CHAPTER 46
THIRD PERSON POV
"Nandito ka lang pala"
Napalingon si Rin sa nagsalita. Nakaupo kasi siya sa swing na nasa likod bahay nina Aling Celine. Pagkatapos niya kasing kumain ay doon siya dumiretso
"Nagpapahangin lang po, nagpapatunaw din po ng kinain" saad ni Rin.
Pinagmasdan ni Aling Celine si Rin. Nagtaka naman si Rin kung bakit
"Bakit po" Rin
"May napansin lang akong konting pagbabago" nakangiti nitong saad sa dalaga
"Ano naman po yun" nagtatakang saad ni Rin.
"Dati, nung una kong tinignan ang mga mata mo, wala talagang emosyon ang mga ito, pero ngayon, punong puno ito ng emosyon"
Hindi nagsalita si Rin, dahil kahit siya pansin niya ang pagbabago na yun, its start when she met Alecer.
"Hindi naman sa pinapaalis na kita iha, pero gabi na, anong oras ka ba uuwi, baka hinahanap ka na ni sir Alecer"
Parang natauhan si Rin sa sinabi ng matanda. Napatingin siya sa relo niya. Napatayo siya sa swing.
"Gabi na nga talaga...sige po....kailangan ko na pong umalis" paalam niya.
Hindi na niya hinintay ang sagot ng matanda.. Tumakbo na siya paalis.
"Nanay, nasaan po si Ate Rin" tanong ni Pauline sa lola nito.
"Naku, kakaalis lang niya"
"Po..eh nasaakin po kasi ang phone niya" saad ni Pauline, tsaka iniabot sa matanda ang phone.
" ako na ang hahabol sa kanya para ibigay to"
"Pero Mama, gabi na" protesta ni Lenny
"Ano ka ba, kaya ko" Aling Celine.
"Sasamahan ko po kayo, magbibihis lang ako" saad ni Lenny sa nanay niya.
Biglang napahawak si Aling Celine sa may dibdib niya mg bigla itong pumintig ng mabilis na tila ba kinakabahan.
Mabilis siyang tumakbo paalis ng bahay nila at hindi pinakinggan ang pasigaw ng apo.
RIN POV
Tumakbo ako ng tumakbo, wala akong sasakyan nung pumunta ako sa bahay ni Aling CelineNapahinto ako ng malapit na ako sa may park.
Parang may narinig akong tunog.
*TING! TING!*
inilibot ko ang mga mata ko. Parang tunog iyon ng sagupaan ng mga katana.
Tumakbo ako palapit sa park. Pagkatapos ay nagtago sa may puno.
Merong mga lalaking naglalaban. Isang grupo at isang indibidwal.
At parang pamilyar sakin yung indibidwal na lalaki. Pero inpossibleng nandito siya.
Kinapkap ko ang bulsa ko para kunin yung phone ko.
"Shit" mahina kong sambit. Naiwan ko ata sa bahay nila Aling Celine.
Tinitigan ko ng maigi yung lalaki. Dehado siya, masyado siyang maraming kalaban.
Nasaksak ng katana yung lalaki dahilan upang mapaatras ito.
Tinutukan ito ng baril. Wala na itong magawa dahil siguro sa sakit na dulot ng saksak.
BINABASA MO ANG
He's Loving An Angel Inside
ActionHe meet a Living Goddess Opss Mali ! I mean a Living Demon ACTION/MYSTERY/LOVE