HLAAI: 64

15 0 0
                                    

CHAPTER 64:

GLAI POV

"Glai, look" tinignan ko ang tinuro ni Xonan.

Its Alecer with a girl.. Hindi si Amber ang kasama niya. Isang student dito. Nakahawak si Alecer sa bewang nito habang masayang nakikipag kwentuhan sa babae.

"sa tingin mo.. Anong meron sa dalawa" tanong ni Xonan.

Nandito kami sa taas ng puno na nasa garden ng school.

Hinalikan ni Alecer yung babae. Its a torrid kiss.

"wag mo ng sagutin alam ko na" saad ni Xonan habang masamang nakatingin sa dalawa.

Pansin ko ang pag iiba ni Alecer. Hindi na siya tulad ng dati nung magkasama sila ni Rin. Sa dalawang araw na lumipas. Iba ibang babae ang kasama niya. Kahalikan niya. Kamake-out niya

Pag magkasama sila ni Amber, ganun din ang trato niya dito. Katulad ng trato niya sa ibang babae. Lahat ng babaeng nagpaparamdam na may gusto sa kanya pinapatulan niya agad.

Nasan na ba kasi si Rin. Hindi pa siya nagpaparamdam sakin, samin... Hindi rin namin macontact ang phone niya.

Pinuntahan ko na lahat ng pwede niyang puntahan, pero wala siya. Nag aalala na ako.

Tumalon ako lababa ng puno.

Dahil sa ingay ng impact na pagbagsak ko. Napatingin sakin si Alecer at yung babae. Si Alecer. Wala siyang pakialam kung may nakita ako o wala.

Pansin ko din. Hindi na niya palaging kasama ang barkada niya.

Naglakad ako paalis ng hindi pinapasin ang mga tingin niya. Nakasunod sakin si Xonan

Naglakad kami papunta sa room

Nakasalubong namin sina Miguel, Ricky, Yohann and Zehla na magkahawak kamay. Si Amber at si Cheska

Dinaanan ko lang sila.

Hinawakan ni Ricky ang braso ko ng mapadaan ako sa kanya.

"kasalanan niya diba" madiin niyang saad. Dumiin din ang pagkakahwak niya sa braso ko.

Marahas kong tinanggal ang kamay niya. Tinignan ko siya ng masama.

"no, hindi niya kasalanan. Kung yung isang tao diyan marunong lumugar, edi walang problema" saad ko habang nakatingin kay Amber. Inirapan ko ito at tsaka naglakad palayo.

Kinuha ko ang phone ko at sinubukan ulit na tawagan siya.

"hello" saad ng kabilang linya.

Sa wakas.. Sinagot din niya.

"where are you"

RIN POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa buong mukha ko.

*yawwwnn*

Minulat ko ang mga mata ko.

Hindi ko alam na nakatulog pala ako habang nakatingin sa mga bituin kagabi.

Kung tatanungin niyo kung na saan ako.

Sa lugar kong saan ko mas makikita ng malapit ang mga bituin. Sa lugar kung saan dinala din ako ni Jayne. Sa lugar kung saan nagpatayo pa siya ng bahay para lang daw may matulugan ako kapag masyado akong natuwa sa panunuod sa mga bituin.

Masyado akong busy kagabi. I try to find myself. But yeah its really hard. Mahihirapan talaga ako.

I try to find kung sino sino ang may surname na De Monise pero ang laging lumalabas ay ERROR..

He's Loving An Angel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon