38

681 38 11
                                    

Chapter38 : unfair

Kyrie's POV*

"Salamat talaga Ander..."

"Forget it.." He smiled genuinely kaya mas nakonsensya ako. Alam ko ang feelings ni Ander sakin. How many times did he make a move to confess nung nasa Thai kami. Sya ang nakakita samin ni Third sa rooftop at tinulungan nya akong dalhin ito sa clinic. Tapos iniwan ko na agad sya sa nurse at kasabay si Ander sa next class kasi magkaklase kami then everything went normal.

"Ander..." Umupo kami sa bench at pinagmasdan ang sunset.

"Hmm?" He said not looking at me.

"Ang tagal narin nun noh?" I started the topic. Napalingon naman sya sakin. "Kahit papano namiss ko yung mga nangyare dati."

"Ayan ka nanaman sa pagiging masokista mo sa sarili mo." Natatawa nyang sabi. Ngumiti lang ako.

---

"Kyrie takbo!"

Naguguluhang nilingon ko si Syndy. Tumatakbo sya at hingal na hingal na huminto. "B-bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Kasalukuyang pinipigilan nila Jen ang mga Fan girls ni Third na gusto kang sugudin. Ano nga ba kasing ginawa mo?! O baka naman may humors na naman sina Liex at ang bruhang Cramy na yun! Ah basta sumama ka sakin at itatago kita!" Tumango nalang ako pero naamaze ako na kaya nyang magsalita ng ganun kahaba kahit na hinihingal sya.

Iniwan nya ako sa music room dahil dun ang hindi pinupuntahan ng mga estudyante. Nagtaka ako pero di na ako nagtanong kung bakit may susi si Syndy sa music room. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Kung ganoon ang inasal ni Syndy malamang wild na wild ang mga fans ni Third na ganun na lang ang pagaalala nila. Kamusta kaya sila Jen? Huhu san na ba si Ander at ano nga ba kasing ginawa ko?! Natahimik na sana ako e! Psh!

Chineck ko sa phone ko ang mga recent feeds at marami ngang naglive. Nakita ko sa background ang Sathorn university. Nasa school sila. So pati ang mga fans ko ay nandito?

Nabasa ko ang mga post nila. Napangiti nalang akong makita ang mga status nila. Grabe gusto ko ng maiyak! Pinagtatanggol din ako ng Fans ko! Yesh!

Kahit papano nawala ang kaba ko sa dibdib. Napahinga ako ng maluwag.

---

Mga ilang oras na ako sa music room at gaya nung kahapon namiss ko ang ilang subject! Haish! Nakakainis na buhay oh!

Naisipan ko ng lumabas kahit sabi sakin ni Syndy hintayin ko daw sya bago ako lumabas. Paglabas ko nakita kong nagsiuwian na ang mga estudyante. Pumunta ako ng locker at nilagay ang mga gamit ko. I even left my bag dahil nakakapagod magbitbit nito.

Nagtext ako kanila Jen na pauwi na ako. Alex insisted to drive me home pero tumanggi ako. Nakasalubong ko si Ander pero nagpaalam lang ako. Gusto kong mapagisa ngayon.

Pumunta ako ng parking lot. Balot ng tahimik ang parking area pero napalitan ito ng sigawan maya maya. Nagulat ako ng makita ko ang mga fans ko na pinipigilan ang sandamakmak na babae na naghehesterikal!

OMG! Akala ko ba wala na T-T I can't afford to live a life with this! -__-

Hindi ko na napigilan ang pagiyak ko ng maramdaman ko ang sakit ng mga pinambabato nila. Words or even a can of soda is just the same. Parehong masakit. Kung ano-ano ang pinambabato nila at ramdam ko na ang lagkit sa katawan dahil sa mga itlog. Buti nalang at hindi nila alam ang kotse ko at baka ito pa ang pagbuntungan nila ng galit.

Hindi ako gumalaw. Nakatayo lang ako at rinig ko ang mga sigawan nila.

"Bit*" die! Dahil sayo naging ganun si Third!"

"Pinaiyak mo lang si Third! Ghadd! He even choose you despite of—URGh! Stupid!"

"Umalis ka na diba? Bat ka pa kasi bumalik!"

"Serves you right! Bagay lang toh sayo!"

"Catch this you stinks!"

Lahat sinasalo ko. Salita man o bagay. Ininda ko ang sakit. Napahawak ako sa pisngi ko ng makita ang pagdaplis ng thin can dito. Nasugatan yata ako. Marahan kong tiningnan ang kamay ko at napalunok ng makita ang dugo. Mukhang malalim ang sugat.

Nagsimula ng kabahan ang loob ko. I'm still traumatized! No! Hindi pls... Wag naman ngayon! No! Hindi hindi hindi! Natatakot ako sa d-dugo.

"D-dugo?" I was out of my mind. Wala na ako sa tino. Hindi ko alam kung anong gagawin ko!

Nakaramdam akong may humila sakin. Napatingala ako sa kanya. Bumagsak pa ang mga luha ng tuloy-tuloy. Hindi na malinaw ang lahat sa paningin ko pero hindi ko na maramdaman ang mga tinatapon sakin.

Lumingon ako sa side at nakita si Ander kasama sila Rile, Zash at Marc. Halatang nagaalala sila. Si T-Third ang n-nasa h-harap ko...

Third persons POV*

Pagkahila ni Third kay Kyrie. Hinarangan nya agad ang mga binabato ng fans nya. Sa likod nya ang landing ng mga pinambabato. Patuloy lang sa pag-iyak si Kyrie habang yakap sya ni Third. Walang magawa sila Zash na nakatingin lang sa dalawa. Maging si Ander ay nakatigil lang sa sulok. May ilang sugat na si Kyrie dahil sa natamo nito kanina.

Naiinis na naaawa si Third sa babaeng yakap nya. Hindi nya alam ang gagawin dahil feeling nya kasalanan nya rin. That's the disadvantage of having fans and admirers. They would enter your personal life and screw everything. Makikialam sila at makikialam.

"It's okay. Don't panic. Don't look at it." Third whispered. Tinanggal nya ang kamay ni Kyrie na may dugo sa paningin nito. Pumikit nalang si Kyrie at napayakap sa takot kay Third. Kahit wala sa lugar ay napangiti si Third. "Just come back to me... " He said while hugging her tight.

"I didn't l-leave T-Third." Napangiti na si Third ng tuluyan. With that he couldn't help but smile.

"Shhh... I'm here."

"How unfair it is.. Sarry." Nalulungkot na inisip ni Ander. Bakit ba napakaunfair ng tadhana sa kanya. Lagi nalang pinaglalapit si Third at Sarrina samantalang sya?  Laging nasa sulok at nakasilip. Unti-unting tumalikod si Ander at naglakad paalis. Hindi nya kayang tagalan yun. With Kyrie in his arms... He seems to be happy pero imagination nya lang yun.

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon