Obsession #15

30.2K 737 89
                                    

THIRD PERSON'S POV

Tila may parang hinihintay na dumating si Russel kaya siya nasa likod ng eskuwelahan nila. Nakasandal ito sa pader habang naninigarilyo. Sinigurado niyang walang ibang makakakita sa kanya dahil kapag nakita ng iba ang paninigarilyo niya ay baka magbago ang tingin sa kanya ng mga estudyante ng YG Academy.

Kilala siya bilang magandang ehemplo ng paaralan kaya dapat lang na malinis at disente ang tingin sa kanya.

Nang makita niyang papalapit na sa kanya ang taong hinihintay niya ay itinapon nito ang hawak niyang stick ng sigarilyo at tinapakan ito.

"Good job. Ito na ang bayad. Ang linaw ng pagkakakuha mo." Sabi nito sa taong hinihintay niya saka iniabot ang pera ng palihim.

"Salamat President, kung may kailangan ka ulit ay tawagan mo lang ako." sabi ng kausap niya.

"Sige, umalis ka na baka may iba pang makakita sa atin." Sabi naman ni Russel habang lumilinga-linga ito sa paligid.

Tumango naman ang kausap niya saka na ito umalis.

Ang video na tinutukoy ni Russel na kinuhanan ng taong kausap niya ay iyong video ng paghahalikan nila ni Alanis sa rooftop ng YGA na ipinakita niya kay Julian sa locker room.

Plinano niya ang lahat ng iyon. Ang paghalik niya kay Alanis at ang paghawak niya sa maselang bahaging parte ng katawan ng dalaga. Gusto niya na maging maganda ang kalalabasan ng video para tuluyang masaktan si Julian sa makikita niya.

Umayon pa sa kanya ang tadhana dahil umamin si Alanis na gusto siya nito. Gusto niyang lubos na masaktan si Julian para lubayan na ang babaeng kinababaliwan niya. Ayaw niyang may ibang kahati sa atensyon ni Alanis.

Gusto niya ay siya at siya lang.

Dumiretso naman kaagad si Russel sa Editorial Room para tapusin ang naudlot niyang paperworks para sa YG Academy. In his whole life, he's spending his time for education and work. Ni minsan ay hindi siya naging masaya sa buhay niya.

Ang gusto lang naman niya ay ipagmalaki siya ng mga magulang niya pero ano bang magagawa niya? Hindi siya mahal ng mga ito kaya nga inabandona siya sa tiyahin niya. Natuto siyang maging matatag para sa sarili niya dahil sarili na lang nito ang kakampi niya.

"Russel, ito na ang iba pang reviews para sa article na kailangan." sabi ng Vice President ng Student Council na kasama nito na si Mark.

Kinuha naman ni Russel ang envelope at tinignan ang papel na nasa loob na naglalaman ng mga impormasyon na reviews.

"Hindi pa 'to pwede. Masyado nang common ang ginawa niyo. 'Di bale, ako na lang ang gagawa." sabi ng binata.

Medyo nagulat si Mark sa sinabi ni Russel. Para kasi siyang nayabangan at nainsulto dito. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya iyon kay Russel. Kilala niya kasi itong nakaka appreciate ng mga gawa nila.

Hindi na lamang siya umimik at nagpaalam nang umalis. Nakaabang naman sa labas ng Editorial Room ang isa ring Student Council member na si Aimee na katulong ni Mark sa paggawa ng reviews nila.

"Ano? Nagustuhan ba ni Russel ang ginawa natin?" Ani Aimee.

"Masyado na raw common ang reviews natin. Siya na lang raw ang gagawa." sabi ni Mark na napa cross-arms na lang.

"Talagang sinabi niya 'yan? Pinaghirapan natin 'yon tapos masyado raw common at siya na lang ang gagawa? Ang yabang na niya, ha? Porke matalino siya ay mamaliitin niya na ang ginawa natin?" Sabi naman ni Aimee sa naiinis na tono.

"Ewan ko lang, para na talagang nagbabago si Russel." ani Mark.

Napatawa si Aimee at umiling. "Lumalaki na ang ulo niya kamo dahil Student School President siya dito at posibleng maging Valedictorian pa. Iba na talaga ang nagagawa ng kayabangan at pride."

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon