya napasimangot ako. Di pa nga nakatali eh. "Pagaling ka dun ah. Balik agad." Nginitian ko sya ng mag tama ang mata namin. I pang of guilt hit me. Guilt na hindi ko sya maalala.
I still wonder... Bakit kaya maraming alam si Ander? *kibit balikat*
"Ok na pila na kayo." Tumango ako sa nagseset-up.
Pumunta na ako sa back stage at pumila na pangatlo sa kanila. Si Ander kumaripas na ng takbo sa kabilang side dahil di pa talaga sya natapos sa pagaayos kaso pumunta sya samin at may inasikaso pang away. Natatawa akong tiningnan sya. Natataranta sya sa gagawin nya. Mr.President
"Now that were done through beautiful performances. Let's welcome and cheer to the representatives in Prince and Princess Sathorn! *claps* *claps* here are they with fashion attire!" Binaba na ng emcee ang mike saka senenyasan ang pagrampa ng unang rep.
![](https://img.wattpad.com/cover/87585842-288-k457004.jpg)