32

563 35 1
                                    

Chapter32 : I like you...


Kyrie's POV*

"LONG BREAK IS COMING!!! YEYEYEY!" Napuno ng sigaw ang paaralan namin dahil sa mga estudyanteng masayang masaya. May long break na kami bago ang next Quarter.

Kalahating buwan ang break na yun pero nakakalungkot kasi hindi na ako makakabalik. Ngayon na ang huling araw ko dito sa Sathorn. Papunta ako sa admins office para magpaalam pati narin sa faculty. Nakasalubong ko sila Jen ng hindi inaasahan.

"Pupunta ka mamaya?" Bungad na tanong ni Alex sakin. Tumango ako.

"Pool party! Pool party! Pool—" tinakpan ko na ang tenga ko sa mga ingay na paparating. Hehe sila Syndy at Mika lang naman—ay mali–kasama nila ang ibang kaibigan nila na hindi ko alam kung saan nila nahagilap ang mga yon.

Umiling iling ako sa kanila na pinapakitang ganoon nalang ako ka dismaya sa pagiging immature nila. Sinimangutan lang ako ng dalawa sabay senyas sa mga kaibigan nila na umalis. Ang harsh nga nila sa pagtulak ng iba e. Psh! Kailan ko nga ba naging kaibigan tung mga to?

"Magpapahatid nalang ako. Mauna na kayo dun sa venue." Suhestyon ko dahil nagbulontaryo naman si Ate Ally na ihahatid nya ako sa Resort na yun.

Dumaan ang mga araw na naiilang parin ako kay ate pero mas nakilala ko na sya kesa sa dati. Ang mga galaw nya, mga gusto at ayaw nya. Pati narin ang mga bagay na masakit para sa kanya. Pinili ko nalang na sabayan ang mga nangyayare. Mas mabuti ng ganito. Mamaya ang uwi ni papa kaya naghahanda si Kuya Rodd. Ang hirap nga ng pinapagawa ni papa sa kanya e.

Tumango sila Jen at nakipagpalitan na ng paalam. Maghahanda pa raw sila sa party mamaya. Psh! Ano namang paghahandaan don? Aish!

"Huling araw muna ngayon, tama ba?" Tanong nya na ikinatigil ko panandalian. Agad kong binawe ang pagkagulat ko at ipinukol ang tingin sa kanya. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin kahit walang magsalita.

"T-Third." Wika ko na ikinaiwas ng tingin nya.

"Akala ko.. Iba ka sa mga taong nangiwan sakin..." Pls stop... Third..."pero... Gaya nila iiwan mo rin ako. Hindi ka na babalik?" Mapait nyang tanong sakin. Umiling ako. Hindi ko alam kung kelan Third... Hindi ko alam...

Tumalikod sya sakin at naglakad papalayo. Tumunghay ako sa kawalan. Nasa tapat ako ng pinto ng classroom namin para kunin ang bag ko pero ayun, sumulpot si Third. 

Napahawak ako sa may bandang dibdib ko. Ang bilis na naman ng tibok nito. At ngayon alam ko na sa sarili ko na gusto ko sya. Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Hindi nayun importante kung kelan nagsimula ang importante lang... Kelan ba to matatapos?

Bumili ako sa isang convenient store para sa band aid ni Ate. Nacut nya ang kamay nya dahil sa pagluluto. Bumalik ako sa kotse tapos nagmaneho na pauwi.

"Nakaimpake na ba lahat?" Tanong ni mama kay Nanny. Nakatalikod sya sakin na kausap si Nanny. Ngumiti ako ng lingunin ako ni mama. "Oh... You're here sweatie. ^_^ did you eat?" Tumango ako kay mama habang hinuhubad ang sneakers ko.

Ngumiti ako kay Nanny bago umakyat sa taas. Ginala ko ang tingin sa paligid ng kwarto ko. Nailigpit na ang mga posters ko at naka box narin ang mga gamit ko. May isang maleta akong nilagyan ng mga damit at personal belongings.

Huminga ako ng malalim bago humiga at umidlip panandalian.

Simpleng dress lang ang sinuot ko. Ayoko ng pabongga at magbibihis rin naman ako pag-uwi para sa byahe.

I applied some light make up to glow my face a bit. Tinawagan ko sila Jen kung andun na ba sila. Andun na daw sila at nagsimula ng magsayahan. Minadali ko na ang pagaayos saka bumaba at nagpaalam kay Mama. Nasa grocery pa si Nanny para bumili ng kakailanganin sa flight.

Bumeso ako kay mama bago lumisan. Wala akong dalang bag para magpabigat lang hehe. Hinatid ako ni Ate Ally sa Resort na sinasabi nila.

"Mag-ingat ka. Don't stay late." Ngumiti ako kay Ate at huminga ng maluwag bago kumaway sa kanya. Nagmaneho na sya papalayo.

Pagpasok ko palang marami ng bumati sakin. Naisipan kong dumaan sa likod ng mga cottage para hindi makakuha ng atensyon. Nagulat ako ng may humigit sakin sa maliit na hallway at medyo madilim.

Nakita ko ang mga mata nyang seryosong nakatitig sakin. Magkaharap kami sa isa't isa. Nabigla ako ng ipatong nya ang noo nya sa balikat ko. Nagsalita sya

"Don't leave me. I-I..." Hindi nya maituloy ang sasabihin.

"I like you." Daretsyo nyang sabi sakin na ikinatigil ko.

"T-Third." Nauutal kong tawag sa pangalan nya.

Nagtagal kami sa posisyon na yun pero inangat nya ang ulo nya at tumalikod sakin.

"It's your choice." Mga katagang iniwan nya sakin bago lumisan.

Nanghina ang loob ko. Maiiwan ko nga sya. And that confession is hard for me too. Ang hirap isipin na bakit ngayon pa Third?

Tumulo ang kapirasong luha na agad kong pinahiran. Umalis ako sa hallway nayon at hinanap sila Jen. Madali ko silang nahanap sa mga nagkumpulang tao.

"Ngayon ka lang?" Malumanay akong tumango kay Jen.

Lumapit sa gawi ko sina Ander, Mika, Quenie na nakasimangot at si Syndy. Pilit akong ngumiti sa kanila. Pumunta ako sa pool na sinundan naman nila ako. Andun ang lahat ng kabatch namin na nagsisiyahan.

"Whatever happens just fight." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Quenie.

I don't get her but I have a bad feeling. Nakipagusap sila sa iba't ibang kaibigan nila at ako naman lumapit sa pool. Mag-isa.

"You are weak for any activity. So avoid being in sports. Iwasan mo rin ang mabigla." Alala kong payo ng doktor ko.



~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~|

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon