HLAAI: 45

15 0 0
                                    


CHAPTER 45:

RIN POV

Tumakbo kami papunta sa Mansion.

Shit kung hindi dahil sa gunshot na yun, wala na sana yung first kiss.. Wuahhhhh... Okay , im being OA.

Pagpasok namin sa Mansion. Ang kalat.. Sobra.

"KHITE!" sigaw naming dalawa ni Jayne. Wala naman sanang nangyaring masama kay Khite.

"KHITE!"

Tinungo namin ang kusina. Naglakad kami papasok dun.

Napatakbo ako ng makita ko siyang wala na atang buhay. May tama ito ng bala sa ulo at saksak sa dibdib. Nasa dibdib pa nito ang kutsilyo.

Napatingin ako kay Jayne.

"find him"

Tumango siya at lumabas ng kusina.

Sino naman ang may gawa nito sa kanya. Bakit ganito kalala?                Bakit kailangan nilang patayin si Lyza.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kusina. Naghahanap ng pwedeng makapagturo kung sino ang pangahas na may gawa nito.

*sob*sob*sob*sob*

Napakunot noo ako ng makarinig ako ng paghikbi.

Its Khite. I know siya yun. Sinundan ko ang tunog ng pag iyak nito. Dinala ako sa cabinet na nasa ibaba.

When i open it. I saw him.

"MOMMYY" umiiyak na saad nito tsaka ako yinakap ng mahigpit.

Nanginginig pa siya. I know he scared. Ganun din naman ako nung unang nakakita ako ng pagpatay.

"shhh...Mommy is here"

"*sob*"

"Diwata, hindi ko siy--- Khite"

Biglang dumating si Jayne at yinakap niya ng mahigpit si Khite. Kaya naman ang kinalabasan ay pati ako ay yinakap niya dahil nakayakap ako kay Khite.

Mararamdaman mo kay Jayne ang pagmamahal niya sa bata at ang sobrang pag aalala nito.

Yakap yakap namin ni Jayne si Khite hanggang sa makatulog ito.

"iaakyat ko na siya. Pinatawag ko na ang tauhan ko para imbestigahan ang nangyari" saad niya. Tumango ako.

Tinignan ko ang walang buhay na katawan ni Lyza.

Lumuhod ako sa harap nito. Pinagmasdan ko ang buong katawan niya. Walang bakas na nanlaban siya.

Hinayaan lang niya o matagal na niyang alam na mangyayari to sa kanya. Napatingin ako sa kamay niya. May maliit na papel na nakaipit dun.

Kinuha ko iyon. Sinulat yun gamit ang dugo.

"EMPEROR" Yan ang nakasulat.

Ano ang kinalaman ni Emperor.
Nandito ba siya?

Biglang may dumating na mga taong hindi ko kilala

"Mam, kami ang pinadala ni Sir Alecer para mag imbistiga" saad nung parang detective

"okay"

Lumabas na ko sa kusina. Pababa na rin si Alecer.

"kamusta siya" tanong ko

"mahimbing na ang tulog"

"ahh, ako na ang magbabantay"

Tumango siya. Umakyat na ako para puntahan si Khite.

Mahimbing nga ang tulog niya. Naupo ako sa sofa na nasa loob ng kwarto. Pinakatitigan ko siya

He's Loving An Angel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon