HLAAI: 27

27 2 0
                                    

CHAPTER 27:

ALECER P.O.V

Sinundan ko lang si Amber. Huminto kami sa tambayan. Pumasok kami sa loob. Naupo siya sa upuan. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom.

Inilapag ko ito sa harap.

"Are you okay" tanong ko..

"bakit hindi siya naparusahan" diretsong tanong niya.

"wala naman siyang ginagawang masama. " pagtatanggol ko.

"wala... Kitang kita mo kung ano ang ginawa niya sakin" galit niyang saad.

"Amber. Alam ko ang totoong nangyari"

"tsk. Talaga alam mo o ayun lang ang ikinuwento niya sayo. "

"wala siyang kinuwento sakin Amber"

"you've change Alecer. Dati ako parati ang kinakampihan mo. Pero nang dumating ang babaeng yan. Siya na.. "

Napapikit ako. I know Amber. Mahirap siyang paintindihan

"pinanunuod ko kung anong nangyayari ngayong araw na to Amber. Kaya kitang kita ko ang pagpapahiya mo sa kanya"

Napipikon na rin ako. Ang ayoko kasi ay yung kinokontra ang desisyon ko.

"pinahiya?? Dapat lang yun sa kanya. Habang wala ka, sino ba ang kasama niya. Kung hindi ang kambal mo, si Marcus. Tapos ipagtatanggol mo pa siya"

*BLAGGG*

Hinampas ko ang table. Napapitlag siya.

"SHUT UP" sigaw ko sa kanya.

She knows me.

Kita ko ang pagtulo ng luha niya.
Napahampas ako sa noo. Shit i forgot na hindi pala siya pwedeng sigawan.

"ang akin lang naman *huk* ayokong masaktan ka*huh* .. Pero sorry kung pinakikialaman na kita *huk*"

Naglakad na siya palabas. Bago siya tuluyang makalabas ay huminto muna siya

"muntikan lang naman niyang mapatay ang BESTFRIEND mo" Saad niya bago tuluyang makalabas.

Napaupo na lang ako.

"sorry Amber. Hindi ko kayang makitang masaktan si Diwata sa Death Room"

Death Room is a kind of detention room. Pero hindi lang ito basta bastang room. Dahil pag pumasok ka dito may Roleta kang papaikutin at kung saan tumapat yun ang punishment mo. Puro Harsh punishment ang nandun.

Lumabas na ko at pumunta sa room.

Pero naabutan ko silang nasa labas.

Tumakbo ako papalapit kay Yohann.

"anong nangyari"

"hindi ko alam. Basta pinalabas kami ni Glai" Yohann

"nasan si Diwata"

"kasama ni Glai sa loob"

Sinubukan kong buksan ang pintuan pero hindi ito mabuksan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob. Kahit puro glass ang dingding ay hindi pa rin namin makita ang nasa loob. Pero kung nasa loob ka makikita mo ang nangyayari sa labas. Shit. Bakit kasi ganitong salamin pa ang pinalagay ko.

"AHHHHHHHH" Isang sigaw ang umalingawngaw.

"Ricky pumunta kayo sa Control room..Tignan niyo kung anong nangyayari sa loob"

"okay Pres" umalis na siya kasama si Miguel.

Sana okay lang si Diwata. Ano ba kasing nangyayari sa loob. Bakit tila kinakabahan ako. Lord please. Sana maayos lang ang lagay niya


He's Loving An Angel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon