ALANIS POV
Nang mag-break time na ay kaagad akong nilapitan ni Marinel habang sila Julian naman at ang mga kaibigan nito ay nag-uusap.
Hinila niya ako papalayo sa pwesto nila Julian saka kami pumwesto sa pinakasulok ng classroom.
"Bakit ka tinawag na babe ni Julian? Saka bakit doon ka na umupo ulit sa tabi niya? Hindi ba't ayaw na ayaw mo sa kanya? As your new friend, i-explain mo sa akin ang lahat, Alanis kasi naguguluhan talaga ako sa mga pangyayari." Natataranta niyang sabi.
Pagod akong umupo sa isang upuan at yumuko. "Kami na dahil sa utos niya. Nakita ni Julian ang paghahalikan namin ni Russel kahapon sa Gymnasium. Vinideohan niya kami. He even blackmailed me na kapag hindi ko sinunod ang lahat ng utos niya ay ikakalat niya ang video sa buong YGA. Ayoko namang mangyari 'yon dahil alam ko na masisira si Russel sa mga estudyante dito sa oras na makita nila ang video na 'yon. He's a Student Council School President at malaki ang respeto sa kanya ng buong YGA." sabi ko.
Umupo si Marinel sa katabing upuan ko at tinitigan ng masama si Julian na busy pa rin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
"Napakasama talaga ng lalakeng 'yan! Hindi na nagbago! Kung hindi lang talaga siya apo ni Don Fiñero Saavedra ay matagal ko nang binasag ang pagmumukha niya. Pati 'yang kapatid niyang si Chloe ay grabe kung makalingkis sa pinsan mo e, halata namang ayaw sa kanya ng pinsan mo. Magkapatid talaga sila, pinipilit nila ang mga gusto nila!" Gigil na sabi niya.
"Ano nang gagawin ko, Marinel?" nag-aalala kong sabi. Hinagod naman niya ang likod ko nang makita niyang maiiyak na ako.
"Tell this to Uste, say the truth. You like Russel. Am I right?"
Tumango ako. Wala nang rason pa para itanggi ko iyon.
"Huwag kang magpapatalo sa pananakot sa'yo ni Julian. Nandito ako, si Uste at Russel. Tutulungan ka namin Alanis." Marinel said.
Mula sa pagod kong mukha ay napangiti ako dahil sa sinabi ni Marinel.
"Thank you, Marinel." I thank her. Ngumiti naman ito.
"What are friends for naman, 'di ba? Sana nga lang at magbago na rin si Neilson para naman magustuhan ko na siya ng tuluyan."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Neil na kausap pa rin sina Julian at Denver.
"M-May gusto ka kay Neil?" gulat kong tanong. Marinel wink at me and she nodded.
"Oo sana kasi gwapo siya at humorous eh. 'Yon ang katangian na gusto ko sa isang lalake kaso maha- 'di bale na. Oh sige, mamaya na lang ulit girl, dadaanan ko pa kasi ang kapatid ko sa kabilang building."
"I didn't know that, Marinel." gulat ko pa ring sabi.
"Now, you know! Bye girl!" She just laughed at me at tumayo na ito at nagwave sa akin saka umalis sa classroom namin.
May gusto pala si Marinel kay Neil. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil talagang gwapo naman ito at matangkad pa.
Napaayos naman ako nang upo nang makita kong lalapitan na ako ni Julian. Nasa likod naman niya sina Neil na nakangiti sa akin at si Denver.
Hinawakan ni Julian ang kamay ko kaya napatayo ako. "Tara sa Cafeteria?" Sabi niya. I nodded at sumama na sa kanila.
Nang nasa labas na kami ng classroom ay nakasalubong namin sina Uste at Russel na magkasama.
Halata ang pagkagulat nila nang makita nilang magkahawak kami ng kamay ni Julian.
"Bakit kasama mo 'yan, Alanis? At bakit kayo magkahawak ng kamay?" Nagtatakang tanong ni Uste at lumapit na sila sa pwesto namin.
"Tell him the reason, babe." sabi ni Julian na kay Uste naman nakatingin.
Mas naguluhan pa lalo si Uste sa narinig niya mula kay Julian. "Ano bang nangyayari?" Tanong niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at napatingin kay Russel na walang ekspresyon ang mukha.
Napaiwas akong bigla ng tingin sa kanya. "K-kami na ni Julian. Boyfriend ko na siya." I said.
Mukhang hindi naman makapaniwala si Uste sa sinabi ko. "You're kidding, right?" Umiiling niyang sabi.
Nakita ko bigla ang pagdilim ng mukha ni Russel dahil sa sinabi ko. Nakaramdam naman ako ng takot dahil do'n.
"Hindi ako nagbibiro, Uste. K-kami na nga ni Julian." nautal ko pang sabi dahil sa nerbyos ko kay Russel.
Tinapik ni Julian ang braso ni Uste at nginisian naman si Russel. "Me and your cousin are now in a relationship. Accept that, Tomas." Julian smirked.
Sinamaan naman ni Uste ng tingin si Julian at tinanggal ang kamay nito sa braso niya.
"Kung anuman ang ginawa mo sa pinsan ko para maging kayo, malalaman ko rin. I know you Julian, gagawin mo ang lahat makuha mo lang ang gusto mo." madiing sabi ni Uste.
Julian laughed at hinapit ako sa baywang ko.
"Babe, you like me, right?" Tanong niya sa akin.
Hindi. Kahit pa mamatay ako ay hinding-hindi kita magugustuhan! Pero taliwas sa isip ko ang naging sagot ko.
"O-oo. Gusto ko si Julian, Uste." Pagsisinungaling ko.
Mas lalo akong natakot sa naging ekspresyon ng mukha ni Russel. Nagdidilim na ito at parang gusto na niya kaming patayin ni Julian dahil sa mga titig niya sa amin. Ang maamo niyang mukha ay napalitan ng nakakatakot na aura.
"I can't believe this, Alanis! Magkakagusto ka na nga lang sa isang lalake, dyan pa kay Julian?!" Galit na sabi ni Uste at bigla na lang itong nagwalk out.
I'm sorry cous, kung alam mo lang ang dahilan. Masasabi ko rin sa'yo ang totoo balang araw pero hindi pa muna ngayon.
Nilapitan naman akong bigla ni Russel at sinamaan ng tingin. "You played my feelings. You will pay for this." sabi niya at tinitigan ng masama si Julian na nakangisi sa kanya at tuluyan na siyang umalis.
Tuluyan nang bumalik ang takot ko dahil sa banta sa akin ni Russel. Ang akala niya ay pinaglaruan ko lang ang nararamdaman niya nang tumugon ako sa mga halik niya.
Ang hindi niya lang alam ay totoo iyon at gusto ko siya.
Russel, please forgive me. I'm only doing this for you.
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.