Obsession #28

18.2K 484 48
                                    

TRAVIS' POV

Ilang linggo na simula nang wala kaming pansinan ni Alanis. Ayoko namang magalit sa kapatid ko pero hindi ko mapigilang hindi pagdudahan 'yung boyfriend niyang si Russel.

As a psychology student ay alam ko ang behavior at tamang galaw ng isang tao kung nagpapanggap ba ito, kung mabait ba talaga o may mali sa kanya. When I first saw Russel in the mall, may hindi talaga tama sa kanya. He's now a boyfriend of my 16 year old sister and yet that guy is already 18 years old and in a legal age.

Alanis never had been in a relationship before kaya nga medyo naiirita ako kapag kasama niya noon si Gio because that guy obviously likes her at baka ligawan lang nun ang kapatid ko at hindi na makapagfocus sa pag-aaral niya, pero kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pa na si Gio nalang ang makatuluyan ni Alanis kaysa kay Russel.

Gio is a good guy at saksi ako doon simula noong mga bata pa lang kami nila Alanis but I have no choice but to talk to my younger sister and say sorry to her. Kung si Russel talaga ang makakapagpapasaya sa kanya ay tatanggapin ko na lang iyon. I love my sister at hindi ako sanay na may alitan kami at tampuhan.

Its already 8:30 pm kaya kinatok ko na si Alanis mula sa pintuan ng kwarto niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagulat ako sa itsura niya. Namumugto ang mga mata niya at mukhang pagod na pagod. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at umupo ako sa kama niya.

"What happened, Alanis? Bakit ganyan ang itsura mo? Is there anything wrong?" Sabi ko nang may pag-aalala.

Umiling ito at napapikit. "W-wala, Kuya. Napagod lang ako kanina sa Annual Event ng YGA." mahina niyang sabi.

"Ganon ba? Gusto mo bang ikuha kita ng gamot? Milk? Oatmeal? Tubig? Just tell me what do you want." Hinawakan ko ang noo niya pero hindi naman siya mainit o may sakit.

"Hindi na, kuya. Kumain na ako ng dinner kanina kasama si R-Russel kaya okay lang ako," he answered.

When she said Russel ay bigla kong naalala ang mga dapat sasabihin ko sa kanya.

"Princess, about you and Russel.. I just want to say sorry for what I have said to him. Sorry kung nagtampo ako sa'yo at hindi ka pinansin ng ilang linggo. Hindi kasi ako tiwala kay Russel dahil hindi ko pa naman siya kilala ng lubos pero para sa'yo ay tatanggapin ko na ang relasyon niyo." I smiled at her.

Ngumiti rin siya. "O-Okay lang, kuya." Sumandal siya sa balikat ko kaya tinapik-tapik ko naman ang balikat niya.

"Kapag may masamang mangyari, just tell me. I'm your brother and my responsibility is to take care and protect you, my one and only princess. Lahat ng gusto mo ay susuportahan ko." Humarap siya sa akin at ngumiti ulit.

"Masaya ako at may isang mabait, matalino, matangkad at ubod ng gwapo akong kuya!" She pinch my cheeks so hard kaya napadaing ako sa sakit.

"Aray naman, Princess! Sisirain mo ba ang mukha ko? Ang sakit mo mangurot, e!" Reklamo ko pero tumawa lang siya kaya napatawa na rin ako.

"Sorry naman. Ay, kuya! 'Yung play pala na inorganize nila Lara sa MNHS ay nanalong peace prize awardee sa buong Masbate Region at baka gawin rin movie para sa mga HS Movie Educational Programs. Ang talino talaga niya, 'di ba? Pati scripts at acts ng mga kaklase niyang gumanap sa play ay siya rin ang gumawa. Ang talino talaga ng bestfriend ko!" Masayang sabi ni Alanis at pumalakpak pa.

Lara.

The only girl that I loved but can't never be mine again.

THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos ng eskandalong ginawa ni Russel kahapon sa annual event ng YGA ay pinatawag siya ng Principal para makausap siya.

Habang naglalakad siya papunta sa Principal's office ay pinagtitinginan siya ng mga estudyante at hindi niya nagustuhan iyon kaya huminto siya sa paglalakad at tumawa ng mapang-asar.

"Artista na ba ako para pagtinginan ninyo? Ano, maganda ba 'yung eksena namin kahapon?" Sigaw nito sa kanila kaya natakot at natahimik ang mga estudyante dahil sa inasal niya.

Napairap na lang si Russel saka itinuloy na ang paglalakad niya. Nang makarating na siya sa Principal's office ay nakita niya ang Principal na nakaupo sa desk nito. Pinaupo naman siya sa isang vacant seat katapat lang nito.

"Aware ka naman siguro sa ginawa mong eskandalo kahapon, Mr. Madrid?" Mataray na tanong ng Principal.

Tumango lang si Russel at bagot na tinignan ang Principal na kulang na lang ay patayin siya dahil sa mga tingin nito.

"At aware ka naman rin siguro na bawal 'yung ginawa mong pambubugbog sa estudyanteng taga St. Claire? Alam mo ba na pwede kitang ipa-expell sa ginawa mong 'yon? Student Council President ka pa naman ng SCG ng YGA at running for Valedictorian pa at lahat ng iyon ay pwedeng mawala nang dahil lang sa init ng ulo mo." banta ng Principal.

Humalakhak na lang bigla si Russel na ipinagtaka naman ng Principal.

"What's funny, Mr. Madrid?" Galit na ani nito.

Napahinto naman sa pagtawa si Russel at nginisian ang Principal.

"You will do that to me, Mrs. Gonzaga? If yes, then sasabihin ko na lang sa buong YGA na may kabit  kang isang 4th year high school student na taga YGA lang din. Malaking kahihiyan 'yun para sa pamilya, asawa at mga anak mo." Namutla nalang bigla ang Principal sa sinabi ni Russel.

Napangisi pang lalo si Russel at tumayo saka pinaikutan ang Principal na namumutla na sa kaba at takot.

"How did I know? As a Student School President of this school, I know what's the latest news and gossips here in YGA. Lahat ng baho ng YGA ultimo mga estudyante, faculty members at kayong mga officers na may mataas na posisyon ay alam ko at pati na rin ang sa inyo kaya kung tatanggalin mo ako sa school na 'to ay sigurado ako na pati ikaw ay susunod lang sa akin."

Tuluyan nang nanghina ang Principal sa sinabi ni Russel kaya napakapit na ito sa swivel chair niya habang namumutla.

"Very gross, Principal. You're already 56 tapos papatol ka sa isang 18 years old? Tsk." Tuluyan nang lumabas si Russel sa Principal's office at pagkalabas niya ay napangiti pa itong lalo.

"Kakalabanin niyo pa ako, huh? Hindi kayo magtatagumpay para lang pabagsakin ako. I always win and I can manipulate everything."

---
#67 na sa General Fiction. Salamat sa inyo.

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon