Chapter37 : meet him again.
Kyrie's POV*
"Dito ka na for good?" tanong sakin ni Syndy tapos tumango ako.
"Yey! Babalik na yung crush mo Alex chee!" asar naman ni Mika kay Alex na katabi ko.
"Manika!" said Alex with stocking his tongue out. Ang cute!
"Psh ang ingay nyo!" si Jen naman nagstustudy since kailangan nya daw humabol kasi napagiwanan na sya dahil sa showbiz na matter.
"Wait lang... Did I heard it right?" nagisip muna ako bago magsalita ulit. "Chee? Apelyido mo Alex?" tumango naman sya sakin. "So what's with you and Jerome chee?" tanong ko ulit. Ghadd! Ngayon ko lang nalaman for freaking years?!!
"Ah si Jologs? Psh! Pinsan ko. Pero ayokong maging proud to that fact." natawa kami sa mukha nyang di maipinta habang nagsasalita.
"Hanggang ngayon Jeromy parin yun eh!" sabi naman ni Syndy na katabi si Mika. Oo nga? Kamusta na kaya ang dalawang yun?
"Hindi parin sila ok hanggang ngayon. Di parin maka-get over si Cramy kay Third. Still, everyone is living in the past." seryosong sabi ni Mika.
"So that means parang walang taon na nagdaan. There's still questions about... At marami pang ewan." sabay sabay kaming napashrugged sa sinabi ni Jen. Bigla ba namang nakisali sa usapan! Nagsalita ang laging tahimik!
I shook my head in annoyance. Maraming tanong sa isip ko. Kanina isa lang naman at yun ay bakit na kay Third ang bracelet na binigay sakin ni Ander nung bata pa kami? Nakita ko yun sa kanya dati e. Ngayon naman nadagdagan na ng bakit iniwan ni Cramy si Third? Sya rin naman ang nang iwan tapos ngayon babalik sya, wanting Third back. At bakit hindi sila mapaghiwalay ni Jerome kahit na pinagtatabuyan na sya ni Cramy. There is really something. Bakit ganon na lang ang lungkot sa mukha ni Quenie nung unang pagkikita namin? The thing that she helps me. At sino yung batang lagi kong napapanaghinipan? All questions are running in my mind and hell! It makes me crazy!
Ano bang kinalaman ko sa kanila but damn! I'm pretty curious about it! I'm over with them actually! Wala na dapat akong iniisip ngayon! Urgh! My head hurts.
"Oy! Ok ka lang?" tanong sakin ni Alex. Nabalik ako sa katinuan at tumango nalang.
"Bumalik na tayo... San ang next class mo?"
"Sa English 2 ikaw?" Sagot ni Alex.
"Guys mauna na kami." Paalam ko kina Jen, Syndy at Mika. Hindi ko rin sinagot si Alex sa tanong nya. I'm planning to go on the rooftop and it means I would ditch a class. Kaya di ko sya nasagot kasi pipigilan nya ako.
"Ako na maghahatid sayo sa class mo." Suggest ko sa kanya.
"Wow ha, ikaw pa na babae ang maghahatid sakin." Sabi nya. Natawa nalang ako.
"Wag kang magisip ng kung ano!" Mahina kong tinulak ang balikat nya habang pareho kaming natawa.
"Tara na." Inakbayan nya na ako at sabay na kaming naglakad.
Nagpaalam na ako sa kanya sa hallway palang. Ayokong may makakita sakin dahil kaklase nya si Zash at Marc.
Dali-dali akong pumunta kay Teacher Kath para magexcuse. I don't like the term ditch kasi nagpaalam naman ako.
Pinihit ko ang pintuan papunta sa rooftop at bumungad ang malamig na simoy ng hangin sakin. Pinikit ko ang mata ko at humakbang ng tatlong beses. Pagmulat ko ng mata ko bigla nalang nagpanic ang loob ko at nakalimutan ko na yatang huminga ng makita ko sya. Babalik sana ako para pumunta nalang sa klase ng...
"Kyrie.." Kumawala ang kaba sa loob ko ng marinig ang boses nya his voice were very cold and serious.
