Obsession #26

20.3K 500 44
                                    

ALANIS POV

Masaya ako at nagkabati na kami ni Russel after nung nangyari sa apartment niya. Naiintindihan naman niya ako at sa point ko na 'Wedding Before Ehem' muna. Kahit mahirap intindihin si Russel at iba pa ang ugali nito ay kinakaya ko na lang dahil alam ko ang mga nangyari sa buhay niya.

Ni hindi man lang siya nakaranas ng pagmamahal sa tunay niyang pamilya. He's born as independent person. Marunong pa siyang maglaba, magluto, maghugas ng pinggan, maglinis ng bahay at kung anu-ano pang gawain na hindi ko man lang kayang gawin.

Nagtatrabaho rin siyang waiter tuwing gabi para may pambayad siya sa tuition niya at pambili ng pagkain niya. Matatag siyang tao. Naiintindihan ko rin kung bakit napaka possessive niya pagdating sa akin. Takot siyang iwanan ko katulad ng ginawa ng mga magulang niya sa kanya that's why I will never leave him.

Annual event ngayon ng YGA at ang na-assign na booth sa aming klase ay ang Milktea booth. Pwede ring makapasok sa YGA ang mga taga ibang schools para bumisita sa mga hinanda naming booths, bands, games, sports at presentations.

Si Russel ay busy sa iba pang mga booths at preparations na inassign sa kanya kasama ang buong Student Council members. Mamayang break time naman ay pupuntahan niya ako sa booth namin at sabay daw kaming magla-lunch.

Kasama ko ngayon sa pagtitimpla ng Milktea ang mga kaklase kong sila Angelo, Frank at Wela. Ang iba pa naming mga kaklase ay busy sa pagpapaganda at pagdedesigns ng booth namin.

Buhat-buhat ko ang isang maliit na sako ng Milktea powder na kinuha ko mula sa Storage room ng YGA nang nilapitan ako ni Angelo na busy sa paglalagay ng yelo sa isang rectangular glass pitcher at siya na ang nagbuhat ng dala ko.

"Ako na dito, Alanis. Dapat hindi ikaw ang nagbubuhat nito kundi si Frank." Nakangiti niyang sabi.

"Ah eh, kaya ko namang buhatin 'yan, Angelo." Nahihiya kong sabi.

"Wushu! Nagpapa-impress lang 'yang si Angelo sa'yo, Alanis kasi crush ka niyan!" Sabi naman ni Wela na busy sa paglalagay ng cups at straw saka nginitian ng mapang-asar si Angelo.

Bigla namang namula si Angelo na ikinatawa lang nila Wela at Frank.

"Baka nakakalimutan mo Angelo, girlfriend na ni President 'yang crush mo kaya wala ka nang pag-asa." Sabi ni Frank na natatawa pa.

"Bakit? Hindi pa naman sila kasal, ah?" sabi ni Angelo na ikinagulat naming tatlo.

"A-anong sabi mo?" Sabi ko na gulat na gulat.

Angelo smiled at me "Alanis, nobodys permanent in life. Lahat nagbabago katulad na lang ng feelings. It will change kung may kulang o sobra na nagmamahal sa inyo, at sa huli? Hindi rin pala kayo ang magkakatuluyan,"

Napanganga kaming lahat sa sinabi niya hanggang sa nilapitan siya ni Wela at pinukpok ang ulo nito gamit ang plastic cup na hawak niya.

"Ano bang problema mo, Lowella? Bakit ka namumukmok diyan?" Reklamo ni Angelo.

"Tumigil ka nga sa mga ganyan mo. Kapag narinig ka ni President ay nako nako ewan ko na lang!" Nakapameywang na sabi ni Wela at tinaasan nito ng kilay si Angelo.

Napailing na lang si Frank at tumingin sa akin. "He has a point, Alanis pero kung kayo talaga ni President ang para sa isa't-isa ay kayo pa rin ang magkakatuluyan hanggang sa huli." Sabi niya.

Animo'y nabuhayan ako sa mga sinabi ni Frank. Tama siya. Basta't pagmamahal at tiwala lang ay makakasiguro akong kami nga talaga ni Russel ang para sa isa't-isa.

Nang makapag-prepare na ng 15 booths ang 3rd year high school students ng YGA ay biglang iniatas sa akin ng leader namin na si Cesca na ako raw ang i-aasign na magbebenta ng mga Milkshake sa harap ng booth namin.

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon