26

740 38 2
                                        

Chapter26 : First warning

Kyrie's POV*

Pumunta kami sa cotton candy shop gaya ng sinabi nya. Nagmamadali ata tong lalaking kasama ko eh.

"You want?" para talaga syang batang nagtatanong. Tumango nalang ako sa kanya. Oh badboy!

Bumili sya ng dalawa at inabot sakin yung isa. Tinanggap ko ito pero di ako mapakali kasi nakahawak parin sya sa wrist ko.

"Dun naman tayo..." -Third

---

Hinihingal kaming dalawang umupo sa isang bench. Hayy nakakapagod tong Third nato. Sinandal ko ang likod ko sa bench at hinawakan ang noo ko. Inabot ni Third ang tubig sakin. Uminom din sya ng tubig nya. Naliligo na sya sa pawis pero ang gwapo nya pari--- erase.... Erase....

Lumingon sya sakin at ngumiti. Bakit pa sya ngumiti?! -UGH! Erase na ulit.

Ngumiti ako sa kanya saka uminom. Tiningnan ko yung watch ko at nakitang palubog na ang araw. Tumagal pala kami dito. Kung ano anong booth at shops ang pinasukan namin kanina. May remembrance na ako sa kanya. Ang rami naming pictures together eh.

Naisip ko tuloy ang pagalis ko. Lagi nalang yung sumasagi sa isip ko. Sayang lang kasi mas napapalapit na ako sa kanila. Eh di ba nga sabi ko sa sarili ko na wag mapalapit sa iba. There is a tendency na uuwi na ako pero di ko na gugustuhin. Wag naman sana...

Ang totoo nyan---

I have a Heart disease early symptoms are showing.

Dapat itong pagtuunan ng pansin kasi hindi ito normal sa edad kong toh. Gusto ko ng umiyak ng ma alala ang pinaliwanag ni mama sakin. Dahil din sa trauma ko dati marami akong nakalimutan. May mga taong malapit sakin ang nakalimutan ko.

"Alam mo ba nung bata ako..." tumingin sya sakin. Gusto ko syang sagutin na wala akong alam malamang. Haha magagalit siguro yan. Wag na nga baka masira ang pagiging mabait nya ngayon. "May kilala akong katulad mo. 10 yrs old palang ako nun nang makilala ko sya sa thailand. Naging magbestfriend kami pero nalungkot ako nung sinabi nyang may bestfriend din syang lalaki at uuwi sila ng pilipinas. Tuwang tuwa din ako ng malamang uuwi din kami dito sa pinas. Akala ko makikita ko na ulit yung batang babae na yun."

Hindi ko alam pero sumakit ang ulo ko sa sinabi nya. Pinilit kong matawa pero sumasakit talaga. Wag naman ngayon. Panira mood ang sakit nato!

"Ok ka lang?" tumango ako kay Third ng tanungin nya ako.

"So hindi mo na talaga sya nakita?" tanong ko para mawala ang atensyon nya sakin.

3rd/love Warning⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon