30

634 30 5
                                    

Chapter30 : Father

"And now the result is on my hand." Sabi ng emcee sabay wagayway ng card na hawak nya. "The most awaited result."

"Uunahin natin ang prince!" Sabi nya pa na ikinagulo ng mga babae.

Hindi ko na pinakinggan ang iba nyang sinabi basta ang alam ko lang nanalo si Ander ng First placer bago ang Prince. Natutuwa ako para kay Ander. Sana nga sya yung nanalo eh kasi mabait sya hehe. Pero as expected nanalo si Third bilang Prince Sathorn ng akademya. Syempre natuwa din ako sa kanya kasi kahit na napilitan lang sya dinala nya parin ito ng maayos.

"So Congratulations to our Placer's and especially for Prince Third Sam Mayven!" *screams!*

"May we proceed to our Princess."

Isa isa nyang tinatawag ang runner placer's. Nakatayo lang ako sa back stage at tuwang tuwa silang pinapanood. Masaya na ako para sa kanila. Kaya't nawalan na ako ng pag asa ng si Liex at ako nalang ang naiwan. Iaanunsyo na ang panghuli at ang maguuwi ng korona ng tagumpay. Wala akong pake sa koronang yun pero para kasing binigo ko ang mga naniniwala sakin.

"The winner of princess Sathorn is..... Ms. K–"

Hindi ko na marinig ang inanunsyo nyang panalo dahil napuno na ng hiyawan ang ere at wala na akong marinig sa sigawan nila. Tumalikod na ako pero may humawak sa braso ko at bumaba pa ito sa kamay ko. Nilingon ko ito at laking gulat ko ng makita ang seryoso nyang mukha. Tiningnan ko din ang mga tao sa likod nya at tama ang iniisip ko. Eksena na naman to sa lahat. Lahat nakatingin samin at may mga flash ng Cellphone sa paligid. Naalala ko ang Music video na ginawa namin.

Mamimiss kita Third.

Hindi ko sya makakalimutan. Ngumiti ako sa kanya. Its nice to work with him and see him before—

"You win." Inilahad nya ang kabilang kamay nya sakin. "My princess." Hinawakan nya na ako at sabay na kaming pumunta sa stage para harapin ang mga nanonood.

Nilingon ko sya. Pilit akong ngumiti sa kanya. Bakas naman ang tuwa sa mukha nya. Binaling ko ang tingin sa crowd at dun ko nakita ang isang babae na nasa mid40's na kumakaway. Nilingon ko ang katabi ko na kinakawayan nya. Mama siguro ni Third yun.

"That girl forces me." Sabi nya sakin na parang nagsusumbong. Hindi ko napigilang matawa ng mahina sa kanya. Ang mama nya ang tinutukoy nyang pumilit sa kanya na sumali dito. Napailing nalang ako.

Nailang ako ng marealize kung hawak nya parin ang kamay ko. Marahan ko utong binawe na ikinalingin nya. Umiwas lang ako ng tingin. Awkward

Ng matapos kaming koronahan at kabitan ng kung ano bumaba na ako sa stage at si Third naman sinalubong ng mama nya. Pagbaba ko naman saktong binati ako ng mga kaibigan ko at si mama, Nam, at si Ander na malapad ang ngiti.

Sa gitna ng pagsasaya nila biglang nagring ang phone ko. Pinaabot ko ito kay Brettina. Nangunot ang noo ko ng makitang unknown caller ang napatawag. Sino naman kaya to?

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon