ALANIS POV
Hinila ako ni Julian papalabas ng classroom namin hanggang sa mapadpad na kami sa isang abandonadong Stock room. Pinasok niya ako sa loob nito at isinara ang pintuan. Kaagad naman akong kinabahan dahil sa ginawa niya.
"J-Julian, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko habang nagpapanic na.
Inis naman niyang ginulo ang kanyang buhok at lumapit pa sa akin. Napaatras ako at umiwas ng tingin sa kanya.
"Alanis, I'm not really good at confessing my feelings but.. I think I like you, ah no! I love you." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at hindi ko alam ang sasabihin ko.
Mahal niya ako? Mahal ako ni Julian?
Siguro kung ibang babae lang ako ay magtatatalon na ako sa tuwa dahil may gusto sa akin ang isang gwapo, matangkad at mayaman na si Julian Saavedra pero.. ako si Alanis, mahal ko si Julian pero bilang kaibigan lang dahil hanggang ngayon ay si Russel pa rin ang mahal ko sa kabila ng lahat ng mga ginawa niya sa akin.
Concern na tumingin sa akin si Julian at hinawakan ang balikat ko. "Sorry.. nabigla ba kita?" nag-aalala niyang tanong.
Tumango ako at napabuntong-hininga. "Julian, nakakabigla ka." Pumikit pa ako at nagmulat ng mata saka ulit tumingin sa kanya.
"Julian, mabait ka at palaging nandyan para sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa'yo. I treasure you as my real friend pero kasi.. hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa'yo. I'm sorry..." sabi ko at bumuntong-hininga.
Nakita ko sa mga mata niya ang sakit dahil sa sinabi ko.
Sorry, Julian pero kailangan ko nang maging totoo at tapat sa sarili ko.
I saw how his jaw clenched. "Bakit? Si Russel ba ang mahal mo?" Sabi niya sa naghahamon na tono. Tumango ako. There's no point of lying to him.
He chuckled. "Ayos rin, sinaktan ka na nga niya, ginawang sunod-sunuran, baliw siya at dinala na sa Mental Hospital pero minahal mo pa rin?" Nang-iinsulto niyang sabi.
Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at lumayo ng kaunti sa kanya.
"Oo. Ganon nga siguro si Russel pero may dahilan kung bakit niya nagawa ang mga bagay na 'yon. Hindi ko alam pero kahit ilang beses niya na akong sinaktan ay siya pa rin ang mahal ko. Umaasa ako na magbabago rin siya para sa sarili niya."
Umaasa ako. Alam kong kayang gawin ni Russel na magbago para sa sarili niya. May tiwala ako sa kanya.
Natawa naman si Julian. "Talaga, Alanis? Sabihin na nga nating mahal mo siya pero.. sa ginawa ba niya ay tatanggapin pa siya ng pamilya mo? Hindi na dahil sinira na ni Russel ang tiwala ng pamilya mo." Umiling ako pero natawa lang ulit si Julian.
Ano na naman ba ito? Bumabalik na naman ba ang dating Julian na arogante at hindi magpapatalo?
"Paano mo 'yan nasasabi, Julian? Maiintindihan ako ng pamilya ko kung si Russel talaga ang mahal ko." madiin kong sabi. He shrugged.
"I don't think so."
Kanina pa ako naiinis sa mga pinagsasabi niya kaya aalis na lang ako. Akmang aalis na sana ako nang hinila niya ako at isinandal sa pader saka ako hinalikan.
Nagpupumiglas ako pero masyadong mahigpit ang hawak ni Julian sa akin. Nilagay niya ang dalawang braso ko sa ulunan ko habang idinikit niya naman ng sobrang diin ang katawan niya sa katawan ko. Nanghihina ako sa ginagawa ni Julian ngayon kaya napapikit na lang ako at napaiyak na.
"Uhm.." Sabi ko habang pilit niya pa rin akong hinahalikan. I didn't kissing him back.
Hindi ko kayang may ibang hinahalikan na lalake bukod kay Russel.
Hindi ko kaya.
Nang maramdaman ni Julian na ayoko talaga siyang halikan ay inis niya akong binitawan at napasabunot ito sa buhok niya.
Umiyak na ako ng umiyak kaya napatingin siya sa akin at nagulat nang makitang umiiyak ako kaya bigla niya akong niyakap.
"S-sorry if I scared you. Nadala lang ako ng emosyon ko. I'm sorry, Alanis. Don't cry please.." He said while caressing my shoulder. Hindi ako sumagot at umiyak lang ng umiyak.
Nang mapatahan na ako ni Julian ay pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ang noo ko. "Pasensiya ka na sa mga nasabi ko. Hindi na siguro mawawala sa akin ang pagiging vocal at masakit magsalita pero kung si R-Russel talaga ang mahal mo ay wala naman akong magagawa pa doon." Sabi niya sa malungkot na tono.
Kaagad akong nakaramdam ng guilt. Sinaktan ko ang damdamin ng totoo kong kaibigan na walang ibang ginawa kundi ang damayan ako sa mga problema ko.
"I'm sorry, Julian..." Tanging nasabi ko na lang.
I was shock when I saw him crying pero tumingin siya sa gilid at pinupunasan ang mga luha niya.
Now I know that he loves me but he doesn't deserve me. He deserves someone else.
"O-Okay lang. Sanay na ako na hindi ako ang unang priority ng mga taong mahal ko." He fake his laughed at yumuko habang umiiling.
I hugged him and he stiffened. "Huwag mong sabihin 'yan. Maraming nagmamahal sa'yo at kabilang na ako doon. Hindi nga lang in a romantic way pero kaya kitang mahalin bilang isang nakababatang kapatid at damayan ka sa mga ups and downs mo sa buhay. Hindi naman sa romantic way lang binabase ang pagmamahal, Julian. Mas maganda nga na maging magkaibigan na lang tayo dahil pwede pang humaba ang pagsasamahan natin." Binitawan ko na siya mula sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya.
Tumitig naman siya sa akin na ikinailang ko.
Ayan na naman ang mga titig niyang hindi ko maintindihan. Bakit kailangan pa niyang titigan ako?
"You're right." Then he smiled.
Pagkatapos naming mag-usap at magkaintindihan ay lumabas na kami mula sa Stock room. Salamat at naiintindihan ako ni Julian. Hindi na niya pinilit ang pagmamahal niya para sa akin.
Bakit ba kasi sa akin pa siya nagkagusto?
Magkasama kaming naglalakad ni Julian pabalik sa classroom namin nang may makasalubong kami.
Nagulat naman ako nang makita ko siya. Anong ginagawa niya dito?
"Gio?" He stared at me for a while at nang makita niya na kasama ko pala si Julian ay naging blangko at walang emosyon ang mukha niya.
Anong ginagawa ni Gio dito sa YGA?
Lumapit naman si Gio sa akin at kaagad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya na naging pag-aalala na at niyakap ako.
"Kumusta ka na? Namiss kita ng sobra, Alanis." Malambing na sabi niya pagkatapos ay hinarap ako sa kanya.
Nakita ko na naman ang pagtiim ng bagang at pagkuyom ng kamao ni Julian.
Hala? Ano na naman bang ginawa ko sa kanila?
--
#388 na kaagad sa General Fiction yung His Dirty Game eh Prologue pa lang yung nalalagay ko. Ayie! Kilig na ko. Dejk. Salamat sa mga nagbabasa. #LongHairAlanis
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.