ALANIS POV
Pakiramdam ko ay para akong nakuryente nang inakbayan niya ako. Bakit bigla na lang naging ganito ang apekto ni Russel sa akin?
"Bilang Student School President ng YGA, I will tour you around here in our Campus. So, ang first stop muna natin ay sa soccer field." sabi niya na nakaakbay pa rin sa akin habang nilalakad namin ang patungong soccer field.
Hindi ko na nga masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa kuryenteng nararamdam ko sa buong katawan ko ngayon.
Nang makarating na kami sa soccer field sa wakas ay tinanggal na niya ang pagkaka-akbay niya sa akin at itinuro nito ang field na may mangilan-ngilang estudyante na nagpapractice ng soccer.
"They are YGA's Soccer Team. Every Wednesday to Thursday from 8:00am to 11:00am ay dyan sila nagpapractice ng soccer. They already won in different soccer competitions sa labas ng school natin. Their star player is your cousin, Uste. Alam mo na ba 'yon?" He asked. I nodded.
Alam ko na si Uste ang star player ng YGA Soccer Team dahil sa mga kwento na rin sa akin ni Lara noong nasa Masbate pa ako nag-aaral.
"Okay, good. Next stop is Gymnasium." Kaagad naman kaming umalis sa field at dumiretso sa Gymnasium.
Walang tao sa Gymnasium nang dumating kami pero nagulat ako na kasing laki rin ito ng soccer field.
"This is our Gymnasium. Basketball players and cheering squads are always practicing here. Halos araw-araw ay may practice sila but they are exempted in classes sometimes because that's a rule for a Varsity Students. The star player in Varsity Basketball team is Julian Saavedra and the cheerleader in YGA's cheering squad was his sister, Chloe Saavedra."
Sina Julian at Chloe pala ay bumibida rin sa mga sports. Halata naman ang pagkakaparehas nila dahil magkamukha sila. Pati ang ugali nga nila ay match.
I look at Russel, he's still talking about school stuffs pero napatitig ako sa mukha niya. He's really handsome.
Nung una ay medyo natakot pa ako sa aura niya pero ngayon ay nag-iba na ito. Kitang-kita ko kasi na masaya at magiliw siyang tao. Siguro nung una ay natakot lang ako sa kanya dahil hindi ko pa siya ganon kakilala.
"Russel, paano ka naging Student School President?" Tanong ko na ikinalingon niya sa akin.
Umupo kami sa isang bench at pinagsalop nito ang dalawang kamay niya at yumuko ng kaunti.
"Siguro dahil ako ang Top Student sa loob ng tatlong taon ko dito sa YGA. Nakikita rin siguro ng mga students dito ang leadership at pagmamahal ko sa school na 'to. Itong YGA kasi ang dahilan ng pagbabago ng takbo ng buhay ko." Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Matalino at masipag ka pala talaga. Bihira na lang ang mga katulad mo. Hindi ikaw 'yong tipo ng lalake na puro gimik at pagyayabang lang ng mga materyal na bagay ang ginagawa. May landas ang buhay mo. Sure ako na proud sa'yo ang mga magulang mo." nakangiti kong sabi.
Napahinto naman siya sa sinabi ko at napayuko ulit. "No. They are not, they abandoned me to my auntie who's physically abusing me when I was a child. Hindi nila ako mahal. Ako na lang ang nagmamahal sa sarili ko." Mailing-iling niyang sabi habang nakangiti ng mapait.
Nakaramdam ako ng awa kay Russel. Wala na pala siyang mga magulang at inabuso pa siya ng tita niya noong bata pa lang siya. Sa kabila ng masaya at maaliwalas niyang personality ay puno naman pala ng paghihirap ang buhay niya.
