Chapter9 : encounter
Kyrie's POV*
Gash ilang minuto nalang!
Tumatakbo ako papuntang rooftop at binabalewala ang mga nakukuha kong atensyon dahil sa halata ang pagmamadali sa istura ko.
Iniisip siguro nilang 'why in a hurry nerdy?' Kahit naman wala akong gawin lagi akong annoying para sa kanila. Wala lang siguro silang magawa sa buhay nila at pinagbubuntungan ng galit ang taong di naman nila kilala at hinding hindi nila makikilala dahil wala silang pake.
Nasa tapat na ako ng pinto ng rooftop. Pumakawala ang isang malalim na buntong hininga at sumabay sabay nato. Hinahabol ko ang hininga ko at nakahawak sa tuhod. Pagod na ang mga ito na tila di na nito kaya ang maglakad pa. Ngayon ko lang narealize na sobrang layo pala ng building nato. Pero di ito sumagi sa isip ko kanina dahil sa pagmamadali at sa kaba na hanggang ngayon ay nanatili saking loob.
Inikot ko yung knob ng marahan at nakita ang likod ng isang lalaki sa malayo. Naku Kyrie! Pinaghintay mo sya! 'Lapitan mo na!' Sambit ng isang bahagi ng utak ko na gustong gustong lapitan ang lalaking nakatalikod sa malayo. 'Bakit ba?! Mangtritrip lang naman yan Kyrie!' Pagtalo ng isipan ko. Tama! Manloloko lang toh! At gagawa ng kung anong kabalastugan.
Pero kahit na nagtatalo ang isip ko ay naisahan na sila ng mga paa ko na dinala ako sa gilid ni Third. Oo, sya lang, sya lang ang nagiisang nakatayo dito na kanina ay pinagmamasdan ko lang sa malayo at ngayon ay nasa tabi ko na. Pero pinatili ko ang distansya samin. Hindi naman kasi kami ganon ka close.
"Pinaghintay mo ako. Huh, unbelievable. Gusto ko nang umalis knowing na hindi ka darating pero its so stupid! Subrang stupid ng mga paa ko na naghintay at nanatili dito!" Wika niya na may halong galit na sinisisi pa ang paa nya. Gusto kong mapangisi pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ang totoo hindi ko alam kung ano ang dapat iakto sa harapan nya. Hindi ba nya alam na damnly hindi ko rin napigilan yung paa ko na kaladkarin ako papunta, palapit sa kanya.
Nagparamdam nanaman ang uneasiness feeling sa loob ko ng titigan nya ako. Iba ang titig nya ngayon kumpara sa mga titig nya noon. yung titig nya noon na may itinatago at pilit nyang ipinapakita na walang emosyon ang mga titig nya. Now i can say, he can't hide those feels deep in his stares.
"Psh. Stupid! You're just staring at me. And it makes me melt." Naalis ang titig ko sa kanya. Namumula ako sa hiya. humanap nalang ako ng tamang salita panagot dun pero wala. Wala akong maisip. Umurong yung dila ko.
"Uhm.. Kailangan ko ng pumunta sa susunod kong klase." 'Really Kyrie?!?! Yan ng tamang salita na nahanap mo?' Umeeksena nanaman ang Morganly side ko. Tss.. Buti nga nakapagsalita pa ako. Mahirap ng mapipi.