ALANIS POV
[Before Alanis, Russel, Julian and Chloe's Confrontation]
Hinila na lang ako kung saan ni Julian hanggang sa mapadpad kami sa isang bahay ampunan.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay ampunan. Hindi ito gaanong malaki pero malinis naman ito at maaliwalas.
Ngumiti siya sa akin. "Gusto ko lang sana na makilala mo ang mga importanteng tao sa buhay ko."
May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Bakit ibang-iba siya? Bakit kapag si Julian ang kasama ko pakiramdam ko ay ligtas ako at magagawa ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin?
Hindi ako nakaimik hanggang sa hinila niya na ako papasok sa loob ng bahay ampunan. Pagkapasok namin doon ay sinalubong kami ng isang madre.
"Julian, anak mabuti at napadalaw ka. Alam mo bang miss na miss ka na ng mga bata?" Nakangiting sabi ng madre hanggang sa mapatingin siya sa akin. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin ang madre pabalik.
"Sister Mercy, gusto ko lang po sanang ipakilala sa inyo ang kaibigan kong si Alanis." Pagpapakilala sa akin ni Julian kay Sister Mercy.
"Hello po sa inyo," Nakangiting bati ko at nag-bow bilang tanda ng pagrespeto.
"Ikinagagalak kong makilala ka, Alanis. Napakaganda mong bata at nakikita ko na napakabuti mong tao." Hinawakan naman ni Sister Mercy ang mga kamay ko.
"Salamat po." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Mabuti pa at puntahan ninyo ni Julian ang mga bata sa garden. Siguradong matutuwa sila kapag nakita kayo."
"Matagal ko na nga pong hindi nabibisita ang mga bata lalo na sina Angel at Harold kaya babawi po ako ngayon." sabi ni Julian habang ginagaya kami ni Sister Mercy papuntang garden.
"Nako hijo, palagi ka nga nilang hinahanap sa akin." Sabi naman ni Sister Mercy.
Nagkamali ako ng unang pagkakakilala kay Julian. Nakikita ko na malapit siya sa ibang tao lalo na sa mga batang nandito sa bahay ampunan. Hindi ko lang siguro alam na sa ugaling ipinapakita niya noon sa YGA ay ibang-iba siya sa labas ng YGA.
"Hihingi na naman siguro sa akin ng chocolate ang mga batang 'yon!" Natatawang sabi ni Julian at napakamot ito sa ulo. Nakakatuwa siyang tignan.
Narating na namin ang garden at naabutan ang mga batang siguro nasa edad tatlo hanggang pitong taong gulang na naglalaro. Ang iba ay nagdu-drawing, nagbabasa ng libro, naglalaro sa may seasaw at may mga nagsusulat rin.
"Mga bata, may mga bisita tayo. Batiin natin sina kuya Julian at ate Alanis." Sabi ni Sister Mercy sa mga bata.
Nagpaalam na siya sa amin ni Julian na maiwan raw muna niya kami dito. Tumango lang kaming dalawa ni Julian. Napalingon ang mga bata sa amin at itinigil ang kanilang mga ginagawa hanggang sa tumayo silang lahat at nag-bow sa amin.
"Welcome po, kuya Julian at ate Alanis!" Masiglang bati nila hanggang sa lumapit na sila sa amin at halos dumugin na kaming dalawa ni Julian.
"Kuya Julian, tino po 'tong katama niyo? Ang ganda po niya." May pagkabulol na sabi ng batang lalakeng maliit ang mga mata habang nakayakap sa mga braso ni Julian.
Pinantayan naman ni Julian ang batang lalake at ginulo ang buhok nito. "Siya si ate Alanis mo, Harold." Ngumiti sa akin si Harold at yumakap rin sa braso ko.
"Hi po ate Alanis! Ako po ti Harold. Ang ganda niyo po, pwede po ba tayong magmarry paglaki ko po?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Harold na ikinatawa lang ni Julian.
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.