"THE TREASURE HUNTING WILL BE START. ALL PARTICIPANT PLEASE GO TO THE OPEN FIELD" saad sa speaker.
Bumaba si Rin sa kamang hinihigaan niya at tsaka lumabas ng dahan dahan. Masama pa rin ang pakiramdam niya. Pero kaya naman niya.
"Treasure hunting. All of you. You need to find the Katana. This katana is SACRED. Iisa lang ang katana. Kaya naman paunahan kayo na makuha ito. Pwede niyong agawin sa kaklase niyo. Kung sino ang makakapagdala nito sa committee room. Siya ang mananalo at makakagamit nito sa Live and Death game. " Saad ng Emcee na si Mikee
"bakit ba kasi kailangan may mamatay" tanong ni Glai sa sarili.
"kung mamamatay ka dito. Wala nang sense para tanggapin ang nakatadhana sayo. Lahat ng estudyante dito ay may mga pinanggalingang angkan. Malalakas na angkan. Mafia, Assassin, Killer, Gangster. Kung mahina ka. Hindi ka nababagay sa mundong ito. Kaya ginawa ang larong Fighting game"
Napalingon si Glai sa nagsalita. Pero hindi niya makita ang mukha nito. Nandun ito sa may puno na malapit sa dalaga. Lalapitan niya sana ito pero bigla itong nawala.
"mahina?? Hindi nababagay?? Pero hindi pa rin iyon rason para pumatay" saad ni Glai sa sarili niya.
"START"
masyadong natuon ang atensyon ni Glai sa misteryosong lalaking nasa may puno.
Wala na ang mga estudyante marahil ay nag simula na silang mag hanap. Nagsimula na rin siyang maglakad. Pero nag iingat sya. Dahil sa sinabi nina Alecer.. Na may mga trap din.
Sa kabilang banda.
Nasa taas lang ng puno si Rin. Nakahiga ito sa may malapad na sanga.
Iniisip niya kasi kung saan pwedeng itago ang katanang yun.
Sa larong treasure hunt, utak ang kailangang ginagamit. Pag isipan ang bawat galaw. Dahil sa mga ganitong laro alam niyang may mga trap. Hindi madaling makuha.
"ang katanang yun ay Sacred. Hmm saan kaya nila pwedeng ilagay yun" tanong ni Rin sa sarili niya. Ganyan kasi siya. Kinakausap ang sarili.
Pumikit siya. Pero hindi siya natutulog. Nag iisip lang siya.
Lingid sa kaalaman ni Rin, ay may sumasabaybay sa bawat galaw niya.
Nagiging banta na daw kasi ang dalaga sa organization nito.
Kahit saan magpunta si Rin ay nandun siya. Nakikita niya ang kakaibang kakayahan ng dalaga. Kung paano ito mag isip at gumalaw. Kakaiba sa ordinaryong tao. Para itong kabilang sa angkan ng mga Terminator.
Tumalon si Rin pababa ng puno. Naalala niya kasi ang narinig kanina. Buong school ang venue.
'kung sagrado ang katanang yun.. Marahil ay nasa mini chapel ang katanang iyon' saad ni Rin sa utak niya. Tinahak niya ang daan patungo aa chapel. Kitang kita niya ang mga estuduanteng naghahanap.
Yung iba ay biglang mabubuhusan ng tubig, hahabulin ng ahas, biglang may umapoy at maraming pang iba.. Yun ata ang sinasabi nilang trap.
'mukhang kapag maling lugar ang pinuntahan mo may trap na lalabas, pero kung tama.. Madali mo lang itong makukuha" saad ni Rin sa sarili niya.
Nagtataka ang ibang estudyante na nadadaanan niya. Kalmado lang kasi si Rin habang naglalakad. Yung tipong wala siyang pakialam kung may hinahanap o ano.
Narating ni Rin ang Chapel, walang kahit anong estudyante..
"kung sabagay, puro nga pala sila Demonyo. Matatakot talaga silang lumapit sa sagradong lugar na to" saad ni Rin.
BINABASA MO ANG
He's Loving An Angel Inside
ActionHe meet a Living Goddess Opss Mali ! I mean a Living Demon ACTION/MYSTERY/LOVE