ALANIS POV
"How was your first day in YGA, baby?" Mama asked me while we're eating our dinner.
"Okay lang naman po, Ma. Uste was taking care of me in our school kaya maayos naman po ako doon." sabi ko.
Kahit medyo naweweirduhan ako at pinagtitinginan palagi ng mga estudyante doon.
"It's good to hear that. How about you, Travis?" Mama asked kuya Travis.
"Girls in our school are.. weird." Tanging nasabi ni Kuya Travis habang patuloy pa rin ito sa pagkain niya.
I know what he meant. Pinagkaguluhan na naman siguro siya sa bagong school niya katulad rin sa amin sa Masbate. My kuya is very handsome and smart at minsan ay nagpapart-time model rin siya para may extra money siya.
Marami talagang nagkakagusto sa kuya ko kahit nung nasa Masbate pa kami pero halata namang wala siyang interest magkalovelife dahil ang mahalaga lang sa kanya ay ang mga pinakamamahal niyang mga libro.
Natawa naman si Mama dahil sa sinabi ni kuya. "Mag girlfriend ka na kasi anak, you're already 19 at hindi naman kita pagbabawalan magka gf."
Kuya Travis just shook his head. "Not interested." sagot nito.
Mama just pouted at sa akin naman ito bumaling. "Ikaw baby, wala ka pa bang balak magboyfriend?"
Kaagad namang nagreact si kuya Travis. "Ma! Alanis is only 16 tapos pagbo-boyfriendnin mo? Are you nuts?"
"Travis, Don't talk to your mom like that." Banta naman ni Dad kay kuya.
"I'm sorry." Kaagad na paumanhin ni kuya.
"Ma, wala pa naman akong balak magkaboyfriend. Study first just like Papa said." sabi ko at nginitian si papa. He just smiled at me then he thumbs up.
"Oo na! Pinagkakaisahan niyo na ako. Ang sa akin lang naman ay hindi ko kayo pinagbabawalan sa ganyan pero dapat priorities niyo pa rin ang studies niyo." Mama said.
"We know ma, pero wala pa talaga siguro kaming balak ni kuya sa relationship thingy na 'yan." I said.
Mama nodded. "Me and your Papa are so proud of you, our babies. Studies ang mahalaga sa inyo kaysa sa lovelife." Mangiyak-ngiyak pa na sabi nito.
Sanay na kami ni kuya Travis sa asal batang pag-iisip ni Mama pero kahit na ganito siya ay mahal na mahal namin sila ni papa.
"Ang drama talaga ni mama kahit kailan. Tss!" Sabi naman ni kuya. Natawa na lang kami ni papa do'n at inalo na si mama.
Our mother is a happy-go-lucky person while our father is a calm and serious person. Siguro nga opposites do attract dahil mahal na mahal ni papa si mama kahit na ganito pa ito.
I'm now here in my room at katawagan ko si Lara na bestfriend ko/girlfriend ni Uste. 2 years na sila ng pinsan ko. Dahil mayaman sila Uste ay every week pumupunta siya sa Masbate para makasama si Lara gamit ang helicopter na iniregalo pa sa kanya ng Dad niya na si Tito Simo habang ang pamilya naman ni Lara ay average lang ang pamumuhay nito pero kahit naman ganon ay legal ang relasyon nila.
(Kumusta ang first day of school mo diyan sa bagong school mo?) tanong ni Lara.
"Hmm.. Okay lang pero mas okay kung kasama ko kayo nila Inah at Gio." sabi ko.
Inah and Gio are my friends in Masbate. Sobrang close ko rin ang dalawang 'yon katulad ni Lara.
(Namimiss ka na rin namin, bes. Bakit pa kasi pinalipat ka dyan? Wala na tuloy akong kakulitan at kabonding dito. 'Yung dalawa naman ang bubusy rin!)
"Kailangan kasi bes e, dito nadestino ang trabaho ni papa kaya kailangan nasa Maynila rin kami." sagot ko.
(Aww.. pero okay ba 'yang bagong school mo? Mas maganda ba 'yan kaysa sa Masbate National High?)
"Oo, pero mas masaya pa rin diyan."
(Hulaan ko.. pinagtitinginan ka ng mga estudyante diyan sa bagong school mo, no?)
"Papaano mo nalaman?" Gulat kong tanong kay Lara.
Natawa naman ito sa kabilang linya.
(Kung dito nga pinagtitinginan ka dahil sa mala Diyosa mong mukha, dyan pa kaya sa Maynila?)
Napahiga ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at niyakap ang blue kong teddy bear na human size. "Maganda ba talaga ako, Lara?" Curious kong tanong.
Napangiwi naman ako dahil sa lakas ng boses niya sa kabilang linya.
(Jusko naman, Alanis! Hindi mo pa ba narerealize kung gaano ka kaganda? Halos lumuwa na nga ang mga mata ng mga kaklase at schoolmate natin dito sa Masbate sa kakatingin at kakasipat sa'yo. Ilang beses ka nang nanalong muse ng MNHS, ang dami na rin nanligaw sa'yo tapos itatanong mo pa sa akin 'yan? Kung hindi nga lang ako babae ay matagal na kitang niligawan, e!)
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Alam mo bes, may patay na patay na girl kay Uste sa school namin. Naku! pagsabihan mo 'yang pinsan ko at dahil nandito na rin lang ako sa school niya ay babantayan ko 'yang boyfriend mo." Pagsusumbong ko kay Lara.
(Yung bruhang Chloe ba?) Ramdam ko ang inis ni Lara dahil sa tono ng boses nito.
"Bakit mo 'yon kilala?" Tanong ko naman.
(Minessage lang naman ako sa Facebook ng bruha na 'yon na aagawin niya raw sa akin si Uste. Subukan lang niya dahil kapag nangyari 'yon ay ingungudngod ko siya sa lupa na may putik at igi-glacier ang espasol niyang mukha! Makikita niya!)
"Go Lara! Hindi kita pipigilan dyan." Natatawa kong sabi.
(I trust Tomas, too. Alam kong mahal na mahal ako ng pinsan mo..)
Napangiti ako. They are really in love to each other. Sa dalawang taon nilang relasyon ay nakita ko ang sacrifices ng bawat isa sa kanila kahit na magkalayo sila at alam ko na hindi 'yon kaagad masisira ng isang taong wala namang halaga sa buhay nila.
"I envy you and Uste for that." I said.
(Teka? Bakit nga pala lovelife ko na ang pinag-uusapan natin? How about you? May nanligaw na ba sayo dyyan? Nakipagfriends? Ano ba?)
Napatigil ako. "Nanligaw? Wala naman pero ang daming nakikipagkaibigan sa akin kaso puro naman mga lalake."
Kanina kasi sa classroom namin ay halos dumugin na ako ng mga kaklase kong lalake na makikipagkaibigan lang sa akin kaya ang sama-sama ng tingin sa akin kanina ng mga kaklase naming babae.
(Hindi na kataka-taka. Liligawan ka lang ng mga 'yan! Kay Uste ka na lang palagi sumama para safe ka ha.)
"Alam ko, sinabi na rin sa akin ni Uste 'yan."
(Mas better pa nga. Oh siya, matulog na tayo at inabot na tayo ng madaling araw sa phonepal natin. May pasok pa tayo bukas.)
"Oo girl. Thanks at nakausap kita ng matagal. Good night na and I love you bes!"
(Welcome, bes. Good night and I love you too! Bye.)
Then we both ended the call. Napatingin ako sa kisame ng bagong kwarto ko at napaisip. I hope things will work well with this new environment of mine.
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.