HLAAI: 30

28 0 0
                                    

CHAPTER 30:

THIRD PERSON P.O.V

Nagsitakbuhan ang lahat ng makarinig ng pagsabog. Kahit si Alecer ay nagmamadaling lumabas upang malaman kung anong nangyari.

Sumalubong kila Alecer ang isang guard.

"what happen" tanong agad ni Alecer.

"sir, isang fastfood chain po ang sumabog. Nasa harap ito ng university" sagot ng guard.

Tila nakahinga naman ang lahat.

"lets go back in the Grand Hall" saad ni Alecer.

Pumasok silang lahat sa Grand Hall. Nagtataka si Alecer kung bakit buong party ay hindi nya nakita ang Diwata ng buhay niya. Hindi namalayan ni Alecer na nasa likod lang nya si Rin. Walang nakakapansin sa dalaga, dahil bukod sa nasa madilim syang parte, ay itinago nya ang presensya niya.

Nagmamasid lang si Rin. May nararamdaman kasi ang dalaga na kakaiba.

"AHHHH" sigaw ng mga tao ng biglang namatay ang ilaw.

Naaninag ni Rin ang tatlong taong naka ninja suit. May night vision kasi ang suot nyang contact lens. Parati siyang may suot nun upang matago ang totoong itsura ng mata nya.

May ibinato ang isa sa tatlong lalaki patungo sa kinaroroonan ni Alecer. Hindi ito naramdaman ni Alecer.

"Cer" tawag ni Alexus sa kakambal nya.

Lumapit naman si Alecer sa kakambal nya kaya hindi tumama kay Alecer ang ibinato nung isang tao. Ipinilig ni Rin ang ulo nya pakanan para hindi matamaan ng ibinato nung isang tao.

Nasa likod kasi sya ni Alecer kaya nung hindi ito tumama sa lalaki ay pumunta sa kanya.

Liningon ni Rin ang ibinato sa kanya. Isa itong Shuriken. Na may nakasulat ng MME.

Biglang bumukas ang ilaw.

"Nasan si Czach" saad ng Mommy ni Alecer.

Naalerto ang kambal at hinanap sa buong paligid ang nakakabatang kapatid.

Kinuha ni Rin ang shuriken.

Napaupo ang Mommy ni Alecer sa upuan at yinakap naman ito ng asawa nya.

"si Czach, hon" humihikbing saad nito.

Batid nilang may kalabang pumasok. Dahil hindi basta basta mamamatay ang ilaw dahil nakakonekta ito sa Control room kung saan ay may nagbabantay.

Lumapit si Rin kila Alecer. Napatingin sa kanya ang mga tao dahil ito lamang ang may kakaibang kasuotan.

"baka makatulong ito, sa taong hinahanap nyo" pinakita ni Rin ang nakuha nya.

"ikaw siguro ang may pakana nito..." saad sa kanya ni Amber.

Biglang nagbago ang mood ni Rin.

"kung ako yun, wala na dapat ako dito"

"bakit ka naman aalis...Edi ikaw ang mapapagbintangan."

"ano bang gusto mong palabasin" naaasar na saad ni Rin.

Ang pinaka ayaw kasi ng dalaga ay pinagbibintangan sya sa bagay na hindi naman sya ang may gawa.

Ibinagsak ni Rin ang shuriken na kinuha nya sa Glass table.

"bakit ko pa sya kikidnapin, kung pwede ko naman siyang patayin." malamig na saad ni Rin.

Dahilan upang kilabutan ang mga studyante. Lumakad paalis si Rin at hindi pinakinggan ang pagtawag ni Alecer.

He's Loving An Angel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon