Special Chapter 2

18K 369 32
                                    

The Real Obsessed Guy Pretender

Name: Giovanni Argaño Luistre

THIRD PERSON'S POV

"Pare, ang dami na namang nakatingin kay Alanis, oh. Araw-araw yata ay mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko," Nakangiting sabi ni Rai kay Gio habang nakatingin kay Alanis mula sa malayo at kasama nito ang mga kaibigan niyang sina Lara at Inah.

Para namang gustong sapakin at bugbugin ni Gio ang kanyang kaibigan dahil isa rin ito sa mga lalaking humahanga kay Alanis sa paaralan nila. Alam naman niyang kinaibigan lang siya ni Rai upang mapalapit lang kay Alanis.

Napangisi na lang siya ng palihim.

'Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon para mapalapit kay Alanis' - Sa isip ni Gio.

Pero dahil sa magaling siyang magpanggap na okay lang lahat para sa kanya ay tinapik niya lang ang balikat ni Rai at ngumiti.

"Tama ka dyan. Mukhang malakas yata ang tama mo kay Alanis, ha?" Tanong ni Gio habang nakangiti.

Tumango naman si Rai at inakbayan si Gio. "Oo pre. In love na yata ako sa kaibigan mo." Sabi niya saka muling tinitigan si Alanis na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

Lihim na napakuyom ng kamao si Gio nang dahil doon. Hinding-hindi niya hahayaang may ibang lumapit na lalaki kay Alanis kundi siya lang!

ISANG GABI habang naglalakad si Rai ay nakasalubong niya si Gio sa isang eskinita.

"Gio, nandito ka pala." Nakangiting sabi ni Rai pero imbes na sumagot si Gio ay bigla na lang siyang sinuntok nito sa mukha dahilan para mapaupo siya sa sahig.

Gulat na gulat naman si Rai dahil sa ginawa ni Gio sa kanya. Hindi niya aakalaing sasaktan siya ng kaibigan niyang itinuring na rin niyang kapatid.

"Gio, bakit?" Gulat na tanong ni Rai.

Nginisian lang siya ni Gio at sinipa siya ng paulit-ulit sa tagiliran kaya tuluyan nang nanghina ang katawan niya at napaubo na rin ng dugo.

"Ang akala mo ba tanga ako, Rai? Ginagamit mo lang ako para mapalapit ka kay Alanis, 'di ba? Hinding-hindi ko hahayaang mangyari 'yon dahil sa akin lang siya. Naiintindihan mo ba? Subukan mo lang magsumbong kay Alanis kundi papatayin kita!" Sigaw niya kay Rai na halos wala nang malay.

Natakot naman si Rai dahil sa sinabi ni Gio. "H-hindi totoo 'yan Gio, ma-" Sinipa ulit ni Gio si Rai sa binti kaya tuluyan na itong nawalan ng malay.

"Huwag na 'wag mong kakalabanin ang isang Giovanni Luistre kung ayaw mong makakita ka ng impyerno." Dinuruan pa ni Gio si Rai sa tabi saka ito naglakad na para bang wala lang sa kanya ang ginawa niya.

Hindi alam ni Alanis na pinagbabantaan ni Gio at tinatakot ang mga lalaking humahanga sa kanya dahil magaling itong magtago ng sikreto.

Ginagamit ni Gio ang talino niya para manipulahin at bigyan ng babala ang mga lalaking lumalapit sa babaeng mahal niya.

Walang lalaking nagsusumbong kay Alanis tungkol sa ginagawa niya dahil natatakot sila sa isang Giovanni Luistre.

Sa buong Masbate National High School ay iba ang tingin sa kanya ng lahat. Isang Gio na mabait, masayahin, maintindihin at mapagbigay pero kasalungat iyon sa totoong siya dahil hindi nila kilala ang isang tunay na Gio.

SA LOOB ng mahabang panahon na naging kaibigan niya si Alanis ay nalungkot siya dahil magtatransfer na ito sa ibang paaralan at doon pa sa Maynila na malayo sa kanya.

Hindi niya maitago ang galit na nararamdaman niya sa pamilya nito dahil pakiramdam niya ay inilalayo nila si Alanis mula sa kanya pero naisip na lang niya na hindi iyon magiging hadlang para hindi na niya muli pang makita si Alanis.

DUMATING ang araw na pinaka kinatatakutan niya. Nagkaroon ng boyfriend si Alanis mula sa Maynila at wala pang tatlong linggo na naging boyfriend na niya ito.

Sobra ang galit at inis na nararamdaman ni Gio pero hindi niya iyon ipinahalata kina Lara at Inah na alam nang gusto niya si Alanis.

"Gio, okay ka lang ba?" Tanong ni Lara habang malungkot na nakatingin sa kanya.

Hindi siya okay. Hinding-hindi niya gusto ang nangyayari pero katulad ng dati taliwas sa iniisip niya ang naging sagot at reaksyon niya.

Ngumiti lang si Gio at tumango. "Okay lang ako, Lara. Kung may boyfriend na si Alanis ay bakit hindi ako magiging masaya para sa kanya?" Sabi niya na ikinailing naman ni Inah.

"Pero mahal mo si Alanis 'di ba? Paano ka naman?" Tanong sa kanya nito.

"Ayos lang ako, Inah." Nakangiti pa rin na sagot ni Gio.

BAGO nila nalaman na may boyfriend na si Alanis ay naisipan nila ni Lara na bisitahin sina Uste at Alanis mula sa Maynila at sobrang tuwa ang nararamdaman ni Gio nang malaman iyon at nang magkita na sila ni Alanis ay doon niya nakita ang boyfriend daw nito na Russel ang pangalan.

Natawa siya sa isip niya dahil nakikita niya na katulad rin niya ang lalaking boyfriend ni Alanis pagdating sa pagiging mapagpanggap sa harapan nila Alanis at alam rin niyang may ideya ang Russel na iyon sa mga ikinikilos niya.

"Hindi ka magaling umarte." Biglang pag-imik sa kanya ni Russel.

Nginitian lang naman siya ni Gio. "I'm impressed. Ikaw lang ang nakapansin. Dahil ba sa magkasing tulad lang tayo?" Nakangiti namang tanong ni Gio sa kanya.

Ngumiti rin si Russel. "Totoo 'yon pero sorry ka na lang dahil hindi mo makukuha si Alanis mula sa akin. Mas ginagamit ko naman ang utak ko kumpara sa'yo na nakakadiri ang pagpapanggap na sobrang bait at nagpapaka anghel sa harapan niya." Pang-aasar pa nito.

Hindi na sumagot si Gio dahil sa sinabi ni Russel at ngumiting nagkibit-balikat na lang.

NAPATITIG na lang si Gio nang malalim habang nakatingin kay Alanis na nakasuot ng isang black fitted dress at umaapaw ang angking kagandahan nito.

Pagkatapos ng apat na taon ay nakauwi na rin ito mula sa Pilipinas. Mas gumanda pang lalo si Alanis at ibang-iba na rin ito kumpara sa noon na huli niya itong nakita.

Napansin naman ni Alanis ang pagtitig ni Gio ng malalim sa kanya kaya umiwas siya ng tingin dito. Pakiramdam niya kasi ay may nagbago sa kaibigan niya na hindi niya maipaliwanag.

Napangisi na lang si Gio nang malaman niyang gusto na rin itali ni Russel si Alanis sa kanya ngayong gabing ito.

"Let's see kung hanggang saan magtatagal ang love story niyo. Alanis at Russel..."

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon