20

724 33 2
                                        

Chapter20 : Confrontation


Kyrie's POV*

2nd day na nang foundation day namin at ngayon gaganapin ang sports fest. Pumunta ako sa locker area at nagbihis na ng shorts at T-shirt for the Volleyball, badminton. Yup, kasali ako sa laro. Back-up lang naman eh...

Pagkatapos kong magbihis pumunta na ako sa court. Inayos na ng ibang students ang court at yung net. Nagpractice akong mag-isa ng umalis na ang mga estudyante. Napapailing ako pag masyadong mababa o masyadong mataas ang tira ko sa bola.

Sa huling pagkakataon tumira ako at perpekto ang serve ko. Tumalon talon ako sa tuwa. Haha parang first time ko lang. Wala naman ding tao kaya ok lang na magtatalon ako pero natigilan ako ng marinig ang mahinang "tsk. Childish!" lumingon ako kung san nanggaling yung boses pero nakita ko nalang yung pinto na pasara. Huhu nakakahiya naman oh!

Sino kaya yun? Akala ko ba walang tao? Akala ko lang pala yun😩 pinunasan ko ang mga pawis ko at umalis na dun baka iba na ang magsalita at magpakita mamaya. Wag nalang noh!

Nakita ko sila Quenie na nakabihis na rin at dala-dala nya yung bola nya. Si Cramy naman ay walang pakeng naglalakad. Ang sungit nya talaga.

"Sexy!" sigaw ni Quenie sakin. Tumingin ako sa paligid at napatingin ang mga dumadaan sakin up and down. Wow ha! Grabe sila makatingin! Up and down talaga? To kasing si Quenie eh!

"Tigilan mo nga yang kakasigaw!" iritang sabi ni Cramy sa tabi niya. Humagikgik lang si Quenie at lumapit sakin. Walang ganang sumunod si Cramy sa kanya na nakabaling ang atensyon sa Cellphone nya.

"Ang sexy natin ngayon ah.." sabi ni Quenie ng makalapit na sya sakin. Naku naman😥

"Wag ka ngang ganyan!" suway ko sa kanya. Ngumiti sya nang nakakaloko.

Sabay na kaming tatlo pumunta pabalik sa Court.

"Cramy at Kyrie, kayo na muna ang magpraktis." napatingin ako kay Cramy. Tumingin din sya sakin sandali tapos tumayo na sya at kumuha ng badminton. Sakin yung Racket kaya ako na ang unang tumira.

---

Pawis na pawis na akong nakikipagpasahan ng racket kay Cramy. Hindi man lang sya napapagod sa pagpalo. Nanghihina na ako at pagod na pagod na. Napunta na sa kanya ang racket at hinampas nya ito ng napaka lakas. Hinabol ko ang racketa at inabot ito dahil lalagpas na ako sa line. I extended my arms to catch it pero na out balanced ako at natumba. Hindi ako tinulungan ni Cramy. I know she's not that type to help me.

Nahirapan akong itayo ang sarili kasi masakit ang legs ko. Dahil siguro sa pagbagsak ko. May babaeng tumakbo sa dereksyon ko at tinulungan ako.

"Are you okay?" aniya.

"Ok lang ako Minny. Hindi naman--" hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"O MY GASH!! what happen?!" bigla nalang pumasok si Quenie at tumakbo din sakin. Silang dalawa ni Minny ang umakay sakin kasi mukhang napasobra ang bagsak ng mga paa ko.

Habang inaalalayan nila ako papunta sa side Chairs dito sa loob ng court. Tiningnan ko si Cramy na nakaupo at nagpupunas ng pawis nya. Pinagpawisan ba talaga sya? Bakit hindi ko nakita kanina? Siguro kasi malayo sya sakin.

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon