Obsession #23

20.2K 530 45
                                    

RUSSEL'S POV

Ang akala yata ni Julian ay paniniwalaan pa siya ni Alanis sa mga sinusumbong niyang mga plano ko para makuha si Alanis at tungkol sa tunay kong pagkatao.

May pasumbong sumbong pa siyang nalalaman kahapon sa Cafeteria pero sa huli ay siya rin ang napahiya at nasaktan. Hindi na siya paniniwalaan pa ni Alanis dahil tuluyan ko nang namanipula ang utak ng babaeng iyon at pabor iyon sa akin para madali ko lang siyang paikutin at makuha.

Nandito ako ngayon sa meeting ng buong Student Council members para sa gaganaping Annual Event ng YG Academy. Bilang ako ang Student Council School President ay maraming mga nakatalagang tasks para sa akin habang ang Vice President naman na si Mark ang gagawa ng iba ko pang mga gawain.

Pagkatapos ng meeting namin ay lumabas na kami ng AVR at nilapitan naman ako ni Mark.

"Russel, saan tayo magme-meeting ulit ng buong SC?" Tanong niya.

"Sa bahay niyo na lang o 'di kaya kina Aimee o Eugene. Hindi naman pwede sa apartment ko dahil maliit lang 'yon at hindi tayo magkakasya doon lahat." Tumango lang ito sa sinabi ko.

"Sa bahay na lang namin. Sa sabado?" Tanong niya.

"Okay." Sagot ko na lang at tinignan ang cellphone ko.

It's already 4:50pm at matatapos na ang klase nila Alanis. Kailangan ko na siyang sunduin sa classroom nila.

"Sige. Bye!" Paalam pa ni Mark hanggang sa makaalis na siya.

Ngumiti na lang ako saka napairap. Hindi ko naman kailangan ng Vice President na tutulong sa akin dahil kaya kong gawing mag-isa ang lahat ng pinapagawa sa akin ng school. Tsk.

Nagtungo na ako sa building ng classroom nila Alanis. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko pa si Uste na may hawak na sports bag at basang-basa pa ang buhok nito.

"Uste! Long time no see, bestfriend," Bati ko sa kanya at nakipag-apir pa.

"Long time no see rin, President. Bihira na lang kita nakikita dahil busy na ako sa practice ng soccer. Ikaw? Naghahanda na ba kayo ng buong SC members para sa Annual Event ng YGA?" Tanong niya.

"Yup. Kaya ko naman lahat ng iniatas sa akin ni Principal." Bored kong sagot na ikinatawa niya.

"Kaya mo naman lahat ng ipapagawa sa'yo. Kahit nga pinsan ko ay nagawa mong paibigin," Nakangisi niyang sabi. Napailing na lang ako at napangiti.

"Kumusta na pala kayo ng girlfriend mo? Ano, nabantaan mo na ba?" Tanong ko. Sumandal naman si Uste sa pader lang na kaharap namin at nagpamulsa.

"Oo at sigurado akong takot 'yon na iwanan ako dahil malaki ang utang na loob niya sa akin. Asungot lang kasi sa amin 'yung Travis na 'yon."

Napahinto naman ako.

"Travis? 'Yung kuya ni Alanis?"

Tumango siya. "Siya 'yung mahal pa rin ni Lara hanggang ngayon." Sagot naman niya at sumimangot siya.

Napaisip ako. Siya pa pala 'yung lalaking kinaiinggitan ni Uste.

"Ayaw sa akin ng Travis na 'yon para sa kapatid niya." Siya naman ang napahinto at nagulat sa sinabi ko.

"Talaga? Nameet mo na pala si Travis? Kahit kailan talaga ay pakialamero siya sa lahat ng bagay," Naaasar niyang sabi.

Napangiti pa akong lalo dahil doon.

Nagpaalam na si Uste na mauuna na siyang umuwi at ihatid ko na lang raw si Alanis pauwi. Tumango lang ako.

Ilang sandali pa ay narating ko na ang classroom nila Alanis. Nagsisilabasan na sila isa-isa sa classroom nila at nang makita niya ako ay nilapitan naman niya ako at nginitian.

"Uwi na tayo?" Tanong niya.

May naisip naman akong ideya. "Ahm.. 'di ba sinabi mo na gusto mong turuan kitang magbake? Pumunta tayo ngayon sa apartment ko at tuturuan kita." Suggestion ko. Namilog naman ang mga mata niya at napatalon ito.

"Sige pero magpapaalam muna ako kila kuya-"

"I-text mo na lang siya. Halika na!" Sabi ko at hinila ko na siya papaalis.

Nag-tricycle nalang kami ni Alanis papunta sa apartment ko dahil malapit lang naman iyon sa YGA at ilang minuto lang ay nakarating na rin kami.

"Ito pala ang apartment mo," Sabi ni Alanis at nilibot ng tingin ang kabuuan ng apartment ko.

"Yes. Pasok na tayo?" Tumango naman ito.

Hinawakan ko ang kamay niya saka binuksan ang pintuan ng bahay ko. Pagkabukas ko ay pumasok na kami sa loob.

Pinaupo ko muna siya sa isang sofa at ako naman ay binuksan ang ilaw ng apartment ko. Pumunta ako sa ref at binuksan ang loob nito. Kumuha ako ng juice at cookies sa ref pagkatapos ay ibinigay ko iyon sa kanya.

''Thanks."Sabi niya.

"Pasensya ka na kung 'yan lang ang maibibigay ko sayo, ha? Hindi pa kasi ako nakakapag grocery e," Paumanhin ko at umupo sa tabi niya.

"No. It's okay at naiintindihan ko naman. Ikaw lang rin mag-isa ang nakatira dito at palagi ka pang busy." Napatango naman ako.

Nilibot pa niya ng tingin ang buong apartment ko. Napansin niya siguro na kakaunti lang ang mga gamit ko bukod sa tv, sofa, gitara, bookshelf na may maraming libro, ref at mahabang lamesa sa harapan namin.

"Alam mo Russel, bilib ako sa'yo kasi kahit ikaw lang mag-isa ang bumubuhay para sa sarili mo at palagi ka lang nag-iisa sa apartment mo ay nakakaya mo ang lahat ng 'to. Kung ako ikaw ay baka sumuko na ako."

I look at her. Sa tanang buhay ko ay siya lang ang babaeng naiintindihan ang sitwasyon at paghihirap ko. Siya lang rin ang babaeng pinapasok ko sa loob ng apartment ko.

Alanis means so much to me at sisiguraduhin ko na mamahalin pa niya ako lalo dahil mahal na mahal ko talaga siya.

"Salamat, Alanis. I love you so much.." Sabi ko at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.

I'm expecting her to say I love you too to me pero hindi niya iyon ginawa. Matututunan niya rin naman siguro akong mahalin pabalik sa tamang panahon.

"Para hindi ka maboring dito sa apartment mo, kung gusto mo ay araw-araw akong pumunta dito e," Sabi niya. Napakalas ako ng yakap ko sa kanya at tinitigan siya.

"Talaga? Okay lang sa'yo?" She smiled and nodded.

"Oo. Kung gusto mo pa ay dadalhan kita palagi ng foods at sasamahan kitang mag grocery. Alam ko naman na nagtitipid ka para sa allowance mo."

"You don't need to do that, Alanis. I can handle myself." I said. Umiling ito.

"Ah basta! Dadalhan kita ng foods mo. Baka puro canned goods at noodles lang ang kinakain mo." Nakanguso niyang sabi.

Damn! She's still beautiful in that kind of facial expression.

"Oo, e. Sa sobrang busy at pagod ko kasi pagkauwi galing ng school ay hindi na ako makapagluto kaya ganon nalang ang kinakain ko," sabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"See? Dadalhan kita ng mga home made foods para makakain ka naman ng masustansiyang mga pagkain, no!" Lalo pa akong napangiti at sinakop ang buong mukha niya gamit ang palad ko at hinalikan ang labi niya.

"Oo na po, Mrs. Madrid."

Namula naman siya sa sinabi ko kaya hinalikan ko ulit siya.

"Let's bake." Sabi ko at binitawan na siya saka dumiretso sa kusina leaving her blushing.

Alanis is so cute and funny. My future Mrs. Russel Madrid.

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon