Chapter42 : couple bracelet...
Kyrie's POV*
"I'll drive you home." Tahimik lang akong tumango sakanya.
Mabigat parin ang pakiramdam ko dahil kay Ander. Kung aalis sya, kailan nan kaya sya babalik? Napabuntong hininga ako at iba nalang ang inisip.
Paano kaya napunta si Third dun sa park? Ano namang ginagawa nya. Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang mabigat ng paghinga. I caught his eye looking at me. Gusto kong umiwas pero glued na ata ang mata ko sa kanya.
"Are you ok?" Gusto kong maiyak sa tanong nya.
Gusto kong sabihin lahat sa kanya! Na hindi ako ok at gusto ko ng bumalik sa kanya. I wanna tell him that Ander is gone and we don't have to think about others now.
But I did the opposite. Tumango ako sa tanong nya. He started the engine and drived silently.
"Kung mahal mo sya, bat mo sya hinayaang umalis?" Nagulat ako sa tamong nya. Did he saw everything?
"He should have space for himself and clear his mind." Sarkastik naman syang natawa sa sinabi ko. Iritadong umiwas ako ng tingin sa kanya. "Third... Ander and I doesn't love each other. I mean, yes, he Love's me but—"
"So anong pinagusapan nyo para umiyak ka ng ganun." Ang lamig ng boses nya at bakas dun ang galit. Bumabasa na din ang gilid ng mata ko dahil sa inaakto nya. Hindi ko na kilala ang mga tao sa paligid ko.
"Just drive me home." Yan nalang ang sinabi ko. Naiinis ako sa kanya! Bakit kaya sya ganyan? Na para bang wala lang tapos—ugh!
Nagulat naman ako ng hinampas nya ang manubela at narinig ko din ang pagmura nya. Nangunot ang noong tiningnan ko sya. His clenching his fists and his jaw.
"He's letting me go... No! I'm letting him go now. And if you want, bibitawan narin kita." Mahina kong sabi na bakas ang pagod sa tono. I saw the stop light kaya huminto ang sasakyan nya.
Nagkaroon sya ng pagkakataon na lingunin ako. Seryoso ang mga mata nya na hindi ko na mabasa ang ekspresyon nya. "Don't you dare." Umiwas ako ng tingin sa kanya. I bit my lower lip. What does he mean?
Ilang minuto pa ay nasa tapat na kami ng bahay. Bumaba na ako ng kusa at naglakad papunta sa loob ng pigilan nya ako. Nanatili akong nakatalikod sa kanya at hindi sya nililingon.
"You can let go of anything but not me. Pls don't..." Hindi ko na napigilan ang sarili at niyakap sya. How can he not give up?
