MARINEL'S POV
[Present]
Ngayon ay patungo na ako sa all girls section nila Alanis. Kailangang malaman niya ang lahat tungkol sa tunay na pagkatao ni Russel. I treat Alanis as my real sister kaya hindi ko hahayaan na mapunta siya sa isang lalaki na walang ibang inisip kundi ang kapakanan at pansariling interes niya lang.
Alanis doesn't deserve an obsessed guy like Russel. She deserves someone better.
Naglalakad pa rin ako nang may magsalita sa announcement booth kaya napahinto ako sa paglalakad at nakinig sa isang speaker.
"Attention to everyone! To all students of YG Academy, please proceed now to the Gymnasium. I'm saying some important announcements. Thank you!" Sabi ng isang babaeng announcer na may maarteng boses.
Ang ibang mga estudyante ay nagmadali namang magpunta sa Gymnasium. Ano naman kayang announcement ang sasabihin at parang boses pa ng maarteng si Elka ang narinig ko?
Napabuga na lang ako ng hangin at nagtungo na lang rin sa Gymnasium. Mamayang uwian ko na lang siguro kakausapin si Alanis.
Pagkarating ko ng Gymnasium ay halos lahat ng mga estudyante ng YGA ay nandito. Nakita ko naman si Neil sa 'di kalayuan kaya kinawayan ko siya. Nakita niya rin ako at kinawayan pabalik.
Mukhang busy siya sa pakikipag-usap sa coach nila sa basketball kaya mamaya ko na lang muna siya lalapitan at ibibigay ang lunch na ginawa ko para sa kanya.
Nasa gitna ng stage sa Gymnasium si Elka na alam kong patay na patay rin kay Neil. Maldita at maarte ang babaeng iyan kasama ang dalawang alipores niya. Hindi nga lang siya makaporma kay Neil dahil alam niya na wala siyang laban sa isang Chloe Saavedra. May class naman kasi si Chloe kumpara kay Elka na puro kaartehan at kalandian lang ang alam sa katawan.
Nagtataka kaming lahat kung bakit nasa stage si Elka at may hawak pang mic.
Kailan pa siya naging announcer ng YGA?
"Hoy, Elka! Anong ginagawa mo diyan sa gitna ng stage? Kung kakanta ka ay baka bumagyo lang dito sa school dahil sa ganda ng boses mo!" Kantyaw ng isang kateammates ni Uste sa soccer na ikinatawa ng lahat.
Umirap lang si Elka dito. "Shut up, Kennedy!"
"Baka naman magpapapansin ka lang sa amin at may paannounce-announce ka pang nalalaman?" Seryosong sabi naman ng Student Vice President namin na si Mark.
Nakita ko naman si Russel na nakasandal sa isang gilid ng pader at pinagkrus ang mga kamay niya at nang mapatingin siya sa akin ay nginitian niya lang ako.
I cringe when he smiled at me. Something bad will might happen.
"Oo nga, Elka. Kung hindi importante 'yan ay mas mabuti pang aalis na kami dito. You're wasting our time!" Naiinis na sabi ni Tania. Chloe's friend.
Umirap lang ulit si Elka at nang makita niya ako ay ngumisi siya sa akin at itinuro ako.
"You know what guys? Masyado na talagang desperada si Marinel Sy, e. Alam naman nating lahat na kalat na kalat na ang lantarang PDA nila ng Basketball Heartthrob na si Neil Furukawa, right? Naging boyfriend lang naman pala niya si Neil dahil ginagawa lang siyang rebound nito at ang desperada naman ay nagpapagamit. Alam rin natin na si Chloe Saavedra na leader ng Cheering Squad ang totoong mahal ni Neil at hindi siya." Tinaasan niya ako ng kilay at nginisian at tumawa naman ang mga alipores niya.
Biglang umingay ang buong paligid at ang iba naman ay nagbubulungan na habang nakatingin sa akin. Ang iba ay tinitignan ako na parang nandidiri pa at ang iba naman ay lumayo sa akin nang medyo malapit sila sa pwesto ko.
"Talaga? Desperada naman pala si Marinel. Sayang, maganda pa naman!"
"Gosh! Gagawin talaga ng mga desperada ang lahat para maka-iscore lang sa isang heartthrob basketball player!"
"Ang dami-dami pa namang gwapo sa YGA pero si Neil pa talaga ang tinarget niya? Ew!"
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at halos hindi na makahinga. Hindi ko na napigilan pa at lumuha na ako.
Desperada? Ganon na ba talaga ako para kay Neil? Masyado ko bang pinipilit ang sarili ko sa kanya? Oo, alam kong rebound niya lang ako at pumayag ako doon pero kasi, umaasa rin ako na mamahalin niya ako at tuluyan ko nang mapalitan si Chloe sa puso niya.
Mahal ko si Neil, kaya kahit hindi niya ako mahal ay tutulungan ko siyang makalimot sa babaeng nanakit sa kanya.
"Oh! Umiiyak na si Marinel desperate. Look guys, totoo kasi 'yung sinabi ko kaya siya apektado." At mas lalo pang nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Elka.
Napatingin ulit ako sa pwesto ni Russel at nakita ko siyang may hawak na cellphone na alam kong vine-videohan niya ang buong pangyayari.
Alam ko na, siya ang may pakana nito. Ganti niya 'to laban sa pagsusumbong ko sana kay Alanis. Nagtagumpay siya dahil ngayon ay sirang-sira na ako sa buong YGA.
Tumingin siya sa akin at muling ngumisi.
He's an evil and manipulator.
Hindi ko na kinaya pa at tumakbo na ako papalabas ng Gymnasium. Nakita ko naman ang pagsunod sa akin ni Neil.
Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Tama nga siguro si Elka, desperada na ako.
Napahinto ako sa soccer field at naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko.
"Marinel.."
It's Neil. Yumuko lang ako at patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.
"S-Siguro tama nga si Elka. Desperada na ako sa'yo, Neil. Alam kong rebound mo lang ako e, pero nagpumilit pa rin ako." Malungkot kong sabi.
"Marinel, please look at me and listen to me." Hinawakan naman niya ang magkabilang kamay ko kaya napaharap na ako sa kanya.
His face looks so worried at may awa. Awa? Hindi ko kailangan ng awa mo, Neil. Pagmamahal mo ang kailangan ko.
"M-Mahal mo pa rin ba si Chloe?"
Sa tinanong ko ay para ko na ring pinapatay ang puso ko pero kailangan ko ng sagot. Hindi siya kaagad nakasagot kaya tumango na lang ako at ngumiti ng malungkot.
"Nagtanong pa ako e, alam ko naman ang sagot." I laughed bitterly at tinanggal ang mga kamay niya sa braso ko.
"Hindi mo ba ako mahal o kahit gusto man lang?"
Marinel. Okay, kill yourself with your questions!
"Marinel, I-I just.." I stopped him.
"Let's stop this, Neil. I don't need your pity. Bigla na lang akong natauhan. Dapat pala ay hindi na ako pumayag na maging girlfriend mo dahil kahit kailan ay hinding-hindi mo ako magugustuhan." Mapait kong sabi.
Nakita ko na may tumulong luha sa mga mata niya pero masyado nang namanhid ang puso ko kahit gusto kong punasan ang mga luha niya.
Ayoko siyang nakikitang umiiyak ulit pero kung patuloy ulit akong umaasa sa kanya ay paano naman ako?
Umalis na ako at iniwan siyang nakayuko sa field. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa isang malaking puno at doon ay umiyak ng umiyak.
I'm desperate and a freaking rebound to Neilson Furukawa!
"Do you need a shoulder to cry on?" Napalingon naman ako sa nagsalita sa harapan ko.
It's Denver Flores.
RUSSEL'S POV
Pagkatapos kong mavideohan ang buong pangyayari kanina sa Gymnasium ay nilapitan ako ni Elka.
"Thank you for that info, President. I'm sure that Neil is going to be mine." She smiled.
What a desperate bitch.
I smiled too. "No problem."
Kakalabanin mo pa ako, Marinel? Kahit kailan ay hindi ako matatalo ng kung sinuman. Don't you dare to ruin my plan to my Alanis. Magkakamatayan muna tayo bago niyo siya makuha sa akin.
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.