"Bata pa lang ako, palagi na akong sinasaktan physically at emotionally ng tita ko na kapatid ng papa ko. Anak kasi ako sa labas ni papa kaya ayaw sa akin ng tita ko. Nakahanap na ng bagong pamilya ang mga magulang ko kaya ibinigay nila ako sa tita ko. Bugbog, sugat at pasa ang palagi kong natatanggap sa tita ko tuwing hindi ko kaagad nasusunod ang mga utos niya. Hindi ko na kaya ang hirap at sakit na dinanas ko noong 6 years old pa lang ako kaya umalis ako sa amin. Nagpagala-gala ako sa kalsada bitbit ang bag ko na may lamang mga damit lang. Wala akong pera that time at sobrang nagugutom na. Iyak na lang ang tanging nagawa ko at nanalangin na sana mamatay na lang ako. Pero nabago ang lahat ng 'yon nang makita ako sa kalsada ni Don Fiñero Saavedra na may-ari ng school na 'to at tinulungan ako para makabangon sa lahat ng sakit at hirap na naranasan ko noong bata palang ako. He gave me a shelter, money, and education kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sinuklian ko 'yon ng pagsisikap kaya ngayon ay honor student ako at Student School President ng YG Academy. Don Fiñero Saavedra and this school was my savior and life."
Sobra akong naantig sa istorya ng buhay ni Russel kaya hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako na napansin niya.
"Oh? Bakit ka umiiyak?" Natatawang sabi niya habang pinupunasan ang luha ko gamit ang mga palad niya.
Umaatake na naman ang pagka balat sibuyas ko. Letse!
"Eh ikaw kasi.. ang lungkot ng story ng buhay mo. Sorry kung ang OA ko!" umiiyak kong sabi.
He smiled again at sinapo ang buong mukha ko. Bakit ba ang hilig pa rin niyang ngumiti kahit ang dami nang masakit na nangyari sa buhay niya?
Nagulat ako sa pagsapo niya sa mukha ko. Sobrang lapit na tuloy ng mukha niya sa mukha ko na ikinabilis bigla ng tibok ng puso ko.
"Isinumpa ko noon na ang sarili ko na lang ang mamahalin ko dahil sa tingin ko ay wala nang magmamahal sa akin pero nagkamali ako, gusto kong magmahal at mahalin." mariin niyang sabi.
Napatitig kami sa isa't-isa na mas lalo pang nagpabilis ng tibok ng puso ko at mas lalo akong nagulat nang..
Halikan niya ako.
Hindi agad ako nakapagreact sa sobrang gulat habang siya naman ay patuloy pa rin sa paghalik sa akin. Hindi ko alam pero pumikit na lang ako at tumugon na sa mga halik niya. Naramdaman ko pa ang pagngisi niya sa ginawa ko pero hindi ko na lang iyon pinansin.
"R-Russel.." Tawag ko sa kanya sa gitna ng paghahalikan namin.
"Hmm?" sabi lang nito at unti-unti nang bumaba ang mga halik niya patungo sa leeg ko.
"M-may paparating.." Kagat-labi kong sabi habang ninanamnam ang kakaibang sensasyon na ibinibigay sa akin ni Russel nang may naaaninag akong mga taong papunta na dito sa gym malapit na sa pwesto namin.
Napatigil si Russel sa paghalik sa akin at nginitian ako saka ako hinila papatayo.
"We're done here. Next stop natin, sa music room." he said acts like nothing happend. Medyo namula naman ako dahil sa nangyari.
'Yung first kiss ko ay napunta sa isang Student School President!
What I've done?
Napangiti pa si Russel lalo nang makita niya ang pamumula ko. "It seems na may panghahawakan na ako sa'yo, Alanis. You know what? I like you."
Napatingin ako sa kanya sa sobrang gulat. H-he likes me? Russel likes me? Kaagad?
"G-gusto mo ako?" He nodded at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi kita hahalikan kung hindi mo ako gusto at hindi ka rin tutugon sa halik ko kung hindi mo ako gusto."
Hindi na naman ako makapagreact kaagad dahil sa sinabi niya pero tama si Russel. Gusto ko na yata siya.
Gusto ko na nga ba siya kaagad?
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.