ALANIS POV
Napapikit ako at napaluha na ng tuluyan. Posible kayang tama si Julian sa sinasabi niyang mapanganib talaga si Russel?
"Iiyakan mo lang ba ako, Alanis? Bakit? May gusto ka ba sa gagong 'yon? Iiwan mo na ba ako?!" Sigaw na naman niya sa akin at sinuntok ang pader sa likuran ko dahilan ng pagdugo ang kamao niya.
Umiling lang ako ng paulit-ulit at nanginginig na hinawakan siya sa balikat niya.
"H-hindi.. 'wag ka nang magalit, please.." Pakiusap ko.
Unti-unting namang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at binitiwan na ako.
"Sorry. I just can't control my anger. Ayoko lang na nilalapitan at binabastos ka ng ibang lalake, and this jealousy inside of me, nasasaktan ako sa tuwing may kausap kang iba. Pakiramdam ko ay.. iiwan mo na rin ako at aagawin ka nila sa akin. Takot na takot na akong maiwanan sa ere. Ikaw na lang ang meron ako, Alanis kaya sana kahit ganito ako ay matanggap mo ako."
Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang umiyak at pinunasan ang luha niya gamit ang kamay niyang nagdudugo.
Napahinto ako sa mga sinabi ni Russel at nakaramdam ng awa.
Ako na lang pala ang mayroon siya kaya hangga't kaya ko ay uunawain at iintindihin ko siya.
Napaupo ito sa isang cemented bench at napayuko saka napahawi sa buhok niya while he's still silently crying.
"Hindi mo ako mahal, Alanis. Matagal ko nang alam 'yon. Maaaring gusto mo lang ako pero hindi mo ako mahal. There's a big difference between like and love. Kahit ayaw mo sa akin, hahabulin kita ng hahabulin hanggang sa wala ka nang kawala pa pero kung hindi rin naman ikaw ang makakatuluyan ko ay mas mabuti pang mamatay na lang ako." Tumayo siyang bigla at iniwan ako.
Sa mga sinabi niya ay kaagad akong kinabahan kaya sinundan ko siya.
"Russel, anong gagawin mo?" Sigaw ko habang sinusundan siya.
Umakyat ako ng hagdanan. Papaakyat na yata kami sa rooftop floor ng YGA building. Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa pag-akyat sa hagdanan.
Nang makarating na kami sa rooftop floor ng YGA ay pumuwesto siya sa may railings na medyo may kataasan at ilang hakbang na lang niya ay siguradong mahuhulog na siya.
"Russel naman! Bumaba ka na diyan!" Sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Walang kwenta ang buhay ko kung hindi ka rin naman mapupunta sa akin kaya mas mabuti pang magpakamatay na lang ako!" Sigaw niya.
"Huwag mong gawin 'yan. Importante ka sa akin, Russel."
Lumapit ako sa pwesto niya at pilit siyang pinapababa pero hindi pa rin siya natinag at mas lalo pang hinakbang ang mga paa niya sa railings. Isang tulak na lang ay maaari na siyang mahulog.
"Kung importante ako sa'yo ay iwasan mo nang makipag-usap sa kahit sinong lalake kahit pa sa mga kaklase o mga kaibigan mo. Ayoko rin na wala ka palagi sa tabi ko. Ipapalipat na kita sa all girls section ng YGA para wala nang ibang lalake ang lumandi pa sa'yo at higit sa lahat ay hindi ka aalis ng bahay niyo o ng school nang hindi ko alam. Maliwanag ba?" Sabi niya.
Sa mga sinabi niya ay parang tinatanggalan na niya ako ng kalayaan sa mundong ginagalawan ko sa loob ng 16 years. Walang taong nagdikta sa mga dapat kong gawin kahit pa ang pamilya ko o mga kaibigan ko.
Pero kahit hindi ko pa mahal si Russel ay importante siya sa akin kaya kahit masakit ay sasang-ayon ako sa mga sinabi niya.
Tumango ako habang humihikbi. Napangiti naman siya saka lumapit sa akin at niyakap ako nang sobrang higpit na para bang takot na takot siyang mawala ako.
"Thank you baby.. I love you so much." At hinimas-himas niya ang buhok ko at hinalikan ito. Hindi na lang ako sumagot.
He's already obsessed with me.
JULIAN'S POV
"Nakita mo ba kanina si President Russel na binugbog 'yung estudyanteng taga St. Claire? Nakakatakot siyang magalit, no? Akala ko nga ay mapapatay niya na 'yung lalake."
"Binastos kasi si Alanis kaya nagalit siya. Ikaw ba naman, bastusin ang girlfriend mong dyosa ng kagandahan at kasexyhan eh hindi ka magagalit?"
"Magagalit siyempre, pero parang sobra naman yata ang pagkagalit niya. Parang sinaniban na siya ng demonyo kung makabugbog, e!" At nagtawanan ang mga kateammates ko sa basketball.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila habang umiinom ako ng tubig sa mineral bottle ko. Kakatapos lang ng practice namin sa basketball para mamaya sa annual event ng YGA.
Lumabas na nga ang tunay na ugali ni Russel at natatakot ako na baka masaktan niya si Alanis dahil sa pagiging seloso at obsessed niya.
Ayaw naman akong paniwalaan ni Alanis at ilang beses na niya akong tinaboy pero hindi pa rin ako titigil sa pagprotekta sa kanya kahit ngayon ay tinatanaw ko na lang siya mula sa malayo.
"His true colors are now shown." Sabi ni Denver na katabi ko lang habang sinisintas ang sapatos niya.
"Natatakot ako sa maaaring gawin niya kay Alanis," Sabi ko naman at nagpunas ng pawis sa noo ko.
Hindi umimik si Denver kaya nagtaka ako. Nakatulala na pala ito habang may tinitignan mula sa malayo. Tumingin naman ako sa tinitignan niya,
It's Neil and Marinel kissing.
Napatingin sa gawi namin si Neil at nang makita niyang nakatingin kami ni Denver sa kanila ay binalewala niya lang iyon at patuloy pa rin sila sa paghahalikan ni Marinel sa isa sa mga bench ng basketball court.
Tinignan ko si Denver at napangisi ito. "So, he already knew na gusto siya ni Marinel. Traydor talaga." Tumayo na ito at sinuot ang dala niyang backpack.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Sa lugar na walang traydor." Mapait at nakatawa niyang sagot at umalis na.
I shook my head. Bakit ba parang malas kaming tatlong magkakaibigan sa pag-ibig?
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.