TRAVIS' POV
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang kapatid kong si Alanis na iniiyakan ang lalakeng halos sirain na ang buhay niya. Hindi ko rin naman siya masisisi kung mahal niya talaga 'yong si Russel pero hindi na sila pwedeng magsama pa.
Mapapahamak at masasaktan lang si Alanis sa kanya. Alam kong wala nang balitang nalalaman ang mga kaibigan ni Alanis sa Masbate tungkol sa kanya kaya nagdesisyon akong bumiyahe papunta doon at kausapin sila tungkol sa mga nangyayayari kay Alanis.
Nang makarating na ako sa Masbate ay kaagad akong pumunta sa bahay nila Gio. Sinabi ko sa kanila na darating ako ngayon sa Masbate at kakausapin silang tatlong magkakaibigan tungkol kay Alanis.
Hindi naman nakasama si Inah dahil nagpunta raw ito sa Maynila at aattend sa kasal ng tita niya.
Pagka doorbell ko sa bahay nila Gio ay siya kaagad ang bumungad sa akin.
"Kuya Travis, dumating ka na pala." Nakangiting sabi niya at pinapasok ako sa loob ng bahay nila.
"Nasaan na si.. L-Lara?"
Bakit ba pati ang pangalan niya ay hindi ko na mabanggit ng maayos? Ano bang nangyayari sa akin?
Nginisian lang ako ni Gio at itinuro ang Veranda sa loob ng bahay nila. "Nandyan, nagbabasa ng libro. Alam mo namang book lover rin siya katulad mo."
Hindi ko alam pero napangiti ako nang palihim dahil sa sinabi ni Gio pero hindi ko na dapat pa iyon alalahanin pa.
May boyfriend na siya at masaya na sila.
Tumango lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa Veranda. Nang makarating na kami doon ay nakita ko si Lara na nakaupo sa isang metal chair habang nakasalamin at may binabasang libro.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Kapag wala siyang ginagawa ay nagbabasa lang siya ng libro.
Tumikhim si Gio kaya napalingon si Lara sa amin. Nagulat siya nang makita ako at umayos ng upo mula sa pagkakadekwatro niya.
"Nandito na si kuya Travis," sabi ni Gio.
Nahihiyang tumango si Lara at tumingin sa akin. "Hello, K-kuya Travis. Nandito ka na pala." I mentally laugh.
Seriously? Kuya Travis? E, noon nga ang tawag pa niya sa akin ay babe tapos ngayon may kuya na? Tss!
Napatawa ng mahina si Gio habang ako naman ay napangiti lang at umupo sa katapat na upuan ni Lara. "Nagpunta ako rito para malaman niyo ang mga nangyayari kay Alanis sa Maynila. Alam kong hindi siya nagkukwento sa inyo ng kung ano ang mga problema niya. Kilala niyo naman ang kapatid ko, nagsasarili ng problema para hindi na kayo mag-alala pa sa kanya." Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Gio at umupo na rin.
"Ano nga bang nangyayari kay Alanis? Akala ko nga ay nakalimutan na niya kami dahil ilang linggo na kaming walang balita tungkol sa kanya. Sobra na kaming nag-aalala.." Gio sounds so worried but I don't blame him for that dahil alam kong may pagtingin siya kay Alanis noon pa man.
Ikinuwento ko sa kanila ang lahat-lahat magmula kay Russel at sa mga pinaggagagawa nito sa kapatid ko. Napakuyom doon ng kamao si Gio habang si Lara naman ay umiiyak na.
"Sinasabi ko na nga ba! Nagpapanggap lang ang Russel na 'yon na mabait. Nasa loob pala talaga ang kulo niya. Kawawa naman si Alanis," Lara said while crying.
Hindi ko siya kayang makitang umiiyak kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya na ikinagulat niya.
Ngayon ko lang siya nayakap ulit sa tagal ng panahon. Alam kong baka magselos at magalit si Uste sa ginawa ko pero kailangan kong i-comfort si Lara ngayon.
"Hindi na niya malalapitan pa si Alanis dahil dinala na si Russel sa Mental Hospital. 'Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan si Alanis." Hinagod-hagod ko ang likuran ni Lara para kumalma siya. Naramdaman ko ang pagtango niya at pagkalas ng yakap mula sa akin.
"Salamat, T-Travis." She's smiling at me.
How I miss those smile. I just Iook away and nodded.
Tumayo naman si Gio. "Sasama ako sa'yo pauwi ng Maynila. Gusto kong damayan at kausapin si Alanis." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at tinaasan siya ng kilay.
"Damayan siya sa problema niya? O, baka gusto mo lang makascore kay Alanis dahil nasa Mental Hospital na si Russel?"
Pagpo-provoke ko sa kanya. Natawa si Lara sa sinabi ko habang si Gio naman ay namula at umiwas ng tingin sa akin.
"H-hindi. B-bakit mo naman naisip ang bagay na 'yan?" Sabi pa niya habang nauutal.
Nagkibit-balikat na lang ako. "Hindi ko alam. Ayon ang sinasabi ng instincts ko, e."
Maasar nga ito kahit ngayon lang. Ang torpe kasi.
Umiling lang ito at biglang napangiti. "Wala bang ikinukwento si Lara sa'yo, kuya Travis?" Nakangisi na niyang tanong.
"Wala, ano ba ang dapat ikuwento ni Lara sa akin?" Sabi ko at napatingin kay Lara na biglang yumuko at pinaglaruan ang mga daliri niya.
Gio smirk. "Lara and Uste already broke up."
Napatigil at umasa na naman ang puso ko dahil sa salitang iyon.
CHLOE'S POV
Ang kapal nga siguro ng mukha ko para magpunta pa ngayon sa condo unit ni Neil. Gusto ko lang siyang makausap kung totoo ba na ginawa lang niyang rebound si Marinel para makalimutan ako.
Ganon ko na ba talaga sinasaktan ang damdamin ni Neil kaya pati ang ibang inosenteng tao ay nadadamay na?
Nasa tapat na ako ng condo unit ni Neil at nagdoorbell dito. Ilang minuto lang ay bumukas na ang pintuan ng condo niya at bumungad sa akin ang isang topless na Neil Furukawa habang namumula ang buong mukha at amoy alak ang hininga niya. Gosh! He's drunk.
Nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya pagkatapos ay umiling siya ng paulit-ulit.
"Totoo ba 'tong nakikita ko? Nasa harapan ko ngayon si Chloe Saavedra? Imposible naman na puntahan niya ako dito sa condo ko dahil kahit kailan ay wala naman siyang pakialam sa akin! Mabuti pa si Marinel, may pakialam sa akin ang kaso nga lang ay may iba na ring lalakeng para sa kanya Gusto ko na nga siya e, kaso.. hindi na pwede!" Nakangiting sabi niya habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.
Nakaramdam ako ng awa para kay Neil. Katulad niya ay may iba na rin akong mahal pero ang masaklap doon ay hindi niya ako mahal.
Gwapo, mabait at masayahing tao si Neil pero hindi ko alam kung bakit si Uste lang ang hinahanap-hanap ng puso at sistema ko. Pakiramdam ko kasi ay si Uste talaga ang lalakeng para sa akin pero siguro ay assuming lang talaga ako.
May girlfriend na nga 'yung tao at nagmamahalan sila kaya 'wag ka nang maging tanga, Chloe!
Pero wait, is this guy said that he already likes Marinel?
I smiled. Finally! at least bukod sa akin ay may iba na siyang babaeng nagugustuhan.
Lumapit naman ako kay Neil at bumulong sa tenga niya. "You already like Marinel? Then fight for her. Huwag mo nang ulitin ang unang mistakes na nagawa mo dahil baka ngayon ay manalo ka na lalo pa't mutual feelings na kayo ngayon." He stopped for a while then he shook his head.
"I want her to be happy with the guy that will never hurt her and that is Denver. Denver likes her."
I was so shock on what he said.
Denver likes Marinel? But how about Neil?
--
Happy 30k reads! #24 na siya sa General Fiction ayiee! Ang lapit na po matapos nito.
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.