Obsession #2

61.3K 1.6K 18
                                    

ALANIS POV

Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga kaklase ko dito sa loob ng classroom. Hinihintay pa namin ang unang adviser na magtuturo sa amin kaya hiyang-hiya na ako sa kinauupuan ko.

Napagitla pa ako nang may tumabing lalake sa akin na magiging kaklase ko rin sa inuupuan ko sa dulo. Ang dalawa naman niyang kasamang lalake ay nakatayong pumwesto sa gilid niya.

"Hi, miss! Transferee ka?" Tanong sa akin nung lalake. Tumango ako.

They wearing a Black and White Varsity jacket at sa tingin ko ay mga basketball players sila ng YGA dahil matatangkad rin sila at malalakas ang tindig.

"I see. Ngayon lang kasi ako nakakita ng napakagandang babae sa YGA." Banat nito at nginitian ako. Gwapo ito at may pagka chinito.

"Julian, dumadamoves ka kaagad kay Miss Ganda. Hinay-hinay lang bro baka mailang siya sayo," Natatawang sabi naman nang kaibigan niyang moreno pero gwapo rin.

"Bad shot yan, sige ka!" Banta nung singkit na lalakeng katabi lang ng lalakeng moreno.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inis. Hindi pa ba ako nasanay sa ganitong mga scenario?

Sa Masbate ay ganito rin naman. Lagi akong nilalapitan at binobola. Hindi ko alam kung bakit trip ako ng mga lalake. Simple lang naman akong babae at walang interes sa kanila.

"Ang iingay niyo talaga e, no?" Naiinis na sabi nung lalakeng tumabi sa akin.

Tatayo na sana ako at lilipat ng upuan nang hinawakan niya ako sa braso.

"Wait, miss.. mukhang hindi yata bumenta sa'yo ang banat ko. Gusto ko lang makipagkaibigan sa'yo dahil mukhang wala ka namang kakilala dito sa classroom." Mahinahon niyang sabi.

Naramdaman ko naman ang sincerity sa boses niya kaya umupo na lang ulit ako sa upuan ko at nginitian siya na ikinatulala niya.

Hindi yata makapaniwalang nginitian ko siya dahil kanina ay poker face lang ang ipinapakita ko sa kanila.

"Ah. Okay lang, Salamat sa concern." sabi ko. Napangiti naman ito.

"Ako nga pala si Julian Saavedra. Nice to meet you, miss?"

"Alanis Vien. Nice to meet you rin."

"Alanis. What a beautiful name, bagay sa'yo." Banat na naman nito kaya pinuna ko na siya.

"Ang hilig mo talagang bumanat. Pero tama ka, hindi bebenta sa akin yan." Kibit-balikat kong sagot na ikinatawa naman ng dalawang kasama niya.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Nanlaki ang mga mata Julian at sa huli ay natawa na rin.

"Mukhang magkakasundo tayo nito, Alanis." Nakangiti nitong sabi.

"Hindi mo man lang ba kami ipapakilala kay Alanis, swapang na Julian? Nakakilala ka lang ng magandang babae kinalimutan mo na kami agad. Ouch!" sabi nung moreno at umacting pa ito na sumasakit ang puso niya. Natawa naman ako do'n.

"Siraulo ka talaga, Neil!" natatawang sabi ni Julian.

"Pagpasensyahan mo na ang kolokoy na 'to Alanis. 'yan si Neil at ako naman si Denver." Nilapitan ako nung lalakeng singkit at nakipagkamay sa akin. Ngumiti na lang ako.

Mukha namang mababait sila at pwede ko na rin maging kaibigan.

"Pwede na ba tayong maging friends?" tanong ni Julian.

Tumango ako, "Okay. Friends."

Biglang tumunog ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase. Tumabi naman sa kabilang side ko sina Neil at Denver at kinindatan pa ako.

Mabuti na lang at first day pa lang ng klase namin ay may nakipagkaibigan na kaagad sa akin at mababait pa.

Break time na at bilang 3rd year high school students ay mas nauna nang 30 minutes ang break namin kaysa sa 4th year high school students.

Sasabay sana sa akin sila Julian magrecess pero may basketball practice raw sila kaya bukas na nila ako masasamahan. Naa-appreciate ko ang pakikipagkaibigan nila sa akin. Mabuti na lang at hindi sila 'yung mga bastos at pacool lang na lalake sa isang babae.

Si Uste ngayon ang kasama kong kumain. Umupo kami sa isang table dito sa Cafeteria at inilapag sa mesa ang mga inorder namin. Naikwento ko na rin sa kanya ang mga new friends ko at ito ang naging reaksyon niya.

"Nakipagkaibigan ka na nga lang at kila Julian Saavedra pa? Alam mo ba na mayabang iyon at bully pa?" Medyo pasigaw niyang sabi.

"Paninira lang daw 'yon sa kanya."

Naikwento kasi sa akin ni Julian kanina sa room na sinisiraan raw siya ng mga estudyante sa YGA dahil sa Varsity Top Player raw siya at sinisira ang image niya para mag quit na siya sa Varsity Team at ang ipalit daw ay si Russel na 'Good Boy School President.' Mas gusto raw kasi nila na maging Varsity Top Player si Russel kaysa kay Julian.

"Anong paninira? Alam lahat ng estudyante dito sa YGA na mayabang siya at mahilig pang mambully. Nakipagkaibigan lang 'yon sayo dahil type ka niyan panigurado. Sinasabi ko 'to sa'yo, Alanis, 'wag ka kaagad magtitiwala sa mga taong kakakilala mo lang." umiiling na sabi ni Uste.

Nakonsensya akong bigla. Tama si Uste, dapat ay hindi kaagad ako nakikipagkaibigan sa mga taong kakakilala ko lang dahil hindi ko pa naman sila lubos na kakilala.

"You're right cous. I'm sorry." Napayuko ako.

He sighed and embraced me. "Okay lang. Mag-iingat ka lang, Alanis. You don't know how those guys wanted you to be their girl." sabi niya.

"Hi. Pwedeng makishare ng table?"

Napakalas naman kami ni Uste sa yakapan namin at halos lumuwa na ang mga mata ko dahil siya na naman ang nakita ko.

"Oo naman President Russel. Ikaw pa!" Nakangiting sabi Uste sa kanya.

He look at me then he smiled.

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon