Obsession #39

17.1K 422 22
                                    

ALANIS POV

Dahil alam kong may posibilidad na puntahan ako ni Russel sa bahay namin ay napagdesisyonan ko na lang na pumunta sa parke ng YGA. Sa parke kasi ay pakiramdam ko na kahit papaano ay nababawasan ang mga iniisip at pinoproblema ko kapag nagpupunta ako doon.

Hininto na ng driver ang taxi nito sa gilid ng parke saka ako nagbayad ng pamasahe at bumaba na. Dumiretso ako sa isang bench sa parke at umupo doon.

Napaiyak na ako nang tuluyan hanggang sa napahagulgol na naman ako.

Ang sakit! Sobrang sakit na makita siyang nagkakaganon nang dahil sa akin pero kailangan muna namin ng space. Gusto ko na matuto siya sa mga pagkakamali niya at magbago siya hindi para sa akin kundi para sa sarili niya.

Mabuti na lang at walang masyadong tao dito sa parke kaya hindi makikita ng iba ang pag-iyak ko.

"Bakit ba kapag nakikita kita ay palagi na lang tayong nagkakatagpo dito sa park?"

Napahinto ako sa pag-iyak at napaangat ng tingin sa nagsalita.

Napaayos tuloy ako sa sarili ko nang wala sa oras at nagpahid ng luha ko. Umupo naman siya sa tabi ko at inabutan niya ako ng milkshake na iniinom niya. Umiling lang ako.

He sighed. "Hindi mo na kinaya 'yung mga pinag-gagagawa niya sa'yo, no?" tanong niya.

Hindi ako umimik.

"Alam mo, Alanis wala ako sa posisyon para magsalita ng ganito sa inyo pero si Russel-" Nagsalita kaagad ako bago niya pa ituloy ang sasabihin niya.

"He's crazy and obsessed with me. You're right, Julian." I said. Narinig ko ang pagbuntong- hininga niya.

"Wala sana akong balak makipaghiwalay sa kanya pero kailangan n-namin 'yun." Dugtong ko pa.

Naluluha na naman ako na ikinaalarma ni Julian.

"Mamaya na nga natin pag-usapan 'yan. Halika, mamasyal na lang muna tayo." Sabi niya sabay hila sa akin papatayo.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa bahay namin." At ngumiti siya.

T-teka.. sa bahay raw nila?

THIRD PERSON'S POV

Galit na galit at tila papatay na ng tao si Russel habang papunta siya sa mansyon ng mga Saavedra. Iniisip niya na si Julian ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Alanis.

Hindi siya makakapayag na mapunta sa iba ang babaeng mahal niya! Hindi siya sanay na natatalo at nauungusan ng iba kaya hindi siya magpapadaig kay Julian.

Pagkarating ni Russel sa mansyon nila Julian ay kinalampag niya ng ubod ng lakas ang gate nito na ikinabahala naman ng mga bantay na guwardya.

"Julian, Lumabas ka diyan! Walanghiya kang hayop ka! Mang-aagaw ka. Inagaw mo sa akin si Alanis. Papatayin kita!" Sigaw ni Russel na parang nababaliw na kaya pilit siyang inaawat ng mga guwardya.

"Boy, nababaliw ka na ba? Umalis ka na dito hangga't maaga pa." Sabi ng isang guwardya.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Russel. "Tawagin niyo 'yang tarantado niyong amo na si Julian at magtutuos kami!" sigaw ng binata.

Napailing naman ang isang guwardya at bumulong sa kasamahan niya.

"Baliw na yata ang batang ito. Mukhang nakaaway pa ni Sir Julian." Tumango naman ang isa pang guwardya at bumaling na kay Russel.

"Wala dito si Sir Julian kaya sa ibang araw ka na lang manggulo." sabi ng guwardya.

Napahawi ng buhok si Russel saka ito napasabunot kasabay ng pagsipa ng trash bin malapit sa kinaroroonan ng guwardya na ikinagulat nila.

"Mga sinungaling! Nandiyan siya sa loob. Ilabas niyo na siya. Mang-aagaw siya!"
Akmang papasok na ang binata sa loob ng mansyon nang may magsalita.

"Manong guard, what's happening here?" Napalingon sila sa nagsalita.

Si Chloe ito, ang nakababatang kapatid ni Julian.

Nagulat si Chloe nang makita niya si Russel na nakatiim-bagang at parang galit na galit sa awra nito.

"Eh kasi Ma'am Chloe, nagpupumilit po 'tong pumasok sa loob ng mansyon ninyo at hinahanap si Sir Julian." Sabi ng guwardya at napakamot nalang sa batok.

Tumango si Chloe. "Sige, iwan niyo muna kami at may pag-uusapan lang kami."

"Okay po, Ma'am." Sabi naman ng dalawang guwardya at umalis na sila.

"So, bakit mo hinahanap si kuya Julian?" Mataray na tanong ni Chloe kay Russel.

Ngumisi lang si Russel na parang naiinis. "Siya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay na sa akin si Alanis. 'Yung kuya mo ay mang-aagaw!" Sigaw nito.

Napakunot-noo si Chloe. "Is this guy is crazy?" Sa isip-isip niya.

"Mang-aagaw ang kuya ko? Paano mo nasabi na inagaw ni kuya Julian si Alanis sa'yo? As far as I know ay hindi naman sila nagkakasama at nag-uusap after nung eksena niyo dati sa Cafeteria. Hindi na kinukulit ni kuya si Alanis na paniwalaan siya, o baka naman nakipaghiwalay si Alanis sa'yo dahil masyado ka nang possessive at nakakatakot para sa kanya?" nakataas na kilay na sabi ni Chloe.

Natahimik si Russel. Iyon nga ang dahilan kung bakit ayaw na sa kanya ni Alanis pero sigurado siya na may kinalaman rin si Julian kung bakit hiniwalayan siya nito.

Ngumisi naman si Russel. "Mang-aagaw naman talaga kayo ng kapatid mo. Ikaw nga ay inaagaw mo si Uste sa girlfriend niya, hindi ba, Chloe?"

Si Chloe naman ang natahimik.

Nung una ay may plano siyang agawin si Uste sa girlfriend nito pero simula nang sabihin ni Uste na mahal na mahal niya talaga ang girlfriend niyang si Lara ay nag backfire na siya sa plano niya at nanahimik na lang.

"That was before-"

Tumawa lang si Russel. "Oo. Noon nga 'yon pero ngayon? Mang-aagaw ka pa rin. Hindi ka na ba nahihiya sa sarili mo, Chloe? Pati si Neil ay inagaw mo rin kay Marinel. Dahil sa'yo ay ginawang rebound ni Neil si Marinel. Wala kang awa. Kayo ng kuya mo, mga mang-aagaw kayo!"

Nagulat at hindi makapagsalita ang dalaga sa mga sinabi ni Russel. May parte kasing totoo sa mga sinabi nito at natamaan siya roon pero hindi naman niya inagaw si Neil mula kay Marinel.

Pinipigilan ni Russel na huwag matawa dahil sa ekspresyon ng mukha ni Chloe.

"Ano ka ngayon? Natamaan ka ba?" Sa isip ni Russel.

Umiling si Chloe. "Hindi 'yan totoo!"

"Totoo 'yon. Mga mang-aagaw! Mga attention see-"

Napahinto lang sa pagsasalita si Russel nang makita niya ang ayaw niyang makitang pangyayari sa buong buhay niya. Sina Julian at Alanis na nagtatawanan habang papalapit sa pwesto nila.

Hindi naman sila napapansin ng mga ito. Lumukob ang inggit, galit at selos sa puso niya dahil sa nakikita niya. Ang babaeng mahal niya, nginingitian ang lalakeng kinamumuhian niya.

Nasasaktan siya sa nakikita niyang eksena ngayon. Hindi pa niya nakita na ganon kasaya si Alanis kapag magkasama silang dalawa.

Napalingon sina Alanis at Julian sa kinaroroonan nina Russel at Chloe at laking gulat na lang ni Alanis nang makita niya si Russel na madilim ang buong mukha habang nakatingin sa kanila ni Julian.

"R-Russel?" Gulat na sabi niya.

Lumapit naman si Russel sa kinaroroonan nila Alanis at Julian saka ito ngumisi.

"What a beautiful scene, baby."

--
Short UD. Sorry po, pagod na pagod lang talaga ako sa trabaho at inaantok na pero nag-update pa rin ako para sa inyo. Salamat sa pagbabasa. :*

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon