HLAAI :71

17 0 0
                                    

CHAPTER 71:

RIN POV

"ang lalim naman ng iniisip ng bunso ko" Napalingon ako sa likod ko.

"Mom"

"ano bang iniisip mo"

Tinabihan niya ko sa upuan.

"linigtas niyo siya" tanong ko.

"si Amber?" napatango ako

"ang grupo ni Alecer at ang mga kapatid mo, sila ang kumilos pero wala silang nakitang Amber sa lugar na pinuntahan nila"

"ganun po ba"

"yun ba ang iniisip mo kanina pa Fear" napailing ako.

"then, what"

"Mom...kung bibitawan ba natin ang Empire matatahimik na kaya tayo..what do you think Mom"

"alam mo Fear...pinagbubuntis ko pa lang nun si Gun...napag usapan na namin ng Daddy mo na lumayo sa lahat ng gulo.. Kaya hindi niya tinanggap ang pagiging pinuno ng DM Empire"

Nakatingin lang ako kay Mom habang nagkwekwento siya.

"pero ang akala naming tahimik na buhay panandalian lang pala...dahil pinuntirya nila ang Emperyo, mahina na nun ang emperyo dahil nga namatay na ang Lolo mo"

"ano ng nangyari Mom"

"nang pinanganak ko si Dren.. Doon muling nag umpisa ang digmaan.. Nakisali na dun ang daddy mo dahil kung hindi niya mapapatay ang mga taong gustong pabagsakin tayo, ang pamilya natin ang mapapahamak"

"kahit pala bitawan natin ang emperyo...wala pa din tayong katahimikan...ang kailangan na lang nating gawin ay ubusin silang lahat"

"wag kang gagawa ng ikakapahamak mo Fear" paalala ni Mom

"dont worry Mom.. Hindi pa gugustuhin ni Kamatayan na makita ako" pabiro kong saad. Napatawa naman si Mom

Biglang tumunog ang phone ni Mom.

"sagutin ko lang to" Mom said.  Tumango ako. lumayo siya sakin.

Pinatong ko ang paa ko sa table.

Maya maya lang ay bumalik na si Mom.

"sino yun" tanong ko

"Si Gun... Hindi pa daw nila nakikita so Amber" napakunot noo ako.

"magdamag na nilang hinanap diba"

"oo nga Fear, pero tuwing pupunta sila sa lugar na natrack na nila..wala naman dun"

"pinapahirapan pala sila" nasabi ko na lang.

"pupunta ako sa Mansion ng Alviola.. Gusto mong sumama"

"sure Mom"

"lets go" yaya ni Mom.

Sumakay kami sa kotse. Sa bintana lang ako nakatingin. Napangiti ako.

Pinaglalaruan sila. Wala man lang silang kaalam alam. Poor them. Mapapagod sila sa paghahanap sa wala.

"may ginawa ka ba Fear"

napatingin ako kay Mom. Iba kasi ang tono ng boses niya. Ang creepy

"anong ginawa" taka kong saad.

"i know you Rin,.yang mga kilos mo kakaiba...pati yang ngisi mo..ano bang ginawa mo"

"Mom wala akong ginawa"

"siguraduhin mo lang Rin" mapagbantang saad ni Mom.

Ang lakas ng pandama niya.
Mahuhuli pa ata ako.

He's Loving An Angel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon