HLAAI : 43

19 0 0
                                    


CHAPTER 43:

THIRD PERSON POV

Nagising si Alecer na masakit ang ulo.

"tsk, hang over again" naibulalas niya.

Inilibot niya ang paningin sa buong lugar. Hindi niya maintindihan kung bakit magulo ang buong lugar.

Tumayo siya at nagulo na lamang niya ang buhok niya. Hindi niya maalalang nagwala siya. Tumingin siya sa wall clock na nasa sala.

Its already 5 in the morning.

Naglakad siya paakyat ng may matapakan  siya na lumikha ng ingay,

Tinignan niya kung ano ang natapakan niya.  Ito ay ang syringe na itinurok sa kanya ni Rin kagabi.

"bakit may ganito dito" nagtatakang tanong niya.

May nakita rin siyang mga basag na Vase.

"nagwala ba ako" tanong niya sa sarili. Dahil wala siyang maalala kung anong nangyari sa kanya kagabi bukod sa pumunta siya sa bar na nasa bayan at uminom ng uminom ng alak.

Pinagpatuloy na niya ang pagpunta sa kwarto niya para maligo,  dahil naaamoy niya ang sarili niya na amoy alak.

Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay lumabas agad siya ng kwarto.

Napadaan siya sa kwarto ni Rin. Naalala niya ang mga narinig niya kahapon, dahilan upang magpakalulong siya sa alak.

Huminga siya ng malalim bago buksan ang pintuan ng kwarto ni Rin.

Mahimbing pang natutulog ang Diwata niya at si Khite. Nakayakap si Khite kay Rin at ganun din naman si Rin.

Napangiti si Alecer.

"kahit anong mangyari, tutuparin ko ang pangako ko Ate" saad ni Alecer bago isinara ang pintuan at bumaba sa kusina para magluto ng almusal.

Nangako siya sa Ate niya na kung sino ang unang babae dadalhin niya sa Orphanage ay ang babaeng papakasalan niya.

Tama, sa Ate niya muna siya unang nangako. At tutuparin niya yun kahit anong mangyari.

Sa kabilang banda....

Isang babae ang patuloy na hinahabol ng mga hindi kilalang lalaki.

Hinahabol nila ang babae dahil tumakas ito mula sa pagkakakulong.

Maraming pasa at sugat.

Ikinulong nila ang babae dahil itoy traydor sa samahan. 

Patuloy ito sa pagtakbo kahit hirap na hirap na ito at iniinda ang mga sugat.

"kailangan kong makatakas sa kanila" ang paulit ulit na saad ng babae.

Iniiwasan niya ang mga putok ng baril. Hindi siya pwedeng mamatay hanggat hindi pa niya nasasabi ang katotohanan.

Ang katotohanang magiging mitsa ng kaguluhan.

Pumasok ang babae sa isang gate na nakabukas.

Nagtago sya sa pinakamadilim na parte ng lugar na natatakpan ng mga halaman at ng mga puno.

Habol hininga ang babae.  Pagod na pagod na siya sa pagtakbo.  Unti unti na ring pumipikit ang mga mata niya.

Naririnig pa niya ang mga yapak ng mga taong humahabol sa kanya.

"panginoon tulungan niyo po ako" tanging saad niya bago mawalan ng malay.

***

He's Loving An Angel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon