HLAAI: 69

16 0 0
                                    

CHAPTER 69:

ALECER POV

Nandito ako sa may veranda.  Umiinom ng alak kasama si Ricky.

"kagagaling mo lang,  pero kung uminom ka parang wala ng bukas" puna ni Ricky. 

Nagkibit balikat lang ako.

Sa dami kasi ng iniisip ko.  Di ko na alam ang gagawin ko. Kaya ito dinadaan ko na lang sa inom.

"ano bang iniisip mo" tanong niya.

Sumandal ako sa railings.

"paano kalimutan lahat...paano ko tatakasan ang kamatayan" saad ko habang nakatingin sa langit.

Napangiti ako ng malungkot.

Gustong gusto niya kapag nakatingala sa mga bituin.

Haisst.. Ano ba tong iniisip ko.

"hindi mo pwedeng kalimutan ang lahat. Hindi mo matatakasan ang kamatayan., pero lahat nakatadhana."

"ewan Ricky... I change para kalimutan yung sakit. I played with so many girls.  Kasi akala ko,  makakahanap ako ng mas higit pa sa kanya..  Pero alam mo ang nakakatawa Bro..  Yung sa ikli ng pinagsamahan namin nagawa ko siyang mahalin ng ganito.  Ng  higit pa sa buhay ko" pagdadrama ko sa kanya.

Sa lahat ng kaibigan ko. Si Ricky lagi ang sinasabihan ko ng lahat ng problema ko.  Well the way he think.. Mas matured siya kaysa kina Yohann at Miguel.

"tama pala talaga ako..  Nung una palang... Nung nagkaroon ka ng interest sa kanya.. Kahit sa picture mo lang siya nakita... Time passed..  Nag iba ka.. You smile because of her..kaya hindi na nakakapagtaka na mahirapan kang kalimutan siya"

"sa tingin mo Ricky...paano nga ba kalimuta ang babaeng nanakit sayo" tanong ko sa kanya.

"sa kin mo talag tinanong ha.. Pero para sakin..  Kailangan ng mahabang panahon para magawa yun..  Diba,  when Ate Yoona died.. Ang tagal bago mo natanggap na wala na siya.  Alam ko, until now hindi pa rin nawawala yung sakit"

Tama siya..  Masakit pa rin .

"pero hindi mo naman kailangan pilitin.. Ang kailangan mo lang naman gawin ay buksan mo ulit yang puso mo para sa iba... para sa mas deserving..  We both know,  mula pagkabata palang.. May gusto na sayo si Amber  bakit hindi mo subukan"

Si Amber?? 

Napailing na lang ako..  Sigurado ako.. Hindi ko kayang mahalin si Amber,  kung ano ang dahilan.. Hindi ko rin alam.

"i'll go to the bathroom" i said.

Tumango naman siya.

Pumasok ako ng kwarto ko.
Pumunta ako sa CR na nandito sa loob ng kwarto ko.

Hinawakan ko na ang doorknob.  Bubuksan ko na sana ng madako ang tingin ko sa pintuan ng kwarto kong saan nandun lahat ng memories ko tungkol sa kanya.

Matagal na din pala akong hindi pumapasok diyan.  Nagsimula nung birthday ko. 

Namalayan ko na lang na nasa harap na ko ng pinto na yun.

Huminga ako ng malalim.  Hinawakan ko ang doorknob at dahan dahang binuksan.

Kinapa ko ang ilaw na nasa may pader.

Malungkot akong ngumiti ng puro mukha niya ang bumungad sakin.

Pumasok ako sa loob.

Iginala ko ang mga mata ko.

He's Loving An Angel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon