Obsession #21

22.5K 569 57
                                    

JULIAN'S POV

Tuluyan na talagang nalason ni Russel ang utak ni Alanis. Kilala ko 'yong mga taong nambugbog sa akin kahapon at alam ko na ang leader ng gang na iyon ay ang kapatid ni Russel. Alam ko na pinautos ni Russel na bugbugin ako ng kapatid niya dahil ayaw niya na tuluyan na akong mapalapit pang lalo kay Alanis.

Hindi alam ni Alanis na mapanganib at obsessed na sa kanya si Russel. Nalaman ko lang kay lolo Fiñero na may history talaga ng pagkabaliw ang pamilya nila Russel kaya hangga't maaga pa ay ilalayo ko na si Alanis sa lalakeng iyon.

Handa akong magbago para kay Alanis dahil sa tingin ko ay.. mahal ko na siya. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero alam ko ang sinasabi at nararamdaman ng puso ko.

Simula ngayon ay poprotektahan ko na siya at gagawin ko ang lahat para lang paniwalaan niya ako. Hindi ako papayag na sa bandang huli ay masaktan ni Russel si Alanis nang dahil sa pagiging obsessed, desperado at sobrang possessive niya.

"Kuya, okay ka lang ba?" Puna sa akin ni Chloe habang nakaratay pa rin ako sa kwarto dito sa ospital na pinagdalhan sa akin.

"Okay lang ako." Sabi ko na lang.

"K-kuya.." Banggit naman niya na parang malungkot pa. Napatingin naman ako sa kanya.

"Oh?"

"Kasi.. binasted ko na talaga si Neil." malungkot niyang sabi at yumuko ito.

Hindi na ako nagulat sa ginawa niya. Alam ko na matagal nang may gusto si Neil sa kapatid ko pero iba ang gusto ni Chloe at iyon ay si Uste pero ano bang magagawa ko? Hindi ko naman hawak ang puso ng kapatid ko.

"Si Tomas pa rin ba?" Tanong ko. She nodded.

Napailing na lang ako. "Hanggang ngayon ay umaasa ka pa rin sa taong hindi ka naman gusto. May girlfriend na nga 'yon di'ba? Paano ka makakamove-on niyan kung hindi mo bibigyan ng pagkakataon si Neil diyan sa puso mo? I-try mo lang. Wala namang mawawala sa'yo."

Bigla namang napaawang ang bibig ni Chloe sa mga sinabi ko at hinampas ang balikat ko na ikina-daing ko sa sakit. May sugat pa kasi 'yung hinampas niyang braso ko.

"Bakit bigla-bigla ka na lang nanghahampas diyan? Masakit, ah?" Reklamo ko habang hinihimas ang balikat kong hinampas niya.

"Ikaw ba talaga 'yan, Julian Guillermo Saavedra? Nagsalita ka talaga ng ganyan sa akin?" Gulat niyang sabi. I rolled my eyes.

"Masama ba?" Ngumiti naman siya at sinundot ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Iba talaga ang nagagawa kapag in love. Talagang in love kana sa pinsan ni Uste, no?"

Namula naman ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin. Chloe lean on me and she whisper to my ear.

"Eh paano 'yan, mukhang si President Russel ang gusto niya?" she said.

Napatahimik naman ako. Alam ko naman 'yon pero mapanganib si Russel kaya gagawa ako ng paraan para ako ang magustuhan ni Alanis.

"Then I will make Alanis fall for me.."

RUSSEL'S POV

"Ang tanga mo talaga kahit kailan! Bakit nalaman ni Julian na pinautos ko sa'yo na bugbugin siya? Sinabi ko na sa'yo na hindi mo 'yon dapat sabihin, ha?" Bulyaw ko kay Ruan habang nasa tapat kami ng maliit na apartment ko.

"Hindi ko talaga sinabi sa kanya 'yon, brother. Hindi ko alam kung paano niya nalaman." Sabi niya at napakamot ito ng batok niya.

