Chapter28 : 3rd warning
Third person's POV*
"Waahhh! Late na ako!" bulalas ni Kyrie ng magising sya. It was already late. 7:56 na ang nasa orasan nya.
Kumaripas sya ng takbo sa banyo nya at nag-ayos ng mukha. Sa araw nato hindi na nya susuotin ang contact lens nya. Ang mga totoong mata nya ang ipapakita nya. Her Brown eyes that turns Red pag naka tapat sa ilaw ng araw or something lighter. Her true eyes were beautiful.
Ngumiti sya sa salamin ng makita ang mukha nya. Without the glasses, the contact lens, the wrinkles and every disguise details she wore.
Huminga sya ng maluwag. Sadyang maluwag sa pakiramdam nya ang pagiging sya. Napagtantuhan nyang late na sya kaya nagpanic ito at bumalik sa pagmamadali. Kinuha nya ang pantalon at culture black t-shirt nya. Yun ang susuotin nya.
Sumagi man sa isip nya na makikilala sya ng lahat, ganun pa man wala na syang pake. Sinuot nya ang glasses nya at tumakbo na papunta sa ibabang palapag ng bahay nila.
"Youre ready and in a hurry?"tanong ng mama nya. tinaasam sya ng kilay ng mama nya.
" you didnt wake me up." pagmamaktol nya sa kanyang ina. Kumain sya ng breakfast bread at gatas.
"Sorry I visited your doctor. Oh and By the way... Ok ka ng nakilala ka nila? Are you really sure?" ani ng mama nya.
Iniligpit ng Nanny matilda nya ang kanyang pinagkainan.
Bumakas ang lungkot sa mukha nya. Napasok na naman ang usapan tungkol sa sakit nya. Iniiwasan nya iyon na mapasok sa usapan ngunit nabnggit na rin lang. Nagusap sila ng kanyang ina tungkol sa paguwi nila. Its getting sooner and sooner...
Umalis na sya ng bahay nila, hinatid ni Kuya Rodd si Kyrie sa paaralan saka iniwan ang sasakyan upang si Kyrie na ang magmaneho ng sarili pauwi.
Paglabas palang ni Kyrie sa kotse napapalingon at napapa titig ang mga tao at estudyante sa kanya. Tila bago sa paningin ang dalaga. Lihim na napangiti si Kyrie.
Napaka tamis ng mga ngiting pinapakawalan nito dati paman. Nagpaalam na si Kyrie kay Kuya Rodd. Ipinarada naman ni Kuya Rodd ang sasakyan sa parking lot ng paaralan.
Naglakad ng taas noo si Kyrie. Simple lang parin ngunit naaagaw nya ang atensyon ng iba. Pumkawala ang ibang hibla ng buhok nya sa pagkakabraid nito. Messy but pretty braided hair.
Napapaisip ang mga estudyante. 'Si Morganly ba ya' tanging naiisip nila
Pare-pareho at lahat ay tama. Sya si Morganly lingid lang sa kanilang nalalaman."Hi! Bago ka lang ba dito?" bati ng isang binata kay Kyrie. Napngiti si Kyrie ng hindi sya makilala ng kaibigang si Alex.
"Alex! Practice!" tawag ng pamilyar n boses kay Alex.
Lumingon si Alex at ganun na din si Kyrie. Nakita nila si Nder na nakapamulsa at nakatingin kay Alex. Ng makita nya ang kasama ni Alex nangunot ang noo nito.
"Sino namang kasam---- teka-" inikutan nya ang dalaga. Pamilyar ang mukha ng dalaga kahit na nakashades pa ito. "May naaalala ako sayo." nagtatakang sabi ni Ander.
"Ako to. Si Kyrie!" pagpapakilala ni Kyrie.
Nagulat si Alex kaya napalayo ito ng kaunti tapos hinead to toe look si Kyrie. Nagulat din si Ander pero ngumiti din kto ng makilala na si Kyrie.
" sa tingin ko pinaghandaan mo to." tuwang-tuwang sabi ni Ander.
"Ikaw ba talaga yan Kyrie? Weh? Baka naman alien ka" natawa si Ander at Kyrie sa sinabi ni Alex. Binatukan din ni Ander si Alex dahilan para mas matawa si Kyrie sa kanila.