Nagpatuloy ako sa pagpunta sa pintuan at sinubukang buksan pero nataranta na ako ng malamang hindi na mabuksan. Sh*t! Sira ba to?! Damn plsss naman, wag ngayon! Huhu plss...
"Hopeless!" Bulalas ko sabay sipa ng pintuan na bakal at ang kinalabasan nasaktan lang ako. Ang sakit! Huhu sana pala di ko na sinipa! Ang tanga!
"You're still the stupid nerd I know." Nilingon ko sya at tiningnan ng masama. I'm not that person anymore Third!
"Is your phone with you?" Kalmado kong tanong to make a civil manner with him.
"Why? To call Ander to get you?" Nangunot ang noo ko sa kanya. Pinagsasabi nya?! Pero nga naman... Tatawag naman talaga ako ng tao na kukunin ako dito and he just gave me an idea who to call. "I won't let anyone get you from me."
Nagulat ako sa sinabi nya pero di ko pinahalata. Lumapit nalang ako sa railings at pinatong ang dalawa kong kamay.
"It's been long Third..." Pinadaanan ko lang sya ng tingin. Seryoso at nakapamulsa. "And I don't know what happened for you to say weird things..." I half bitterly laugh with the thought.
"Well you'll gonna hear weird things from me till someone open that door." Pareho naming nilingon ang pintuan. Well, he has the point. Bihira lang ang pumunta dito sa rooftop hindi naman senti ang mga estudyante dito gaya namin atsaka may mga klase pa sa ngayon. Ugh! Ilang subject mamimiss ko! Psh!
"You've got a point." I calmly said.
"You've change a bit but whatever you are... I still see you and feel the same like the old times..." Like the old times? I can't believe you Third!
"Talaga?" I laugh sarcastically. Wala akong paniniwalaan.
"Why are you acting like that?" Halatang nagpipigil sya ng inis.
"Ask for yourself Third.." Lumayo ako sa kanya at umupo sa baba ng railings.
Hindi ko na sya nilingon at hindi narin sya umimik. Mga ilang minuto kaming naging tahimik at medyo nabahala ako. Nakakabingi ang tahimik. Hindi ko toh matatagalan.
"Can you just get some help?" Tanong ko ng hindi sya nililingon. "Thir—?" Paglingon ko nakita kong nakayuko sya at nakasandal ang likod sa Grille. Lumapit ako at baka nakatulog lang sya pero kinabahan ako ng maramdamang mainit ang katawan nya.
"Third? O-ok ka l-lang ba?" Mahina syang tumango tapos inangat nya ang ulo. Nakita ko ang pagpawis ng noo nya and I can't help but to be concerned. Sana bumukas ang pinto at madala sya sa clinic.
"C-can I H-hug you?" Nahihirapan syang magsalita pero pinilit nya. Nilalagnat ba sya? Baka kasi nagpaulan to kahapon e. Ang lakas pa naman ng ulan habang tirik na tirik ang araw.
Hindi na ako nagsalita at pinagbigyan sya. Just to make him warm niyakap ko sya. Napaupo nalang ako sa tabi nya habang niyayakap sya. Why so stubborn Third? Bakit ganyan ka?! Nakakainis!
"You're sick, you should've stayed home."
"I miss you... I-I w-want you.." Natigilan ako at dahan-dahang napalingon sa kanya. Nakapikit ang mata nya at mukhang tulog. Did he perhaps, have dreamt on me?
"I'm sorry Third but... I gotta end things. I didn't let you feel what I feel. I didn't bother to confess... I just loved you secretly." Sinandal ko ang ulo nya sa balikat ko tapos sinandal ko ang likod ko sa Railings at tumingala para makita ang mga formation ng ulap. "I heard everything Third... You wasn't really sure in everything. I just heard your conversation with her..." Tumulo ang luha sa mata ko at mabilis ko itong pinunasan. I'm enough with this tears..
Just get better for now Third and maybe I'll forget about this moment and continue to ignore you. That's my plan to end things... You've confess but then you bitterly take it.