ALANIS POV
Sabado na at naghahanda kami ng mga pagkain ni mama para kina Lara at Gio. Si Uste na lang ang sumundo sa kanila sa airport at hindi na ako sumama para matulungan ko si mama sa paghahanda.
Ito na rin ang time na ipapakilala ko si Russel sa pamilya at mga kaibigan ko. Sobra talaga akong kinakabahan sa mangyayari mamaya.
Paano kung ayaw nila kay Russel? Pero dapat ay maging positive lang ako.
Nang makarinig ako ng doorbell ay patakbo akong lumabas ng bahay at nagpunta sa may gate. Binuksan ko ang gate namin at bumungad sa akin sila Uste, Lara at Gio. Kaagad ko namang niyakap si Lara.
"Nakakamiss ka, Lara!" Sabi ko na parang maiiyak na.
"Dalawang linggo palang ang nakakalipas pero namimiss ko na rin ang pagmumukha mo!" Matawa-tawa namang sabi nito.
Kumalas ako sa yakapan namin and I pouted.
"Hindi mo ba ako namiss?"
Napatingin naman ako sa nagsalita at si Gio iyon. Niyakap ko rin siya and he hugged me back.
"Mas lalo ka yatang gumagwapo, Gio? May pinopormahan ka na siguro, no?" Puna ko sa kanya.
Gwapo si Gio, maraming nagkakagusto sa kanya doon sa eskwelahan namin sa Masbate pero nagtataka lang ako dahil ayaw niya pang magkagirlfriend. Siguro ay mas priority niya ang pag-aaral muna.
"Wala naman. Gwapo lang kasi talaga ako Alanis." Pagyayabang pa niya.
Natawa na lang ako. "Oo na gwapo ka na. Tara at pumasok na tayo sa loob." anyaya ko at pinapasok na sila sa loob ng bahay namin.
Nakaakbay pa si Uste kay Lara habang papasok kami sa loob. Sus! Para namang mawawala sa kanya ang girlfriend niya kung makaakbay siya.
Nasa may sala na kami at kaagad na sinalubong sila ng yakap ni mama.
"Lara and Gio, I'm glad na napasyal kayo dito." sabi ni mama.
"Opo, tita. Dumalaw lang po kami dahil namimiss na namin si Alanis." sagot ni Lara.
"Habang nandito kayo ay i-enjoy niyo itong Maynila, ha?" banggit pa ni Mama.
"Opo, tita." sagot naman nung dalawa.
Tumunog naman bigla ang cellphone ko at nakareceived ako ng isang text mula kay Russel.
Russel:
Baby, nasa labas na ako ng bahay niyo.Kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. This is it at wala nang atrasan pa! Lumabas muli ako at nagpunta sa may gate namin at pinagbuksan si Russel ng gate.
He's wearing a color navy blue shirt and pants. Kahit simple lang siyang manamit ay malakas pa rin ang dating niya.
Ngumiti ito sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Napansin ko naman na may dala itong kahon na pula at may ribbon pa. May dala rin siyang pulang rosas.
"Ano 'yang dala mo?" Tanong ko.
Niyakap naman niya ako sa bewang ko. "Cake. Binake ko para sa'yo at sa mama mo." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Marunong ka rin palang magbake?" tanong ko. He nodded.
"I learned it from Culinary and Pastry Club ng YGA. Madali lang naman. Gusto mo turuan kita next time magbake?" nakangiti niyang suggestion. Nabuhayan ako sa sinabi niya.
"Talaga? Sige!" Masayang sabi ko.
"Para nga pala sa'yo." Sabay abot nito ng pulang rosas sa akin.
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.