Napahawi na lang ako sa buhok ko. Muntik pa akong mabuko ni Alanis sa plano ko! Mabuti na lang at magaling akong umarte na hindi totoo 'yung sinabi ni Julian na pinabugbog ko siya sa kapatid ko.

"Sige, makakaalis ka na." Nakapikit kong sabi habang nagpameywang.

Sumasakit ang ulo ko dahil sa inis!

"Hindi mo man lang ba ako pakakainin? Hindi pa ako naghahapunan brother," Nakangisi niyang sabi.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ito na nga, aalis na hahaha. Bye, brother! Tawagan mo lang ako kung may ipapautos ka pa pero siyempre dapat may handa kang money lagi," nakangisi niyang sabi.

"Oo na. Alis na!" Kumaway pa ito bago tuluyang umalis. Napakabobo talaga!

Pumasok na ako sa loob ng apartment ko at binuksan ang ilaw ng bahay. Umupo ako sa sofa at kinuha ang isang stick ng sigarilyo sa lamesa at sinindihan ito.

Si Julian, sigurado ako na alam niyang nagpapanggap lang akong mabait sa paningin ngayon ng ibang tao. Kilala na niya ako noon pa na may ganitong side at siya lang ang nakakapansin nun. Kahit si Uste ay hindi niya alam ang tunay kong pagkatao.

Kailangan kong doblehin ang pag-iingat ko lalo pa't parang nakahalata na rin ang kapatid ni Alanis sa tunay kong pagkatao.

"Hindi ko sila hahayaan na ilayo si Alanis sa akin. Kapag tuluyan ko nang nakuha ang tiwala niya ay kukunin ko siya at ilalayo mula sa kanila. Kaming dalawa lang ang magsasama nang habangbuhay." And I smiled.

NEIL'S POV

Alam kong late na akong pumasok ng YGA at nagkaklase na ngayon sa 1st subject namin kaya nagpunta na lang ako sa basketball gym at naglaro ng basketball.

Neil, don't stress yourself thinking to that girl. Binasted ka na niya. Divert your attention sa maraming babae na may gusto sa'yo!

I was about to make a shoot nang mapansin ko na may nakatingin sa akin. Nang mapansin ko ito ay si Marinel ang nakita ko.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "Hi, Marinel!" bati ko.

Pumula naman ang pisngi niya at napayuko. Wait? Is she blushing?

"H-Hi din, Neil." Sabi niya at tumingin na sa akin.

Damn! Ngayon ko lang talaga siya nakita nang sobrang malapitan at maganda pala talaga siya gaya nga ng sabi ng iba ko ring mga kateammates sa basketball.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? 'Di ba may klase pa kayo?" Sabi ko at binitawan na ang bolang hawak ko.

"N-nalate kasi akong pumasok, e. Nakita lang r-rin kita dito. B-Bakit? Late ka rin?" Tanong naman niya na parang nahihiya pa.

"Napuyat ako kagabi kaya tinanghali na akong nagising."

Napuyat kamo dahil sa kakaiyak sa babaeng 'yon!

Ngumiti naman siya. "Parehas pala tayo. Destiny ba?" Napatawa naman ako doon.

"Siguro," Sabi ko. Natigilan siya bigla sa sinabi ko at mas lalo pang pumula ang pisngi niya.

"Hey, are you okay? Bakit namumula ka?" Tanong ko at hinawakan ang pisngi niya.

"Okay l-lang ako." Sabi naman niya at umiwas ng tingin sa akin.

Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Kumain na lang tayo sa Cafeteria. Hindi pa ako kumakain e," Sabi ko at hinila na siya papaalis.

"O-Okay, Neil." Narinig ko namang sabi niya at nang tinignan ko siya ay namumula pa rin ito hanggang ngayon.

She's so cute.

THIRD PERSON'S POV

Sa di kalayuan naman ay may isang lalakeng nakatingin lang sa kanila. Napayuko ito at umiling.

"I guess I should give up.." Sabi ni Denver nang may pumatak na luha mula sa mga mata niya.

He's hurt. Really bad.

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon